K Brosas, napaisip na magpa-freeze ng egg cells noon sa kagustuhang magka-anak muli

Ayon kay K Brosas, sumagi sa kanyang isip noon, when she was in her 30s, na muling magka-anak pa. Kaso raw ay naging sobrang busy sa career kaya't na-neglect niya ang planong ito. In recent years, ang naiisip umano n’yang paraan ay ang pagpapa-freeze sa kanyang egg cells lalo pa’t single daw s’ya for six years now.  "Naisip ko siya, kaso mahal...ang mahal ng gano'n, magpa-freeze ng eggs. Ipi-freeze ko nalang ’yong eggs ko. Ilalagay ko sa ref,” pagbibiro n’ya na kanya ring ikinatawa.

PHOTOS: @kbrosas on Instagram

Ayon kay K Brosas, sumagi sa kanyang isip noon, when she was in her 30s, na muling magka-anak pa. Kaso raw ay naging sobrang busy sa career kaya't na-neglect niya ang planong ito. In recent years, ang naiisip umano n’yang paraan ay ang pagpapa-freeze sa kanyang egg cells lalo pa’t single daw s’ya for six years now.  "Naisip ko siya, kaso mahal...ang mahal ng gano'n, magpa-freeze ng eggs. Ipi-freeze ko nalang ’yong eggs ko. Ilalagay ko sa ref,” pagbibiro n’ya na kanya ring ikinatawa.

Sumagi pala sa isip ng singer-comedienne na si K Brosas na magpa-freeze ng kanyang egg cells sa kagustuhan n’yang magkaanak ng isa pa para may kapatid ang daughter n’yang si Crystal.

Inamin n’ya ito sa pakikipagtsikahan n’ya sa amin and with other press people kamakailan sa naging media conference nila for their TV5 singing reality game show na Sing Galing!/Sing Galing Kids.

Ayon kay K, sumagi sa kanyang isip noon, when she was in her 30s, na muling magka-anak pa.

Sabi ko nu’ng 30 years old ako, ‘By year 35 kailangan [magkaanak pa ako],” pag-amin n’ya.

Kaso raw ay naging sobrang busy sa career kaya't na-neglect niya ang planong ito.

In recent years, ang naiisip umano n’yang paraan ay ang pagpapa-freeze sa kanyang egg cells lalo pa’t single daw s’ya for six years now. 

"Naisip ko siya, kaso mahal...ang mahal ng gano'n, magpa-freeze ng eggs. Ipi-freeze ko nalang ’yong eggs ko. Ilalagay ko sa ref,” pagbibiro n’ya na kanya ring ikinatawa.

May edad na raw kasi s’ya at baka mahirapan na s’yang mabuntis kung dadaanin n’ya ito sa natural method.

“Forty-seven [years old] na ako. I’m not sure [kung mabubutis pa]. I don’t think so. Saka paano ito? Immaculate Conception? Charot!” muling pagbibiro n’ya. 


Dahil dito ay naitanong s’ya ng ibang showbiz writers kung naisip ba n’ya ang iba pang option gaya ng adoption o pag-aampon. 

Mahirap, e. Okey naman ako sa anak ko. Okey naman kami. As long as okey kami, masaya na ako du’n,” sagot ni K.

Hindi man natupad ang pinangarap n’yang isa pang anak, happy naman daw ang komedyana sa naging takbo ng kanyang showbiz career at recently nga ay naipatayo na n’ya ang kanyang dream house. 

Kasi ang priority ko is my career. 'Di ba? Imagine-in n’yo kung nagkaanak ako in the middle of all of this, tingin mo ba naitayo ko ’yong bahay ko tapos walang ama [’yong baby]?” aniya. 

Happy rin umano s’ya na heto't nananatili siyang nakatayo at patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng mga mabibigat niyang pinagdaanan sa buhay.

“At least dinaanan ko lang. Di ako tumambay,” seryosong dagdag niya.


Hindi ’yan dinadala sa trabaho," patuloy niya sa ukol sa kanyang philosophy. "’Yon ang importante, wag mong dadalhin sa trabaho. Personal mo ’yon. But of course, kung hindi mo na kaya, you have to seek professional help. That’s important. Mental health is as important as physical health,” pagtatapos ni K. 

Napapanood si K bilang SingMaster sa Sing Galing tuwing Monday, Tuesday, Thursday ng gabi sa TV5.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.