Kahit devout Catholic ang nanay at maraming kaibigang pari, Raffy Tulfo, pabor sa divorce at same-sex unions

Ayon kay Raffy Tulfo, tinanggihan niya daw ang alok ng mga political parties dahil ayaw umano niyang magka-utang na loob kaninuman. “Dahil ang loyalty ko ay sa taumbayan at hindi sa partido. Pero lahat ng partido ay inalok ako, kinausap ko at wala akong pinili at nagsabi ako na gusto kong maging independent.”

Photos: @raffytulfoinaction

Ayon kay Raffy Tulfo, tinanggihan niya daw ang alok ng mga political parties dahil ayaw umano niyang magka-utang na loob kaninuman. “Dahil ang loyalty ko ay sa taumbayan at hindi sa partido. Pero lahat ng partido ay inalok ako, kinausap ko at wala akong pinili at nagsabi ako na gusto kong maging independent.”

Gusto pala ng Wanted sa Radyo host na si Raffy Tulfo na magkaroon ng batas tungkol sa divorce sa Pilipinas. Para umano ito sa mga problematic marital unions lalo na sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs na laging humihingi ng tulong sa kanyang mga programa tungkol sa mga usaping pamilya at mag-asawa.

Sa nakaraang face-to-face media conference ng radio/TV host-turned senatorial candidate para ilatag ang kanyang mga plataporma, isa kasi ang diborsyo sa mga napag-usapan topics.

“Magpo-focus din ako sa family dahil malaking porsiyento ng lumalapit sa akin ay patungkol sa family issues,” esplika niya.

“Kasi hindi ko na mabilang ang lumapit na halimbawa, si misis, lalapit siya sa akin dahil si mister, kinukulit siya, ayaw na niya. O kaya si mister, lasenggero. O si mister, bugbugero. Pero ayaw niyang magsampa ng kaso.

“Tapos kakausapin ko silang mag-asawa para magbalikan—at marami na akong nagawa na nagkabalikan ’yung mag-asawa—and then after a few days, naghihiwalay uli.

“At mayroon ding mga kaso na ’yung mag-asawa na matagal nang magkahiwalay we’re talking about years. And then isa sa kanila, nakahanap ng butas na, ‘Aha! Ikaw ay nambababae. Idedemanda kita dahil kasal pa rin tayo, hindi pa rin tayo annulled.’ Samantalang matagal na silang hiwalay.”

Mas mahirap daw kasing magpa-annul dahil mahirap itong patunayan, kumpara sa divorce.

“Pag annulment, dapat i-prove mo na may psychological problem ’yung partner mo,” page-elaborate niya. “At kailangan mo ng psychiatrist. And it’s hard to prove. Samantalang sa divorce, irreconcilable difference lang ay puwede mong gawing rason. Kaya I’m for divorce.”

At bagama’t moderno ang pananaw ng Raffy Tulfo in Action host, nagawa pa rin niyang magpasintabi at humingi ng paumanhin sa kanyang nanay na isa umanong saradong Katoliko at maging sa mga kaibigan niyang Obispo at pari.

“Huwag sanang magalit ’yung mga kaibigan kong pari, obispo, at ’yung nanay ko na isang die-hard Catholic, ahh devout Catholic. Ito po ay ginagawa ko para sa ikabubuti ng taumbayan, lalo ng mga tao na palaging lumalapit sa akin,” saad niya.

Bukod sa diborsyo, pabor din daw ang tinaguriang Idol Raffy sa same-sex marriage.

“Same-sex union,” pagtatama niya. “Kasi, pag sinabi mong marriage, sacrament yan, e. So, same-sex union. Para ’yung same-sex couple, magkaroon ng kaparehong rights tulad ng heterosexual couple.”

“Mayroon na akong kaso na same-sex couple, years na silang magkasama then namatay ’yung isa,” pagbibigay-halimbawa niya.

“Noong namatay ’yung isa, ang ginawa ng kamag-anak niyong namatay, aba’y kinuha! Kinuha ’yung properties! Pera, alahas, ’yung lahat na, ng kanyang kamag-anak. Aba! Paano naman itong naiwan? Matagal na nagsilbi?

“Naghirap, nagsilbi. Lahat na ginawa niya dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang partner. Nabalewala nang namatay ang kanyang partner dahil kinuha nga ng mga sakim na kamag-anak, lahat ng pera, ari-arian niyong yumao.

“Pero kapag mayroon nang same-sex union [law], aba! Protektado na sila. Equal rights para sa kanila,” pahayag nito.

Samantala, isa pang batas na nais daw niyang isulong sakaling maupo sa senado ay ang tungkol sa wage theft. Para naman daw ito sa maliliit na manggagawa na hindi napapasuweldo nang tama at hindi naibibigay ng benepisyo ng kanilang mga employers na pasaway sa batas.

Nang matanong naman kung bakit siya tumatakbo ngayon gayong ilang beses na siyang nagsabi noon na hindi siya kakandidado sa anumang posisyon, sinabi niyang napagtangto raw kasi niyang limitado pa rin ang kakayahan niyang tumulong as a private citizen.

“To solve a problem, a perennial problem in the government it has to be somebody from the government to solve it. So, dapat, I have to be in the government to solve a problem inside the government and I cannot do that if I’m a private citizen,” paliwanag niya.

At kaya umano siya nag-independent ay para wala siyang utang na loob kaninuman

“Dahil ang loyalty ko ay sa taumbayan at hindi sa partido. Pero lahat ng partido ay inalok ako, kinausap ko at wala akong pinili at nagsabi ako na gusto kong maging independent.”

Sa huli, sinabi niyang idolo niya si late president Ramon Magsaysay at ang isang salitang binitiwan nito ang naging inspirasyon niya para mangarap na maupo sa senado.

“Ang pundasyon ng aking pages-serbisyo ay hihiramin ko ang slogan ni dating Presidente Ramon Magsaysay: ‘He who has less in life should have more in law.’

“Ibig sabihin ’yung mga kapuspalad nating kababayan na palaging nilalampaso ang kanilang mga karapatan na paulit-ulit wala silang laban lalo na kung ang kanilang kaaway ay mayayaman...It’s about time na magkaroon sila ng kakampi pag dating sa senado at isang matibay na kakampi na hindi sila iiwanan anu’t ano pa man ang mangyari. And I’ve proven that,” pagtatapos ng successful radio/TV host-turned YouTuber.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.