Kahit titulada, Juliana Parizcovia Segovia, tutol sa pagsali ng transgender women sa mga beauty pageants gaya ng Miss U

“...parang sinabi mo na rin kasi na pag sa Miss Gay ba na Barangayan [contest], hindi ka ba magrereklamo bilang isang transgender woman na may sasaling totoong babae?”

Photos: @juliana_parizcova

“...parang sinabi mo na rin kasi na pag sa Miss Gay ba na Barangayan [contest], hindi ka ba magrereklamo bilang isang transgender woman na may sasaling totoong babae?”

Nag-trend na noong 2018 ang paliwanag at stand ni Juliana Parizcova Segovia tungkol sa isyung pagbubukas ng pinto sa mga transgender women na makasali sa Miss Universe at iba pang beauty pageants.

That same year kasi ang gumawa ang history ang Miss Universe by allowing Miss Spain, Angela Ponce, bilang opisyal na kandida ng Spain. She’s the first transgender woman to ever participate in the said international pageant.

Pero para kay Juliana, hayaan na raw sana iyon sa mga naturally-born women dahil meron naman daw mga pageants na p’wedeng salihan ang mga trans.

May debate kasi tungkol doon dahil inclusivity at equality ang inilalaban ng ilan.

Nabuksan kasi muli ang topic during the virtual media conference kamakailan ng pelikulang Gluta, kung saan kasali sa cast si Juliana. Premise kasi ng Darry Yap movie ang beauty contest. Ang main character na si Ella Cruz ay isang dalagang Aeta na nangangarap maging beauty queen habang uncle/auntie niya si Juliana na nagpapaliwanag sa kanya na mahihirapan at masasaktan lang siya sa gusto niya dahil mapang-lait ang lipunan at ang natural beauty ng pagiging Aeta nila ay maaaring hindi pasok sa standard na nai-set na sa mga beauty contests. 

Si Juliana ay pageant winner ng Miss Q&A ng It’s Showtime noong 2018. At ang pinagbasehan ng panalo niya ay wittiness, katalinuhan, at projection. 

Prior to joining the TV competition, kontesera na talaga siya at hindi siya tumigil until she gained a title. 

Hindi rin bago sa kanya ang malait kapag sumasali siya sa mga beauty pageants ganoon. Kaya nga relate na relate siya sa role ni Ella sa Gluta.

Gayunpaman, sa kuwestiyon kung bubuksan ang mga kagaya ng Miss Universe sa mga transgender women ay open-minded and stand niya na huwag na dahil meron nga namang para sa mga gaya nila talaga.

“Actually ’yong nag-trend na statement ko during nu’ng grand finals ng Miss Q&A, sa presscon tinanong din nila kami kung ano ba ’yong masasabi namin if allowed na nga ng [beauty pageant] organization ng Philippines na sumali ang mga transgender woman sa Miss Universe, sinabi ko talaga na for me hindi talaga ako pabor,” pagre-recall ni Juliana.

“Kasi para sa akin, [kung] looking for equality, parang it’s too much [to ask] na parang, oo, nandoon tayo sa point na transwomen are women [too]. Pero s’yempre ibigay natin ’yong laban na para sa kanila talaga [na naturally-born women].

“Meron naman kaming laban na like Miss International Queen. Kung mas papa-ingayin lang, kung mas bibigyan lang ng magandang focus ’yong Miss International Queen or magkaro’n ng Miss International Queen-Philippines para bago isabak sa Thailand...P’wede naman sana ’yong ganu’n, e.”

Ang Miss International Queen ay ang biggest beauty pageant for transgender women in the world na ginaganap annually sa Thailand since 2004.

“Pero ’yong sa mga babae na paligsahan, parang sinabi mo na rin kasi na pag sa Miss Gay ba na Barangayan [contest], hindi ka ba magrereklamo bilang isang transgender woman na may sasaling totoong babae?” patuloy ni Juliana. 

“Diba, parang ganu’n kasi ’yong sa akin. So, ’yong sinasabi ko na dinikta ng lipunan ito, talagang ’yong dinikta ng lipunan—kung babae ka, Miss Universe ang para sa’yo at kung transgender woman ka at gusto mo talaga ng korona, Miss International Queen ang para sa’yo.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Juliana Parizcova Segovia, nakaka-L-L (luwag-luwag) na ba?

Pokwang sa mga kumukuwestiyon sa kanyang loyalty: “Sana unawain din po ninyo, nanay po ako. Marami pong umaasa sa akin.”

Lovi Poe, sinusulit ang bakasyon sa Los Angeles kasama ang nobyong si Monty Blencowe

Writer/Creator ng Legal Wives, humingi ng pasensya matapos hindi naipalabas kagabi ang nasabing cultural drama series

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.