Julia Barretto ngayong lumuwag na ang travel restrictions: “I want to reclaim the time I have lost.”

Paliwanag ng aktres na si Julia Barretto, gagawa s’ya ng mga travel content sa kanyang YouTube channel matapos umano n’yang mapag-isip-isip na maraming oras ang nasayang dahil sa mga lockdowns at travel restrictions na dala ng Covid-19 pandemic.  “And now that we’re finally free again, I want to reclaim the time I have lost. And so, I thought of doing this new segment,” aniya.

SCREENSHOTS: Julia Barretto on YouTube

Paliwanag ng aktres na si Julia Barretto, gagawa s’ya ng mga travel content sa kanyang YouTube channel matapos umano n’yang mapag-isip-isip na maraming oras ang nasayang dahil sa mga lockdowns at travel restrictions na dala ng Covid-19 pandemic. “And now that we’re finally free again, I want to reclaim the time I have lost. And so, I thought of doing this new segment,” aniya.

May bago nang aabangan ang mga YouTube subscribers ni Julia Barretto ngayong nagkaroon na s’ya ng travel vlogs na tinawag n’yang This is JuJu On The Go.

Kahapon nga lang, May 22, may pa-sample na ang actress-vlogger at ipinasilip na ang naging travel n’ya recently sa Bohol.

Paliwanag n’ya sa video, ginawa n’ya daw ito matapos mapag-isip-isip na maraming oras ang nasayang dahil sa mga lockdowns at travel restrictions na dala ng Covid-19 pandemic. 

“Lately, while contemplating, I’ve realized how my time I’ve lost in the past two years. I was just like everyone else, stuck at home or in a bubble for work thinking when will all of these end,” paliwanag ni Julia.

At ngayong nagbubukas na ang tourism sector, na gaya ng showbiz industry na pinadapa rin ng pandemya, gusto umano ni Julia na bawiin ang mga oras na nawala. 

“And now that we’re finally free again, I want to reclaim the time I have lost. And so, I thought of doing this new segment,” aniya.

Unang destinasyon nga n’ya, naging content ng kanyang travel vlog, ang Bohol island. At naging hectic din ang itinerary ng aktres sa kanyang naging bakasyon. 

Matapos kasi ang mabilisang tour sa room n’ya sa resort ay agad na tinungo ni Julia ang Baclayon church. 

Ito ang lumang simbahan na itinayo pa noong 16th century na gumuho dahil sa malakas na lindol noong 2013. Taong 2018 naman nang ito ay maitayong muli. 

Sadly, hindi nakapasok ang aktres sa loob para sana sa kanyang three wishes dahil sarado iyon that moment kaya nagtirik na lang s’ya ng kandila sa labas. 

“It is amazing to see the church back up again after being destroyed. Sayang lang I didn’t get to see the inside but I definitely want to be back once it’s open again,” lahad pa n’ya.

Sunod n’yang sinubukan ang sikat na Loboc River Cruise kung saan s’ya nananghalian. 

At dahil masasarap ang Boholano dishes habang nasa bangka na bumabaybay sa Loboc River, nagbigay ng payo si Julia sa mga gustong kumain doon. 

“Advice ko lang. Kung pupunta kayo dito wag kayo mag-fitted pants [gaya ng suot ko] kasi mapaparami ang kain n’yo. Kung pupunta kayo dito, [isuot n’yo] ’yong mga baggy-baggy [pants] siguro,” natatawang sabi nya.

Matapos mag-lunch ay dumiresto s’ya sa man-made forest ng Bohol at ikinatuwa n’ya na nabuo pala ang gubat na ’yon dahil sa initiative ng mga tagaroon. 

“It’s pretty cool to think na initiative ito ng mga locals dito, students, military... There really is a lot of people still want to take care of the environment and the nature. It’s a nice thing to learn,” saad ng Viva actress. 

Dahil nandoon na rin lang, tinungo na n’ya ang Bohol Tarsier Conservation Area. 

First time daw n’ya makapasyal doon at makita nang personal ang world’s smallest primates. 

Doon n’ya rin nalaman na na-survive pala ng mga tarsier ang pananalasa ng Super Typhoon Odette last December. Napabalita kasi na marami sa kanila ang nawala nang tumama ang bago doon. 

“So, guys, just to clear the misconception during Odette, a lot of people got really worried because akala natin nagkaubusan ng tarsier. But apparently, they all actually survived. They’re all okey, so that’s good news,” pagbabahagi n’ya.

At bago matapos ang araw, game n’yang inakyat ang isang burol kung saan natanaw n’ya sa unang pagkakataon ang pinakasikat na icon ng Bohol, ang Chocolate Hills. 

Hindi mapigilang ma-amaze ng aktres na ma-experience ang 360 degrees na view ng Chocolate Hills. 

Panoorin ang Part 1 ng JuJu On The Go in Julia Barretto dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, napatili sa Rolex watch na natanggap mula kay Gerald Anderson noong Pasko; regalo sa inang si Marjorie, priceless na kuwintas naman

Hiling ng mga fans ni Dennis Padilla tuluyan na raw sana silang magka-ayos ng anak niyang si Julia Barretto

Julia Barretto, wise nang humawak ng pera but gifts herself with an expensive watch for Christmas; “’Yon ’yong first gift ko sa sarili ko after two years!”

Gerald Anderson, willing mag-reach out kay Bea Alonzo at umaasang mapapatawad siya nito

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.