Julia Barretto’s Juju On The Go vlog features Davao, kung saan tumikim siya ng crocodile coffee ice cream at ostrich vanilla ice cream

Isa sa mga highlights ng first day ni Julia Barretto sa Davao ay ang meet-and-greet session niya with Pangil at Viggo sa Crocodile Park at Philippine Eagle Center.  Si Pangil ay ang largest crocodile in captivity sa Pilipinas habang si Viggo naman ang male Philippine eagle na makikita sa ating P1,000 bill.

PHOTO: @juliabarretto on Instagram; SCREENSHOT: Julia Barretto on YouTube

Isa sa mga highlights ng first day ni Julia Barretto sa Davao ay ang meet-and-greet session niya with Pangil at Viggo sa Crocodile Park at Philippine Eagle Center. Si Pangil ay ang largest crocodile in captivity sa Pilipinas habang si Viggo naman ang male Philippine eagle na makikita sa ating P1,000 bill.

Jampacked ang unang araw ng pagbisita sa Davao ng actress-vlogger na si Julia Barretto.

Ipinakita n’ya ito sa Episode 5 ng kanyang travel vlog na Juju On The Go na in-upload sa YouTube nitong nakaraang weekend. 

Isa sa mga binisita ng aktres ang pasyalan doon na Malagos Garden Resort, kung saan na-experience n’ya ang mag-bird feeding, magpakawala ng mga paruparo sa butterfly garden, at maglibot sa chocolate museum.

Sinadya rin ni Julia ang Roxas Night Market na kilalang puntahan ng mga gustong lumantak ng street food.  

Hindi rin n’ya nakaligtaang dumaan sa Magsaysay Fruit Stand para tumikim ng iba’t ibang prutas ng Davao gaya ng durian, marang, at mangosteen.

Ang masasabi ko lang, pag bukas pa lang ng kotse, amoy na amoy na amoy na agad ang durian,” paglalarawan pa ng aktres pag dating n’ya sa lugar. 

Dito n’ya na-enjoy for the first time ang pagkain ng mangosteen. 

“Oh my… Ang sarap n’yan. Ang sarap nito. I like fruits that make me ganito [napapikit sa tamis-asim]… Guys, ang sarap ng marang pero grabe… I like how I was able to experience the mangosteen,” saad pa n’ya. 

Pero kung may pinakatumatak sa unang araw n’ya sa Davao, iyon daw ang pagpunta n’ya sa Davao Crocodile Park at Philippine Eagle Center.

Sa Davao Crocodile Park kasi n’ya na-meet si Pangil, ang largest crocodile in captivity sa Pilipinas ngayon.

At talagang lumabas ang tapang ni Julia dahil talagang pumasok s’ya sa loob ng kulungan ni Pangil para mas makita n’ya ito nang malapitan. 

Hindi s’ya masyado nagmo-move?” tanong n’ya sa guide. 

Naka-steady lang kasi sa kanyang kinalalagyan ang dambuhalang buwaya. 

Si Pangil… [the] crocodiles usually, hindi gaanong gumagalaw. Pag ganyan na wala s’yang water [sa kulungan] stable lang s’ya. Laging nag-open ’yong mouth, naglalabas s’ya ng init sa katawan kasi wala silang pores,” paliwanag ng guide sa kanya. 

Maliban sa pagbisita kay Pangil, nag-enjoy din si Julia sa papanood ng show tampok ang iba pang hayop na inaalagaan doon, at pagtikim sa crocodile coffee ice cream at ostrich vanilla ice cream na gumagamit daw ng itlog ng buwaya at ostrich imbes na chicken eggs. 

Isa pa sa highlight ng araw n’ya doon ay ang papunta n’ya sa Philippine Eagle Center, ang conservation and breeding facility para sa mga haribon. 

Doon n’ya na-meet ang iba’t ibang endangered species ng mga ibon na na-rescue at inaalagaan. Kabilang dito ang twelve-year-old na si Viggo, ang male Philippine eagle na makikita sa P1,000 bill.

Sa huling bahagi ng vlog, ibinahagi ni Julia ang naging reflection at natutunan n’ya sa mga bago n’yang karanasan sa Davao. 

“My Davao experience doesn’t not only focus on getting a fair doze of adventure, or being tantalized by beautiful sceneries. What really caught my attentions are the ones that stood out, the ones that must be put to our attention,” saad ng aktres. 

“At first, to be honest, I was hesitant to go to some places of the places that we visited. And before going to these places I actually asked the tour guide a lot of questions, a handful of questions. But after exploring and learning from the experts, these animals are here for a reason,” pagpapatuloy n’ya.

“As Filipinos, being aware of the current state of these endangered animals is important because they are part of our identity and culture. We must strengthen the effort pioneered by these people, and work hand and hand to encourage understanding of the wildlife. Because once they’re gone, they’re gone forever,” pagtatapos ni Julia.

Ang Juju On the Go vlog ay binuo ni Julia for her travels at kung saan simple ding naha-highlight ang kanyang mga produkto sa business niyang The Juju Club, isang online store for cute kikay accessories gaya ng scrunchies, hair claws, sunnies, chunky rings, bucket hats, at marami pang iba. 

Ang The Juju Club, na inspired ng kanyang nickname na “Juju,” ay itinatag niya noong October 2021. After only 10 months, isa ng successful story ang business venture na ito ni Julia at isa na rin sa paraan niya nag pag-i-spread ng good vibes.

See what they have she has in store here:

Samantala, panoorin ang kabuuan ng travel vlog ni Julia Barretto dito: 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, napatili sa Rolex watch na natanggap mula kay Gerald Anderson noong Pasko; regalo sa inang si Marjorie, priceless na kuwintas naman

Hiling ng mga fans ni Dennis Padilla tuluyan na raw sana silang magka-ayos ng anak niyang si Julia Barretto

Julia Barretto, wise nang humawak ng pera but gifts herself with an expensive watch for Christmas; “’Yon ’yong first gift ko sa sarili ko after two years!”

Gerald Anderson, willing mag-reach out kay Bea Alonzo at umaasang mapapatawad siya nito

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.