K Brosas, na-depress matapos takbuhan ng contractor ng ipinapagawa niyang bahay

Positive naman ang komedyana na makakamit n’ya ang hustiya sa kanyang sinapit sa kamay ng contractor.  “Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

PHOTO: @kbrosas

Positive naman ang komedyana na makakamit n’ya ang hustiya sa kanyang sinapit sa kamay ng contractor.  “Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

Napilitang magsampa ng reklamo ang comedienne-singer na si K Brosas matapos umano s’yang takbuhan ng taong kinontrata n’ya para sana ipatayo ang dream house nilang mag-ina. 

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, September 10, ikinuwento ni K ang naging plano n’ya noon na magpatayo ng bahay dahil magastos daw ang magrenta ng townhouse o condo. 

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit,” panimula ng aktres sa kanyang IG post. 

Talagang sinikap daw n’ya na matupad ang pangarap na ito sa loob ng maraming taon ng kanyang pag-aartista. 

“Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay,” aniya. 

Na-fully paid na daw n’ya ang pagpapatayo nito pero sa kasamaang-palad, matapos nang mahabang panahon, ay wala pala s’yang bahay na malilipatan. 

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay,” pagsisiwalat n’ya.

“Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.”

Na-stress na daw s’ya nang husto dahil dito. 

“Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari,” lahad pa n’ya sa IG post. 

“[A]lam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.”

Kung mukhang okey daw s’yang napapanood ng mga tao sa TV ay kabaliktaran daw ’yon ng estado ng kanyang mental health behind the camera. 

“[M]asaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko,” pag-amin pa ni K.

Dahil sa nangyari, minabuti na daw n’yang humingi ng legal assistance para mapanagot ang nang-scam sa kanya na hindi pa n’ya pinapangalanan.  

“Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko,” aniya. 

“Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

Positive naman ang komedyana na makakamit n’ya ang hustiya sa kanyang sinapit sa kamay ng contractor. 

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day,” pagtatapos ni K. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: K Brosas loses patience on persistent basher and threatens to sue; friend Pokwang comes to her defense

K Brosas' daughter Crystal is the sweetest as she flexes her "mahal" Pola Anne Villes on social media

K Brosas sounds off on basher who used the word “bipolar” to insult her: “So, ano problema mo sa may bipolar?”

K Brosas, gumawa ng “huling habilin” video nang magka-COVID

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.