Julie Anne San Jose, willing to do more production numbers with Alden Richards kahit na ma-bash

Aware daw si Julie Anne San Jose na maaring may masabi na naman ang mga bashers niya na ayaw siya para kay Alden, sakaling i-pair sila ulit. Pero ang mantra daw niya ngayong 2020 ay: deadma. “I know there are things na may masasabi ’yong ibang tao, but it’s 2020 and parang I don’t have time for things like that,” esplika ni Julie. “I don’t want to put my energy on those kinds of things ’coz at the end of the day, I love what I do, which is singing.  I love performing, I love my job, I love my craft, and I love my fans and my supporters.”

Photos: Melo Balingit

Aware daw si Julie Anne San Jose na maaring may masabi na naman ang mga bashers niya na ayaw siya para kay Alden, sakaling i-pair sila ulit. Pero ang mantra daw niya ngayong 2020 ay: deadma. “I know there are things na may masasabi ’yong ibang tao, but it’s 2020 and parang I don’t have time for things like that,” esplika ni Julie. “I don’t want to put my energy on those kinds of things ’coz at the end of the day, I love what I do, which is singing. I love performing, I love my job, I love my craft, and I love my fans and my supporters.”

Sina Alden Richards at Julie Anne San Jose ang nag-opening number sa pilot episode ng All Out Sundays, ang bagong music-comedy show ng GMA-7 na ipinalit sa Sunday PinaSaya.

Maganda ang naging reception ng live audience sa upbeat dance medley ng dalawa pero sa Twitterverse, hati ang opinyon ng tao. Pina-trending ng mga fans ni Julie Anne ang #YesToJulie hashtag at sinagot naman ito ng iba ng #NoToJulie.

May kinalaman ito sa muling pagpa-pareha sa dalawa at ang yes at no hashtags ay pertaining to her renewed association with Alden.

Matatandang na-link noong 2013 ang dalawa after nilang maging close sa set ng dating Sunday show ng GMA-7 na Party Pilipinas, kung saan lagi silang pinagtatambal sa mga production numbers. At that time, kinukulit ng press ang noon ay hindi pa sikat na si Alden kung nililigawan ba niya ang pambatong young singer ng GMA-7 pero consistent siyang nagde-deny.

 Nagkatampuhan ang dalawa soon after pero up to now ay hindi naging malinaw kung ano ang naging dahilan. Never nang na-rekindle ang friendship nila at kung nagku-krus man ang landas nila ay civil but cold na maituturing ang pagtrato nila sa isa’t isa. Consistent sila sa ganoon maging sa set ng Sunday PinaSaya, kung saan kapwa sila naging mainstay.

Kaya naman laking gulat ng madla nang sila ang pagsamahin sa isang mahabang opening production number ng All Out Sundays last Sunday, January 5.

Ang tanong, may kasunod pa kaya iyon? At kung meron man, game pa rin ba si Julie Anne after nang natanggap niyang bashings dahil doon?

“If ever po masundan, I mean why not?,” kaswal na sagot ng singer-actress. “Wala naman pong kaso sa akin. I don’t say no to work naman and kung tatanggi ako sa work, parang tumanggi ako sa blessing naman.” 

Aware daw siya na maaring may masabi na naman ang mga bashers niya na ayaw siya para kay Alden. Pero ang mantra daw niya ngayong 2020 ay: deadma.

“I know there are things na may masasabi ’yong ibang tao, but it’s 2020 and parang I don’t have time for things like that,” esplika ni Julie. “I don’t want to put my energy on those kinds of things ’coz at the end of the day, I love what I do, which is singing. 

“I love performing, I love my job, I love my craft, and I love my fans and my supporters. Gano’n lang po talaga ’yong parang pinagtutuunan ko ng pansin. Doon ko binubuhos ’yong lahat ng enegry ko. 

“Plus, parang at the end of the day, ang nagma-matter lang naman po talaga ’yong mga taong nagsu-suporta sa’yo. You don’t have to focus on the case that you know, na magbi-bring down sa’yo.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.