Kakai Bautista and Cai Cortez promote body positivity as they join other women in posting summer swimwear selfies

Hindi napigilan sina Kakai Bautista at Cai Cortez na sumabay sa mga sexy celebrities na mag-post ng kanilang swimwear selfies ngayong summer.

Photos: @ilovekaye / @caicortez

Hindi napigilan sina Kakai Bautista at Cai Cortez na sumabay sa mga sexy celebrities na mag-post ng kanilang swimwear selfies ngayong summer.

Hindi napigilan sina Kakai Bautista at Cai Cortez na sumabay sa mga sexy celebrities na mag-post ng kanilang swimwear selfies ngayong summer.

May kanya-kanyang paandar ang dalawang female comedians ng GMA primetime teleserye na First Lady ngayong tag-init sa kanil-kanilang Instagram accounts.

Si Kakai ay nag-uumapaw ang confidence sa suot niyang two-piece floral swimwear. 

Caption pa niya: “Hindi ako titigil! Uumayin ko kayo! Hindi ako titigil na i-remind kayo na ano mang hugis, hitsura at kulay niyo, YOU ARE BEAUTIFUL and you should be proud dahil sa inyo lang 'yan. Babae! Sa'yo lang 'yan, walang pwedeng umangkin n'yan. Always believe in the power of your beauty."

Pinost din niya ang isang video kunsaan mala-diyosa siyang nage-emote in her swimwear. 

Bahagi ng caption ni Kakai ay: “Sa lahat ng magsasabe sayo ng hindi ka maganda about your fez, your body and pagkatao! PAKDEMALL! Ikaw ang mahalaga. Para mapahalagahan at mahalin ang mga taong nakapaligid sayo.”

Si Cai naman ay confident din sa pag-pose in her pink and black printed swimwear naman.

Kesehodang plus-size ang figure niya, hindi niya ito itatago at proud niyang ipakita ito ngayong summer.

Caption pa niya: "Due to insistent public demand...eto na po ang entry ko. YES WALA PONG RETOUCH! I. AM. SEXY. I am a woman, i am a mother of two, i have flaws and WALAKOMPAKE because i love the body that God has given me.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cai Cortez (@caicortez)

Ayon kay Cai, kahit ilang beses na raw siyang na-bash dahil sa pag-display ng kanyang katawan, tanggap niya ang sarili niya at hindi naging issue ang plus size figure niya.

"I think it's because the people know that I know who I am. Tanggap kong mataba ako at sexy rin ako. Even if they tease me that I'm fat, it's true. Why would I get annoyed? I think it was never an issue for me. They send you hate because they want to hurt you,” sey pa ni Cai.

Parehong pino-promote nina Kakai at Cai ang body positivity para ma-empower ang maraming kababaihan na huwag mahiya sa kanilang katawan. 

Para kina Kakai at Cai, importante raw na maniwala sa sarili at laging sabihin sa sarili that you are beautiful. 

Kelan lang ay nakipagsabayan sina Kakai at Cai sa paseksihan kasama ang bida ng First Lady na si Sanya Lopez at sa ibang female co-stars na sina Maxine Medina, Thia Thomalla, Analyn Barro, Cassy Legaspi, Muriel Lomadilla, and Ms. Alice Dixson. 

Nilagyan pa ito ng caption ni Cai na: “Mga beb ano? Laban pa tayo? LABAAAN!!!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cai Cortez (@caicortez)

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.