Julia Barretto, na-appreciate ang pagiging “parang mommy” ni Ella Cruz sa set ng The Seniors; “She’s always looking out for everybody.”

Bukod sa cast, napa-mangha din si Julia Barretto sa direktor nila sa The Seniors na ka-edaran lang niya, si Direk Shai Advincula-Antonio. “She’s very young, only 25 years old, pareho lang kaming Gen Z, so, we can easily relate with each other. She’s great, a bad ass, I wanna work with her again. I wanna be like her in another life.

Photos: Vivamax

Bukod sa cast, napa-mangha din si Julia Barretto sa direktor nila sa The Seniors na ka-edaran lang niya, si Direk Shai Advincula-Antonio. “She’s very young, only 25 years old, pareho lang kaming Gen Z, so, we can easily relate with each other. She’s great, a bad ass, I wanna work with her again. I wanna be like her in another life.

Careerwise, maganda ang pasok ng 2022 sa aktres na si Julia Barretto.

Ngayong araw, Pebrero 25, ay streaming ang first ever horror movie niyang Bahay na Pula sa Vivamax. Kasama niya dito sina Marco Gumabao at Xian Lim at mula sa direksyon ng internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Tapos, heto at may ipapapalabas pa siyang digital series, sa Vivamax din, kung saan kasama niya naman sina Andrea Babierra, Awra Briguela, and Ella Cruz.

It’s called The Seniors, isang youth comedy-drama series na mula sa direksyon ng 25-year-old lang na award-winning director din na si Shai Advincula-Antonio. Co-produced ito ng Viva Films at Project 8 Projects nina Direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Tsika ni Julia sa nakaraang The Seniors virtual mediacon, nagustuhan daw niya ang karakter niya dito bilang taga-Maynila na nalipat mag-aral sa probinsya. Kumbaga, maliligalig ang buhay ng mga feeling elite doon, ang The Certifieds,” dahil sa pagdating niya. At dahil outnumbered siya at newbie pa, mabu-bully siya.

“This is my second series for Viva after Di Na Muli,” panimulang tsika ni Julia. “It’s about Gen Z students in the province, Pacaque Rural High School. 

"I play Diana, a city girl from Manila na lumipat sa province at yun, she’s a game changer kaya na-threaten sa akin 'yung mean girls doon sa school and hina-harass nila ako.’

First time naka-trabaho ni Julia ang tatlo niyang co-bida—sina Awra, Ella, at Andrea—at na-enjoy din daw niya nang sobra ang company ng mga ito off-cam.

“Off cam, nag-bonding kami agad. I had a goodtime.  Let's start with Awra... parang we have some sort of a connection... na-attach ako kay Awra, sobra. After naming mag-shooting hinahanap-hanap ko na talaga siya. So, para na niya akong ate na ngayon.”

Of the three, si Ella Cruz ang pinaka-kilala niya although now palang sila nagkasama sa work. At na-appreciate daw niya ang pagiging parang “mother hen” ni Ella sa set. Maalaga at protective daw kasi ito sa kanila.

"Si Ella naman, I've known her for a very long time but this is the first time that we're working together and I appreciated Ella for being so thoughtful and very maalagaParang siya 'yung mommy ng group...she's always looking out for everybody and parati niya kaming napagsasabihan... kapag nakikita na ’yung panty ko, pag hindi na maganda ’yung upo ko, kapag hindi na ako naka-mask...”

Nagka-soft spot naman daw siya kay Andrea dahil nakita niya ang sarili dito noong nagsisimula palang din siyang mabigyan ng break. Na-witness niya kasi kung gaano kasaya si Andrea na mapabilang sa project na ito kahit na second choice lang ito and at the same time, na-feel niya ang kaba nito dala ng pressure.

"I have a soft spot for Andrea because I know what it’s like to do your first series and I remembered the pressure and the fear. So, I wanted to be by her side and I wanted her to feel na she can talk to me and that we can be friends and that I'm her friend.

“And you know, I only get to meet her now doing this series but I'm really proud of her and she’s really great. Sana may Season 2 kami," nakangiting sabi ng aktres.

Bukod sa cast, napa-mangha din si Julia sa direktor nilang  ka-edaran lang niya, si Direk Shai Advincula-Antonio.

“She’s very young, only 25 years old, pareho lang kaming Gen Z, so, we can easily relate with each other. She’s great, a bad ass, I wanna work with her again. I wanna be like her in another life.

“She knows exactly what she wants. It made our job easier...the material about high school life and young viewers can easily relate with what the characters go through in the series,” papuri ni Julia sa lady director.

For her part, naka-relate din daw ang Gen Z director Direk Shai sa mga characters ng movie’ng idinirek niya dahil once upon a time ay naging hisg school student din siya na galing probinsya at lumipat naman ng Manila for her college education sa

sa University of the Philippines.

Ang digital series na The Seniors ay mapapanood na sa Vivamax starting March 20.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.