Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

PHOTO: @myjaps on Instagram

PHOTO: @myjaps on Instagram

Kung dati ay madalas na mag-celebrate ng Pasko abroad ang family ni Julie Anne San Jose, magiging simple daw ito ngayong taon dahil sa pandemya. 

Sa online tsikahan nila ni GMA reporter Aubrey Carampel via Zoom na umere sa 24 Oras kagabi, December 22, sinabi ng talented singer-actress na okay lang na maging simple ang celebration ngayong taon. Ang mahalaga naman daw ay magkakasama sila ng kanyang pamilya. 

"It's all about giving and sharing your blessings then to other people, especially [those] who are in need," pahayag ng Asia's Pop Diva. 

"Aside from that, we're celebrating the birthday of our Lord, Jesus. Ayon, it's just gonna be simple. Simpleng handaan lang. Ang importante talaga magkakasama kayo."

Samantala, kahit katatapos lang ng hosting stint ni Julie Anne sa singing competition na The Clash ay magiging busy na uli s'ya pag pasok ng bagong taon. 

"It's a good way to start the year kasi, s'yempre, kapag bagong taon, 'di ba, bagong opportunities, bagong blessings. So I'm very, very excited," lahad n'ya sa virtual interview.

Bibida kasi ang singer-songwriter sa upcoming Kapuso series na Heartful Cafe na isa sa mga offerings ng GMA Network sa susunod na taon. 

For the first time ay mararanasan ng excited na si Julie Anne ang lock-in taping na s'ya ngayong ginagawa ng TV and movie productions bilang pagsunod sa safety protocol. 

"I'm looking forward din sa mangyayari sa tapings namin. And of course, I'm looking forward to working with new people. It's a very light show. Sobrang ganda ng story. Sobrang exciting lang."

First time n'ya ring makakatambal sa upcoming show ang actor-model and chinito heartthrob na si David Licauco kaya magiging kakaibang offering ang show nila para sa kanilang fans. 

Ang huling naging teleserye na pinagbidahan kasi ni Julie Anne ay ang My Guitar Princess noong 2018 pa kung saan nakapareha n'ya sina Gil Cuerva at Kiko Estrada. 

"Dito din namin malalaman kung ano 'yong capability ng team up naming dalawa ni David," ani Julie Anne. "So I'm also looking forward kung ano ba 'yong kayang mai-offer ng team up."

For his part, excited din daw si David na makatrabaho ang prized singer-actress ng GMA-7. 

"Julie is award-winning artist. S'yempre, marami akong matututunan from her. I'm just gonna absorb everything. Ako, medyo bago pa talaga ako sa industry," sabi ni David. 

Samantala, bago naman magpalit ang taon ay mapapanood si Julie Anne sa annual New Year countdown celebration ng GMA Network na magiging kakaiba daw for the first time because of the ongoing pandemic.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Julie Anne San Jose's version of Parokya ni Edgar’s “Your Song” hits 20 million streams on Spotify!

Pika's Pick: National Commission for Culture and the Arts appointed new Celebrity Ambassadors for Music: Catriona Gray, KZ Tandingan, and Julie Anne San Jose

Julie Anne, kinumpirmang hiwalay na sila ni Ben Alves

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.