Matapos mamaalam sa ere ang top-rated Kapamilya drama na Kadenang Ginto, reunited ng Gold Squad composed of love teams ng teleserye na sina Kyle Echarri and Francine Diaz ng KyCine, at Seth Fedelin and Andrea Brillantes ng SethDrea para sa bago nilang project.
Bibida kasi silang apat sa teen horror movie na All Nighter under Black Sheep.
Sa story conference para sa nasabing pelikula last March 9, present ang apat na Kapamilya stars kung saan na-ispatan sina Kyle at Francine na magka-holding hands habang naglalakad.
Kaya naman na-intriga ang mga nakakita sa dalawa na tila nag-level up na sa status ng relationship nila gayong sinabi ni Kyle sa programang Tonight With Boy Abunda [TWBA] na magkaibigan lang sila ni Francine.
Naging malinaw naman ang lahat nang makausap ng team mula sa TWBA ang dalagang aktres tungkol sa namuong speculation about her and her love team partner, Kyle.
"Ako po natutuwa po ako kasi sinabi n'ya po 'yong totoo," paliwanag ni Francine hinggil sa pahayag ni Kyle sa TWBA na magkaibigan lang silang dalawa.
"Iyon naman po talaga. Mag-bestfriend po kami. Sa tingin ko lang po kaya po nila nasasabi na 'more than friends' kasi I guess sobrang sweet lang talaga kami sa isa't isa."
Ibinahagi rin ng Kadenang Ginto actress ang mga sweet gestures ni Kyle kaya sila napagkakamalan nahigit pa sa magkaibigan.
"Caring kasi s'ya masyado," sey pa ni Francine. "And gentleman kapag naka-heels ako, hawakan n'ya kamay ko, aalalayan nya ako pag-akyat ng stage."
Kung ganoon naman pala hindi ba n'ya nararamdaman na panliligaw na ito sa kanya ng young actor?
"Hindi ko po alam," natatawa habang nauutal na pahayag ng 16-year-old ABS-CBN actress.
Dagdag chika pa n'ya: "Wala pa naman po kami sa ganun kasi napag-usapan naman po namin dati na focus po talaga kami sa career namin, sa family at sa sarili po namin."
Hirit na tanong pa sa aktres kung magkasama ba sila noong nakaraang Valentine's Day kahit "bestfriends" lang sila.
"Hindi po," saad ni Francine. "Ako po, actually, nasa bahay lang po ako kasi...ang kasama ko po nun 'yong mga kapatid ko habang nasa date po si Mommy at si Papa."
YOU MAY ALSO LIKE:
Francine Diaz, ready maging kontrabida
Seth Fedelin, aminadong crush niya si Andrea Brillantes