Kahit praning level ang pag-iingat, Chynna Ortaleza and family, nadali pa rin ng Omicron; apila din niya, babaan daw sana ang presyo ng pagpapa-swab test: “Ang mahal mag pa RT-PCR! Aguy!”

Sa sobrang pag-iingat ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, ay hindi muna sila tumanggap ng anumang trabaho na hindi work from home ang set-up. Wala rin silang kasambahay sa loob halos ng dalawang taon na may pandemic at talagang iniiwasan din nila ang maglalabas. Noong 2021 din ay nagdesisyon silang kumuha muna ng bahay sa isang lugar sa Laguna kung saan mas konti cases ng Covid-19 kumpara sa NCR. But despite all precautions, tinamaan pa rin ng Covid ang pamilya. Dahilan para isipin niyang airborne talaga ang bagong variant nito na Omicron.

Photos: @chynsortaleza

Sa sobrang pag-iingat ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, ay hindi muna sila tumanggap ng anumang trabaho na hindi work from home ang set-up. Wala rin silang kasambahay sa loob halos ng dalawang taon na may pandemic at talagang iniiwasan din nila ang maglalabas. Noong 2021 din ay nagdesisyon silang kumuha muna ng bahay sa isang lugar sa Laguna kung saan mas konti cases ng Covid-19 kumpara sa NCR. But despite all precautions, tinamaan pa rin ng Covid ang pamilya. Dahilan para isipin niyang airborne talaga ang bagong variant nito na Omicron.

“Hi Cips! Been wanting to be introduced to you all for 2 years now.” ~ COVID-19 

RT-PCR: Positive! 

Ito ang pambungad ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa kanyang Instagram post ngayong araw, January 19. 

Sa kabila nga kasi ng sobrang pag-iingat nila ay hindi pa rin sila nakaligtas at nag-positibo rin silang lahat sa pamilya. 

Umpisa pa lang na magkaroon ng pandemic ay hindi na itinago ni Chynna, bilang isang ina, ang takot niya na mahawa at makapanghawa siya sa kanyang pamilya ng COVID-19. Praning levels, ika nga.

Sa sobrang pag-iingat nga nila ng asawang si Kean Cipriano, ang actor at leader ng bandang Callalily, ay hindi muna sila tumanggap ng anumang trabaho na hindi work from home ang set-up. Wala rin silang kasambahay sa loob halos ng dalawang taon na may pandemic at talagang iniiwasan din nila ang maglalabas. 

Noong 2021 din ay nagdesisyon din silang kumuha muna ng bahay sa probinsiya. Kaya mas madalas na nasa Laguna sila, kung saan mas konti cases ng Covid-19 kumpara sa NCR. Gusto rin kasi nilang malayang nakakatakbo at nakakalanghap ng sariwang hangin ang dalawang anak nilang sina Stellar at Salem. 

Pero pagkalipas nga ng dalawang taon, ngayong kasagsagan ng Omicron variant at sa kabila na ng pagtira sa Laguna, ibayong pa-iingat, at hindi paglalabas ay eto’t nag-postibo pa rin sila sa virus. 

Ayon kay Chynna nang makausap namin sa pamamagitan ng chat messaging, siya raw ang naunang makaramdam ng mga symptoms. Nag-negative pa ang antigen test niya noong una siyang mag-test, pero ng sumunod na araw ay nag-positibo na siya. 

Nagsunod-sunod na sila kabilang ang bunsong anak na si Salem, ang pangany na sa Stellar, at ang asawang si Kean. Lahat umano sila ay nakaramdam ng symptoms tulad ng fever, sore throat, cough, and colds. 

Pinaniwalaan ni Chynna na airborne na talaga ang ng variant na Omicron dahil tulad nila, wala raw silang close contact kahit na kanino at nasa loob lang din sila ng bahay at garden nila. 

Pero para kay Chynna, nakabuti umano na vaccinated ang pamilya sa Covid, flu, at pneumonia. Malaking bagay umano sa depensa ng katawan.  

Narito ang actual Instagram post ni Chynna:

“Hi Cips! Been wanting to be introduced to you all for 2 years now.” ~ COVID-19

RT-PCR: Positive! 🤘🏻 

“Everyone who knows us will attest to the defense that we put up against this virus. It found us in a place that we secured so that our kids could play safely & still enjoy sun and nature.  

“How did we get it? I do not know. We have no close contacts. I did hear immense coughing next door (but damn who would have thought!) We have a strict family bubble. All deliveries are left at the gate- sanitized & sprayed before bringing them in to the home in proper PPE & KN95 masks. 

So where do we unmask? In the safety of our home. So I feel like this new variant is in the air. 

“On a positive note… I can truly attest to the efficacy of vaccines. (Covid, Flu, Pneumonia), The importance of self test kits as we were able to address & manage asap, Grateful for the immense support of family & friends who have gone out of their way to help & offer support and prayers, fronliners who make all things possible & faith that everything is perfectly planned & timed. Thank you Lord for interceding when Salem was screaming for help.  

“Our doctors @docbistek @therovingmd  @jengoy416 for the guidance and encouragement. Iiyak na lng ako kung wala kayo. 

“We are back to Day 1 today. Ate @stellarcipriano developed a fever a day after we had no choice but to break isolation.. Kean started developing symptoms eventually. We still have plenty of days to learn & fight through. We humbly ask for your prayers..  

“We also humbly ask everyone to please stop saying it is not covid.. or a place is covid free if you have no basis for those statements. If you do not test.. then how can you confirm? Also can we please make tests available to the public for a price that won’t leave people with no choice but to say.. ‘naubo, nahamugan, napilay, na-allergy at sari-saring na-ano lang.’ Ang mahal mag pa RT-PCR! Aguy!  

“Dami ko pa hanash but next time na lang.. pati mga tips.. Boost your immune system.. Laban lang & pray! 🙏🏻 

“P.S. Yung ubo nito parang kahol sa kawalan. Sana wag niyo na maranasan. Walang satisfaction mga teh.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.