Nag-sorry daw ang singer-actress na Julie Anne San Jose kay Barbie Forteza dahil sa naganap na “aksidente” sa isang eksena ng Heartful Café, kung saan kabatuhan niya ng linya ang leading man niyang si David Licauco at ang real-life boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto.
Ito ang ikinuwento ni Julie Anne kahapon, June 18, sa online tsikahan nila ni David with comedian-TV host na si Betong Sumaya na naka-live broadcast sa GMA Network Facebook page.
Sa online tsikahan ay nagkaroon sila ng segment kung saan kailangang ipaliwanag nina Julie at David kung ano ang mga k’wento sa likod ng mga photos na ipa-flash sa screen.
Una sa mga photos na ipinakita ay kuha sa isang eksena ng Heartful Café kung saan makikitang nagmistulang palaman si Julie Anne sa nagtatalong sina David at Jak na kapwa nakahubad ng damit pang-itaas.
Sa eksena ay inaaawat ni Julie Anne ang dalawang aktor kaya napahawak s’ya sa abs ng mga ito.
At bago makapagpaliwanag, nauna nang nagtanong si Betong kung kaninong abs ba ang nagustuhan n’ya sa dalawang celebrity hunks.
“Sandwich, e. Na-sandwich ako nu’ng dalawa, e. ‘Di ko in-expect ’yan,” natatawang sagot ng singer-actress. “Pinapapili ba ako? Kasi ang pagkakaalam ko lang i-explain ko lang ’yong nangyari,’di ba? Hahahaha!”
Pagpapatuloy pa ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart, “Natatawa ako. Legit, I swear. Habang shinu-shoot namin ‘yong eksena tawang-tawa ako. Hindi kasi ako sanay na maghawak ng katawan ng iba, okey?
“Nakakagulat. Nakaka-ano lang...Like, of course, being Heart [her character], kailangan…you know, mai-execute din nang maayos. Pero that time, as in, solid tawang-tawa ako. Di ko alam kung bakit.”
“Hindi ko alam kung anong mapi-feel ko that time, e,” natatawa pa ring dagdag niya. “That time kasi, parang nag-aaway si Ace [David] at si Jasper [Jak].”
“Kaya kinausap ko kaagad si Barbie,” pagtatapat niya. “Sabi ko, ‘Mare, sorry agad. Sorry na agad. Sorry na talaga agad.’ Sabi n’ya, ‘Hindi, hindi. Okey lang talaga.’”
“Feeling ko naloka din naman ang mga fans, ang mga JulieVid [fans],” patuloy ng Kapuso star.
Muling singit naman ni Betong: “Pero hindi mo sinagot [’yong tanong], e. Kaninong pandesal ang mas gusto mo?"
“Sa akin na lang [‘yon],” maingat na sangga niya kay Betong. “I-keep ko na lang ‘yon sa sarili ko,”
Mamayang gabi na ang final episode ng Heartful Café nina Julie Anne at David, pagkatapos ng Endless Love sa GMA Telebabad.
YOU MAY ALSO LIKE:
Hannah Precillas, wish maka-collab ang idol niyang si Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years
Julie Anne San Jose, willing to do more production numbers with Alden Richards kahit na ma-bash
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber