Juliana Parizcova Segovia, nakaka-L-L (luwag-luwag) na ba?

Photos: @juliana_parizcova | screengrab @vivamaxph

Photos: @juliana_parizcova | screengrab @vivamaxph

Ikalawang pelikula ni Juliana Parizcova Segovia sa Viva Films ang Gluta magmula nang pumirma siya ng kontrata sa talent arm nitong Viva Artists Agency noong 2020. Nauna siyang nai-cast sa sexy-comedy’ng Kaka, na humahataw ngayon sa streaming app na Vivamax, at ikatlo niya bale ang Mark Anthony Fernandez-Claudine Barretto reunion movie na Deception.

Last year, inamin niya sa pikapika na papunta na sa depression ang nararamdaman niya nang magsara ang ABS-CBN (kung saan siya nakilala bilang kauna-unahang Miss Q&A winner ng programang It’s Showtime) at sinabayan pa ng pandemya.

Pakiramdam niya noon ay tila pinaglaruan s'ya ng tadhana at binawi agad ang lahat ng ibinigay na blessings. 

"Ang hirap po kasi parang pakiramdam ko ang bilis binawi," paglalahad n'ya sa interview namin last year. "Parang tinapos ko na nga 'yong pagiging ‘beauty queen’... Doon na ako sa next step na subukan ko naman ang acting. Subukan ko naman ang pagiging komedyante sa TV, sa pelikula..."

Ilang gabi rin daw s'yang umiiyak noon dahil nga tila naputol agad ang katuparan ng kanyang mga pangarap para sa kanila ng kanyang nanay. 

Ang dasal ay sinamahan umano niya ng paglalako ng sarili dahil madalang na nga ang dating ng raket, so to speak, from ABS-CBN.

"Kasi nagka-anxiety ako na... Ang dami ko pa sanang planong gawin kung nagtuloy-tuloy lang s'ya. Kasi meron ng mga write-ups na noon sa akin na, 'In fairness kay Juliana when it comes to acting...' Ganyan, ganyan. May mga nababasa kami sa d’yaryo na ganu'n nu'ng nakikita nila ako sa Probinsyano. So, nu'ng time na 'yon [naisip ko], pa'no ko pa ito matutuloy? Pa'no ko pa gagalingan?"

Ang pelikulang Gluta ni Direk Darryl Yap pala ang isa sa mga sagot sa tanong niya.

Dahil sa press conference ng pelikula kamakailan, marami ang nagalingan at pumuri sa drama scene niya sa trailer, kung saan feel na feel niyang pinaliliwanagan ang pamangking si Angel—(played by Ella Cruz), isang Aeta lass na nangangarap maging beauty queen—na hindi ito pang-beauty queen.

“Hugot na hugot kasi damang-dama ko s’ya, e. Ninamnam ko s’ya kasi alam ko galing din ako doon. Hindi man ako talaga Aeta pero naramdaman ko ’yong eksena na galing din ako doon sa, yes, nilalait na hindi ito ’yong ganda na dinikta ng lipunan para maging beauty queen ka. Hindi ito ’yong itsura na hinahanap na mabigyan ka ng korona. Parang ganu’n. 

“So, oo binitawan ko ng buong puso ’yong sinabi ko na ‘Malupit ang mundo, Angel...’ which is totoo talaga. Kaya ayon thank you kay Direk Darryl at Ella kaya napaiyak din ako ng bongga doon. . . hahaha!”

Relate daw kasi siya sa character ni Ella dahil bilang real-life kontesera din siya noong araw na pinagsasabay ang pagko-call center at pagsali-sali sa mga barangayan beauty pageants.

Madalas din siyang malait noon at masabihang mag-iba nalang ng pangarap. But he never gave up until makoronahan siya, as Miss Q&A, on national TV!

Sa Gluta presscon, maging si Ella ay sumingit magsalita para papurihan siya. Ani Ella, ginulat daw siya ni Juliana noong take na dahil initially ay nai-stress daw ito kung paano aatakihin ang eksena.  Pero flawless daw ang delivery noong actual scene na.

Maski si Direk Darryl ay approved sa nai-deliver ni  Juliana.  

“Si Julianna ang deserve hindi lang magka-trabaho kundi talagang literal na magka-pera... bigyan ninyo ng pera yang taong yan. Hahaha!” tuksong papuri ng director kay Juliana.

At nabanggit na din lang ang pera... natanong din si Juliana kung nakaka-LL—o luwag-luwag—na ba siya sa buhay now that sunod-sunod ang projects niya.

“Siguro hindi naman totally nakakaluwag-luwag...” pag-amin niya. “Siguro nandudoon pa rin ako sa... simula nu’ng lumipat ako sa Viva, nandoon ako sa stage na para akong nagsisimula ulit kasi unti-unti nagagawa ko na ’yong panibago kong pinapangarap... after kong mangarap na maging beauty queen, so next na akong maging actor. So, ito na nagsisimula na.”

Pangarap daw ni Juliana sa ngayon ang maging kasing-busy ni Direk Da (palayaw ni Darryl Yap) para maging kasing-yaman din daw siya nito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz Episode 5 (PART 1): Biglaan (at totoong) House Tour with Juliana Parizcova Segovia

Dingdong Dantes, nahirapang sagutin ang tanong ni Zia kung bakit may mga taong nagkakalat ng basura

John Arcilla, aminadong nagka-anxiety matapos umani ng mga threats mula sa mga viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano

Kasong libel na isinampa ni Catriona Gray laban sa Bulgar entertainment editor at writer, umusad na

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.