Just a Stranger nina Anne at Marco, pinipilahan nang todo!

Photo on the top left taken at the SM Baguio Cinema; photo on bottom left shows the evening crowd at Robinson’s Magnolia in QC; and photo collage on the right shows the sold-out afternoon screenings in Glorietta, SM  Legaspi, and SM MOA in Manila

Photos: Viva Films

Photo on the top left taken at the SM Baguio Cinema; photo on bottom left shows the evening crowd at Robinson’s Magnolia in QC; and photo collage on the right shows the sold-out afternoon screenings in Glorietta, SM Legaspi, and SM MOA in Manila

Bumuhos ang mga taong naintriga sa illicit love affair nina Mae (Anne Curtis) at Jekjek (Marco Gumabao) sa over 200 cinemas na nagpapalabas ng Just a Stranger  ngayong araw, August 21.

 

Mula North to South ng Luzon palang, kitang-kitang pinipilahan ang nakaka-intrigang pelikula ng nag-iisang Dyosa at ng certified new leading man na si Marco.

 

Sinulit ng mga Pinoy ang holiday sa panonood ng Just a Stranger.
Heto ang mga sumugod in the following cinemas (Top to Bottom)
SM Naga, SM Sta Rosa (Laguna), at Gateway Cineplex 8.

 

 

Halos lahat ng screenings sa mga sinehan ay sold out. Pero dahil hindi pa tapos ang araw, hindi pa naita-tally ang opening-day box-office gross ng bagong obra ni Jason Paul Laxamana. Gayunpaman, nangangamoy mega box-office hit ito.

 

 

 

 

 

At nakakatuwa ang reaksyon ng mga tao pagkatapos mapanood ang movie. Karamihan ay nagsasabning “masakit” pala ang pelikula at may malalim na hugot.

 

Sa simula kasi ay p’wedeng akalain na simpleng “kabit” movie lang ito. Pero gaya nga ng sabi ni Direk Jason Paul Laxamana sa aming panayam kamakailan, hindi ito campy. Bagkus, he explored the humanities behind the characters of Mae and Jekjek.

 

Hindi akalain ng iba na after nilang mati-titillate sa mga steamy love scenes nina Anne at Marco ay may kurot pala itong dala. We don’t want to spoil it for you. But here are some Netizen posts na nagpapatunay lang na more than being erotic, the film is also masakit, which, interestingly are a good combo.

 

 

 

Moreover, puring-puri din ng mga tao, hindi lang ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawang bida, kundi ang galing nila pareho sa pag-arte. Even ang entertainment press ay na-impress nang husto kay Marco at dahil dito, he may well be Viva’s next important male star.

 

As for Anne, matagal na niyang napatunayan ang hatak niya sa box-office. And she’s always been lauded for her acting. But with this movie, Netizens na ang nagsasabing mas level up pa siya sa acting and her Just a Stranger  is seemingly turning out to be her biggest grosser. Tama ang desisyon niyang balikan ang kanyang ”core,” sabi nga niya. At pinatunayan niyang siya pa rin ang reyna ng glossy sexy-drama genre.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


6 memorable Anne Curtis lines that will leave you clamoring for more in Just A Stranger


5 parts of the Just A Stranger teaser that make us want to see the movie ASAP

The Butcher | The sin of Anne Curtis

Para kay Anne Curtis, Marco Gumabao is the right choice as her leading man


Direk Jason Paul Laxamana, walang paki kung husgahan ng mga moralista ang Just A Stranger

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.