Julia Barretto, wise nang humawak ng pera but gifts herself with an expensive watch for Christmas; “’Yon ’yong first gift ko sa sarili ko after two years!”

Dahil naging very fruitful ang kanyang 2021, raring to make more movies in 2022 ang mode ngayon ni Julia Barretto. “Bumalik talaga ’yong fire ko for making films and I’m so inspired and motivated again. Like, that’s all I wanna do next year… keep making films.”

Photos: @juliabarretto

Dahil naging very fruitful ang kanyang 2021, raring to make more movies in 2022 ang mode ngayon ni Julia Barretto. “Bumalik talaga ’yong fire ko for making films and I’m so inspired and motivated again. Like, that’s all I wanna do next year… keep making films.”

Bago matapos ang taon ay nakatapos ng dalawang pelikula si Julia Barretto, ang Expensive Candy, where she plays a mapangahas role a sex worker, directed by Jason Paul Laxamana; at isang horror film, ang Bahay na Pula under Direk Brillante Mendoza.

Successful din ang love triangle series nila nina Marco Gumabao at Marco Gallo sa TV, ang Di Na Muli, na napapanood na rin ngayon sa Vivamax.

Indeed, 2021 has been a fruitful year for her. And she looks forward to 2022 with a big smile. At sana raw ay makagawa siya ng more movies sa papasok na taon.

“Bumalik talaga ’yong fire ko for making films and I’m so inspired and motivated again,” masayang tsika niya sa virtual press conference niya as the first-ever celebrity ambassador ng Miracle White, isang glutathione supplement brand. “Like, that’s all I wanna do next year… keep making films.”

Ang speaking of Miracle White endorsement, isa pa itong pahabol na blessing sa kanya ng 2021.

Dahil masaya, she gifted herself with something expensive daw for Christmas—a watch na ayaw niyang sabihin kung anong brand.

“Parang ’yon ’yong first gift ko sa sarili ko after two years!” mabilis na paliwanag niya.

Wais na raw kasi siya sa pera ngayon dahil mas alam na daw niya ang value nito mula nang mag-solo living siya.

“So, hindi na ko ’yong before na parang every week may bago ako sapatos, may bago akong bag...hindi na ako gano’n. Napupunta na lang sa electricity [bills], sa amortization dues... 

“Now, because I live alone already—I’ve been living alone for three years now—ngayon ko na-value ’yong pera, ’yong oras, ’yong energy na binibigay mo. So, ngayon P200, P500, P1,000, ang mahal na sa akin no’n kasi naba-value ko na siya because nakikita ko na ’yong bills ko, e. Ako na ’yong nagbabayad kasi hindi na si mom.”

She’s also now starting to invest on businesses and seriously preparing for the future.

“Like with the Juju Club, diba, isa yang investment for me and marami pa akong s’yempre mga dreams at saka mga ina-eye na investments pero personal na ’yon. But yeah, kasi s’yempre diba tumatanda na rin tayo. And of course, we work hard to get comfortable. Sana by the time magkaroon tayo ng family, ganyan, we just want our kids in the future to be comfortable. So we really strive and we work hard because kasi kailangan, e.” 

(The Juju Club is her own line of hard-to-resist fashion accessories na mabibili sa shopee.ph.)

Maging ang personal niyang buhay ay masaya at kalmado.

“As a person, I really am in a good place in my life. I really am happy with the people that surround me and there’s just a lot of peace within me...Just a lot of calm and peace. And that’s something I’ve been praying for two years now. And this year, it’s just all about that and I couldn’t be more grateful.”

Kaya naman no room for nega daw siya ngayon. Pag nararamdaman daw niya pinapasukan siya ng nega ay sina-shut off na agad niya ito.

Isang proven beauty tip daw ’yon, ani Julia. Ang umiwas sa nega. And the best wat to do that is to count your blessings each time you feel down and out.

“You know, they always say this. I think it really works for me—there is really magic in counting your blessing. So, every time na medyo napapagod na ako or nai-stress na ako or minsan ’yong energy na binibigay sa akin is medyo bad or negative, I really take the time to shut off, shut down, have a moment for myself and really count the things that I should be grateful and thankful for.

“Like we are blessed especially this year so hindi ko pinapayagan na mangibabaw ang stress at negativity because again, hindi nakakaganda at hindi nakaka-Miracle White. Haha!

“Always count your blessing and focus on the things that are happening in your life, especially now na hindi natin alam kung ano’ng mangyayari mamaya, kung ano’ng mangyayari bukas...so as much as possible, I just wanna enjoy what I have and the people around me.” 

At dahil may kinalaman sa pagpapaputi ang bago niyang ine-endorso, natanong si Julia ng mga beauty and vanity questions.

“’Yong pagka-puti ko, thank you na lang kay Marjorie... thank you na lang talaga kay mommy. Haha!”

Pero kung ang pagiging maalaga daw sa katawan ay maiko-consider na vanity, then she is vain, indeed.

“Because there’s nothing like a hygienic woman... para maging mabango, para maging makinis. But we don’t always have a perfect face, you know. I also have days when I get pimples...I get two or three of them. Or there are some days na, ‘Parang hindi ako smooth today?’

“But it’s okay. We’re only human. We’re not perfect every day and will never be perfect. But I do take care of myself because it makes me feel good inside. It makes me feel good about myself and if I don’t feel good inside, that would reflect on my aura, my energy and how I treat other people. I really do make sure that I make time for self-care because that’s the same thing as taking care of other people.” 

As for pagiging kikay, perfect 10 na ang ibinigay na rating ni Julia sa sarili.

“Ten na lang! ’Yun din naman ang sasabihin ng bashers. Ten na! Maarte ako, e!” diretsang pag-amin niya.

In all, she’s very happy daw na siya ang napili ng Miracle White as their first ever endorser. Nakakataba raw ng puso ang tiwalang binigay ng kumpanya sa kanya.

Pero kung meron man daw mas masaya kesa sa kanya, ito ay walang iba kundi ang maalaga niyang mom na si Marjorie Barretto.

“I just wanna make share...mommy was very happy that I’m now part of Miracle White. Sabi niya sa akin, wala na akong excuse magpa-tan pa sa beach. Sabi niya, kailangan ganito lang ako—always glowing, happy, and miraculously white. Very happy si Marjorie,” natatawang pagtatapos niya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.