Julie Anne San Jose, hindi maka-get over sa fact na nakapag-piano siya sa gitna ng isang sandbar sa Siquijor

Proud na proud si Julie Anne San Jose sa sand-bar piano sesh niya sa Limitless 2: Heal. “After nu’ng take namin na ’yon talagang pinakita nila sa amin ’yong shot tapos pinarinig ’yong audio, it was like so serene and beautiful. Saka ewan ko, kakaibang experience talaga siya... kakaibang experience siya.”

Photos: GMA Synergy, @myjaps

Proud na proud si Julie Anne San Jose sa sand-bar piano sesh niya sa Limitless 2: Heal. “After nu’ng take namin na ’yon talagang pinakita nila sa amin ’yong shot tapos pinarinig ’yong audio, it was like so serene and beautiful. Saka ewan ko, kakaibang experience talaga siya... kakaibang experience siya.”

“One for the books” ang description ni Julie Anne San Jose sa kanyang Siquijor for her Limitless 2: Heal concert na mapapanood na mamayang gabi sa GMA Synergy, ang streaming app ng GMA Network.

High na high pa rin si Julie Anne about her Siquijor experience during her online media conference for the second leg of her Limitless Trilogy concert. Marami raw kasi siyang na-experience na first time sa Siquijor, including ang pagbisita nga sa mystically fabled island sa Visayas.

At tamang-tamang ang “Heal” theme niya dahil may na-encounter na daw siyang mga healers doon.

“Actually ’yong Siquijor kasi madami na talaga siyang p’wedeng mapuntahan...may mga healers tapos we also did some activities there na first time ko ever na-try. Kaya ano, ang sarap lang din talaga sa feeling kasi ano, e, ewan ko, ibang klase talaga. Parang it’s such an amazing feeling when you get to experience things for the very, very first time,” at a loss for words na panimulang tsika ng tinaguriang Asia’s Limitless Star.

“And makikita ninyo doon kung gaano ako ka-excite or like kung gaano ako na-thrill kasi thrilling din ’yong mga ginawa namin doon. And then we also went to immerse ourselves with the locals tapos konting k’wentuhan with some people there. Tapos may nag-tour din sa amin doon sa mga importanteng places doon.”

Pero ang pinaka-epic sa mga experiences niya doon ay ’yong pag-pa-piano niya sa gitna ng isang sandbar na napapalibutan ng pristine waters.

“And pumunta kami sa isang sandbar...parang ’yon ’yong isa sa favorite performances ko ever sa aking music career,” excited na k’wento niya. “Kasi like parang hindi ko ma-imagine ’yong sarili ko na nakakapag-perform ako sa gitna ng sandbar na tumutugtog ng piano tapos sariling composition ko, tapos ang ganda-ganda ng sunset and everything was like captured beautifully...”

Maski daw siya ay napa-wow nang makita na niya ang finished product.

“After nu’ng take namin na ’yon talagang pinakita nila sa amin ’yong shot tapos pinarinig ’yong audio, it was like so serene and beautiful. Saka ewan ko, kakaibang experience talaga siya. Kakaibang experience siya.”

Bet na bet din ni Julie Anne na marami silang na-explore na bodies of water sa Siquijor. Matagal na raw kasi siyang di nakaka-beach and she always considers water as a healing element.

“It was just so nice to be surrounded by a body of water bilang ang tagal ko ding hindi nakapunta ng dagat. Parang okey, nu’ng first part (Limitless 1) like bundok tayo, ito naman dagat naman tayo, water naman ’yong element,” patuloy niya na tumukoy sa first leg ng Limitless Trilogy na kinuhanan naman sa Minadanao.

“And water kasi, it symbolizes healing, diba? Parang cleansed tayo ganyan,” dagdag niya.

But in all, kapwa naman daw epic ang Minadano at Visayan tour nila ng Limitless team. Kaya nga laking pasasalamat niya sa GMA Synergy for mounting this concept concert series for her dahil na-enjoy niya talagang maki-immerse sa mga taga-LuzViMinda (her third installment was shit in Luzon naman).

Hindi pa rin daw niya lubos akalain na mangyayari ang pag-iikot niya during a pandemic.

“People are so nice so, so accommodating and ’yon nga, e, ang weird nga, e, kasi kung kelan nag- pandemic, ngayon ko pa na-discover ’yong mga ganitong klaseng lugar. Kung kailan madami pang ano restrictions, ganyan. But it was all made possible. Sobrang sarap sa feeling na nabigyan ako ng ganitong klaseng opportunity.

“That’s why I cannot thank GMA Synergy enough... the whole team of Limitless for entrusting me with this project.”

Super na-appreciate niya ang project niyang ito that brought her to different parts of the Philippines dahil ngayon lang daw siya nakapag-trip na bagama’t may halong trabaho ay marami ring extra time to absorb the places they visited. Hindi ngarag in short.

Dati nga naman ay kakanta lang tapos babalik na ng Manila. Kaya nga daw ng ilatag sa kanya, nag-yes na agad siya.

“Sinabi ko nga, palagi akong may baon kapag ka nanggagaling ako ng trip. Before kasi sobrang preoccupied ko with work and even ng personal matters ganyan. So, parang hindi ako nakaka-ikot, hindi nakakapag-pahinga, hindi ako nakakapag- loosen up.

“So, parang ito ’yong naging perfect time for me to really, really discover myself. And even before pa Limitless trilogy was born, they presented the idea to me and then I said yes right away kasi sabi ko, ‘Okay, I think I need this, I think I need this.’

“So, traveling is something that I really love and at the same time ’yong mga musical performances namin sa bawat locations, talagang parang memorable din sa akin kasi songs ko ’yong mga kinakanta doon. Really, this one’s for the books talaga.”

Join Julie Anne San Jose as her journey continues with Limitless Part 2: Heal tonight, November 20.

Tickets are still available at gmanetwork.com/synergy. Tickets are priced at P599 (General Admission); P999 (Synergy Pass GA); P1,199 (VIP); P2,199 (Synergy Pass VIP); and P2,799 (Synergy Pass Premium). A special merchandise awaits ticket buyers who will purchase the VIP, Synergy Pass VIP, and Synergy Pass Premium. Ticket buyers can avail of the ticket bundle for both the November 20 and February 19 legs.

Follow www.facebook.com/GMASynergy for more details. For more updates on GMA Network, www.GMAnetwork.com.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.