Isang lalaking matatakutin sa multo ang role ni Marco Gumabao sa pelikulang Spellbound na isasakripisyo ang takot para sa pag-ibig niya sa isang magandang séance o isang taong may gift/curse na makipag-communicate at makakita ng mga spirits (played by Bela Padilla).
And during the brief press conference na sinagawa right after the red-carpet screening ng kanilang nakakakilig na pelikula, napa-amin si Marco na hindi malayo ang karakter na ginampanan niya sa tunay na Marco dahil in real life, duwakang din daw siya pag multo na ang usapan.
“I can say na malapit ang character ko kay Victor. Sa labas akala mo matapang pero duwag talaga. Duwag talaga ako,” natatawang saad ni Marco.
Pagbibigay-example pa niya ay 'yong ilang araw daw bago nawala sa kanya ang takot matapos n’yang panoorin ang 2020 American horror film na The Grudge.
“I remember, I watched The Grudge before. Tapos si Michele [Gumabao], ’yong sister ko, sabay kaming nagyakapan talaga sa isang nakakatakot na eksena tapos three days kaming tabi natulog,” natatawang pagre-recall pa ni Marco.
“So, I can say na malapit sa akin si Victor kasi mukha lang [ako] matapang pero duwag po talaga [ako sa mga multo],” pag-uulit pa n’ya.
Nahiritan pa s’ya ng press kung naniniwala ba s’ya sa linya n’ya sa movie na “kayang patayin ang lamig with kilig.” Sa tuwing may ispiritu kasing lumalapit sa kanila sa pelikula ay lumalamig ang paligid. At ang dialogue na iyon ni Marco kay Bela ay isang paraan ng pagsasabing hahamakin ang lahat.
“Oo naman. S’yempre, sabi ni Victor, e. Hahaha!” natatawang sagot n’ya.
Pero agad na kambyo ni Marco: “Well, hindi pa naman ako minumulto and wala akong balak na [multuhin] so ayaw ko s’yang ma-experience,” natatawang pagtatapos n’ya.
Bukod kina Marco and Bela, kasama rin sa pelikula ang mga mahuhusay na supporting cast na sina Rhen Escaño, Cindy Miranda, Benj Manalo, Ronnie Liang, at Moi Bien.
Ang Spellbound ay ang Philippine adaptation ng 2011 hit Korean film na may kaparehong title. It's now showing in cinemas nationwide.
YOU MAY ALSO LIKE:
Marco Gumabao and Bela Padilla join forces in the Filipino adaptation of the Korean film, Spellbound
Pika's Pick: Bela Padilla gets featured in Forbes Magazine Korea; talks about new movie If
Bela Padilla, game sa suggestion na magsama sila ni Daniel Padilla sa pelikula
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber