Kahit napahiya sa akusang shoplifter, Super Tekla, piniling patawarin ang judgmental umanong sales lady

Although aminadong na-hurt, mas pina-iral nalang umano ni Super Tekla ang pang-unawa kesa magalit sa nambintang sa kanya ng shoplifter. “PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK. INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE.”

PHOTOS: @SuperTeklaLibrada on Facebook

Although aminadong na-hurt, mas pina-iral nalang umano ni Super Tekla ang pang-unawa kesa magalit sa nambintang sa kanya ng shoplifter. “PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK. INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE.”

Sa kanyang Facebook post last October 16 ibinahagi ng komedyanteng si Romeo Librada o mas kilala sa showbiz as Super Tekla, na napagbintangan s’ya shoplifter sa isang convenience store. 

Emote n’ya sa kanyang FB post, napahiya daw s’ya sa harap ng ibang customers ng isang branch ng sikat na convenience store along E. Rodriguez St., Quezon City matapos s’yang akusahang nag-umit ng items ng isang sales lady doon.

Hindi daw s’ya agad pinalabas ng store at kinapkapan muna sa pag-aakalang may tinangay s’yang item na hindi n’ya binayaran. 

“HINARANG AKO NG SALE'S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO. MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM,” pagbabahagi ni Tekla, in all caps, sa kanyang FB post. 

“SABI KO, ‘ARE YOU SURE? ATE, NAPAHIYA AKO, DAMING TAO.’ SABI NYA KAPKAPAN DAW AKO. THEN SABI [KO], ‘GO AHEAD.’ 

Wala naman daw nakuhang item na hindi bayad sa Kapuso comedian-TV host at tama rin ang item na dala n’ya sa mga binayaran n’ya. 

“WALANG NAKITA SA AKIN. PINA CHECK KO ANG RESIBO KO, KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO,” ani Tekla.

Nang alisin daw n’ya ang suot na face mask ay nakilala s’ya ng staff na napaiyak na humingi sa kanya ng tawad. 

“BINABA KO YUNG MASK KO. NA RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLA,” pagpapatuloy ng komedyante.

“‘ATE, KINAPKAPAN AT BINAGBINTANGAN MO AKO, ATE, TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORY DAHIL NAGKAMALI KA [?] GANUN LNG KADALI YUN [?]’” tanong umano n'ya sa staff.

“SABI KO SA KANYA, ‘ANG SWERTE MO, ATE, MABAIT AT MAUNAWAIN AKO. KUNG SA IBA YUN MAY PAGLALAGYAN KA.’ 

“‘CGE ATE PALALAGPASIN KO ITO. SWERTE MO SAKIN KA NATAPAT. KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KA NA.”

Lahad pa ni Tekla, maging aral daw sana ito sa iba na huwag agad mag-judge base sa bihis o pisikal na anyo ng ibang tao. 

“LESSON LEARNED, ’WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO. SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO,” aniya.

Inunawa na lang daw n’ya ang sitwasyon. Kawawa din naman daw kasi ang staff kung irereklamo n’ya ito at baka ito ang inaasahan sa kanilang pamilya. 

“IMBES NA MAGALIT AKO AWA NANAIG SA PUSO KO DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW. PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK. INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE,” paliwanag pa ng The Boobay And Tekla Show co-host. 

“SABI KO SA INYO IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE. INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA.

“MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON. SHARE KO LNG SA INYO. KAKATAWA PERO SAD REALITY,” pagtatapos ni Tekla. 

 

Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALE'S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO MAY...

Posted by SuperTeklah Librada on Friday, October 15, 2021

Dinagsa naman ng paghanga ang komedyante mula sa netizens dahil mas pinairal daw n’ya ang kababaang loob at pagiging maunawain.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.