Julia, Tita Gretchen, Bea, Gerald trend on Twitter, hours after Julia issues statement; Gretchen continues to side with Bea

Naging viral agad ang statement ni Julia Barretto tungkol sa Bea-Gerald issue

PHOTOS: @beaalonzo, @andersongeraldjr, @juliabarretto, @gretchenbarretto & screengrab on Twitter trending

Naging viral agad ang statement ni Julia Barretto tungkol sa Bea-Gerald issue

Trending sa Twitter ngayong gabi, August 6, ang ilan sa mga mga pangalang nabanggit sa statement na inilabas ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account kaninang hapon.

Bukod sa pagsasaad ng mga naging saloobin niya mula noong masangkot sa kontrobersiya ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, laman din ng statement ni Julia ang pagka-klaro sa ilang akusasyon sa kanya sa social media gaya ng cheating at ng pagiging third party.

Aniya, apat na buwan na silang hindi magka-relasyon ni Joshua Garcia at nilinaw na rin daw mismo ni Gerald na ang issue ay between him and Bea at wala siyang kinalaman at all.

Bahagi rin ng statement ni Julia and pag-call out kay Bea sa ginawa nitong “sly” move sa pagpo-post ng cryptic message noong July 21 at pagla-like umano ng mga posts na may kinalaman sa mga naglabasang pictures nina Julia at Gerald that same day, na nakunan sa isang party sa BGC. Ito umano ang naging sandata ng aktres para i-bash siya ng publiko on Bea’s behalf.

Dahil dito, tinawag ni Julia na “downright bullying” ang ginawa ni Bea at maituturing na irreponsible use of social media.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Hindi nabanggit saanman sa statement ni Julia ang pangalan ng sinuman sa mga Barrettos pero nakasama sa listahan ng mga nag-trending ang pamosong apelyido. At marahil ay malaki ang kinalaman ng agad na nag-viral na response ni Gretchen Barretto sa isang Netizen, @bojbo10_n, na bumatikos sa statement ni Julia. 

Ayon sa Netizen, “@juliabarretto wrong move Julia! Di ka bumilib jan sa official statement mo! Mas lalo ka naging guilty at nuknukan ka ng NEGA jan!!!!! Ewan ko sayo!!!!! Team @beaalonzo all the way!!!!!! @gretchenbarretto, @claubarretto, @iamangelicap, @therealangellocsin“, na sinagot naman ni Gretchen ng: “TEAM BEA FOR THE WIN.”

Dagdag pa ni Gretchen, nag-hire pa diumano ng ghost writer ang kanyang pamangkin para ibangon ang reputasyon. 

“THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”

Dahil dito, naging mas maingay pa sa social media ang mga pangalang nabanggit, maliban kay Joshua Garcia.  Matagal nang may hidwaan sina Gretchen at ang nanay ni Julia na si Marjorie. Sangkot din sa hidwaan si Claudine na tila kampi kay Gretchen. Hinala ng publiko, ito ang dahilan kung bakit openly ay inihahayag ni Gretchen ang kanyang pagiging #teambea .

Samantala, tila ikinatuwa pa ni Gretchen ang pagkalat ng screenshots ng kanyang kontrobersyal na reply dahil ipinost din niya ito sa kanyang Instagram Story.

YOU MAY ALSO LIKE:

Did Gerald Anderson ghost Bea Alonzo? The actress speaks out!

JUST IN: Gerald Anderson breaks silence over his ‘breakup’ with Bea Alonzo

Marjorie Barretto breaks silence over Julia Barretto-Gerald Anderson sighting

Gerald reveals he reached out to Bea; got no response

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.