Kakai Bautista, maligaya kahit dyowaless, unmarried, at childless

Isang video sample ng living la dolce vita ang sagot ni Kakai Bautista sa mga nagtatanong sa kanya nito: “‘why are you still single?’ “‘why aren’t you married yet?’ “‘Why don’t you have kids’ “I’m just starting to LIVE the Life I deserve and I’m happy savouring every Minute of it.”

PHOTOS: @iamkakaibautista on Instagram

Isang video sample ng living la dolce vita ang sagot ni Kakai Bautista sa mga nagtatanong sa kanya nito: “‘why are you still single?’ “‘why aren’t you married yet?’ “‘Why don’t you have kids’ “I’m just starting to LIVE the Life I deserve and I’m happy savouring every Minute of it.”

Tila work hard and play hard ang panuntunan sa buhay ng komedyanang si Kakai Bautista kaya naman matapos ang sunod-sunod na proyekto, vacation mode at living la dolce vita siya ngayon sa Europa.

Bagama’t solo niyang ninanamman ang kagandahan ng Europa, mababakas namang ang inner peace at kasiyahan sa bawa’t pagse-share niya ng kanyang #KakaiAdbentyurs doon.

Kasalukuyan na siyang nasa Italya ngayon bagama’t ang huling post niya sa social media ay kuha sa Switzerland. Isang video ito kung saan makikitang pa-wine-wine habang sina-savor ang sariwang hangin at berdeng kapaligiran with no less that the Swiss alps as backdrop.

Sa post na ito siya napa-share nga kanyang pilosopiya sa ukol sa kanyang single blessedness. Gustong ibahagi ni Dental Diva na ang kaligayahan ng sinuman ay nakasalalay sa sarili niya at hindi sa ibang tao.

Pagbabahagi niya sa Instagram:
“This video will be my answer everytime someone will ask me these questions:

“‘why are you still single?’
“‘why aren’t you married yet?’
“‘Why don’t you have kids’

“I’m just starting to LIVE the Life I deserve and I’m happy savouring every Minute of it. 

“Dream, PRay and WORK Hard, DON’t GIVE UP!! so you too can LIVE THAT DREAM ✨

“CHEEERSSSS!!!!🥂🥂🥂”

Sa kanya namang July 16 Facebook post, mas nag-elaborate si Kakai ukol sa pananaw niyang iyon.

Sa case daw niya, masaya daw siya bilang single lady at hindi na kabilang sa mga plano niya ang makipagrelasyon pa, ke boyfriend man o asawa.

“Hindi lahat ng babae pangarap magkaroon ng Boyfriend. Hindi lahat ng Babae gustong MAG-ASAWA at MAGKA-ANAK. AKO YUN,” panimula ni Kakai.

Kung ang ibang tao raw ay sa relasyon nahahanap ang ikasisiya ng buhay, hindi raw siya kasali sa kategoryang iyon.

“Wag nyo akong itulad sa inyo. Magkakaiba tayo ng GUSTO AT PANGARAP sa buhay. Wag nyo akong idamay. Pare-Parehas lang natin gustong maging masaya sa buhay. DUn lang tayo parehas,” aniya na tila parinig niya pa rin sa mga patuloy na umuungkat ng kawalan niya ng lovelife.

“Kaya Kung TALAGANG masaya kana sa buhay mo - may jowa, asawa at anak, MAGING MASAYA KANA. Deserve mo Kaya Wag mo akong PAKIALAMAN. AT kung di ka masaya, di ko kasalanan.”

Basta‘t siya raw ay masaya kahit pa sa tingin ng iba ay may kulang sa buhay niya. In fact, she’s at the peak of happiness right now kaya’t hindi raw niya pakakawalan ang moment na ito lalo pa’t hindi naman daw naging madali ang journey niya papunta sa peaceful and contented state na ito.

“Masyado na akong maraming pinagdaanan bago ko narating ang KASIYAHAN na ito. Hindi ko pa kayang PakaWALAN yung Happiness being ALONE,” hugot pa ni Kakai.

Pero paglilinaw ng First Lady co-actress, hindi naman daw n’ya isinasara ang puso n’ya sakaling may ibigay daw na love life sa kanya ang D’yos. Pero sa tingin din daw niya ay alam ng nasa Itaas na maligaya na siya kaya’t hinahayaan na lang siya nito.

“Kung pipihit ang plano ni Lord para sa akin, SYA ANG MASUSUNOD. Pero alam nya, na MASAYA pa ako mag-isa at hinahayaan nya ako,” pagbabahagi ng komedyana.

That said, sana raw ay maging maligaya nalang din ang mga tao para sa kanya dahil tunay naman daw siyang maligaya at walang bahid inggit sa kapwa.

“Sana MASAYA KA LANG PARA SA AKIN. Dahil ang tunay na MASAYA, hindi INGGITERA,” tila patama pa n’ya sa mga Marites sa social media. 

 

Hindi lahat ng babae pangarap magkaroon ng Boyfriend. Hindi lahat ng Babae gustong MAG-ASAWA at MAGKA-ANAK. AKO YUN....

Posted by Kakai Bautista on Saturday, July 16, 2022

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kakai Bautista's camp responds to demand letter of Mario Maurer

Payo ni Kakai Bautista sa basher ni Sanya Lopez: “Kung ayaw n’yo kay Sanya, idulog n’yo po ‘yan sa barangay.”

Kakai Bautista, kung pumapatol man sa bashers, “It’s patol with sense dahil I’m making a stand.”

Kakai Bautista, may lecture sa mga kabataang hindi naglalaba ng sariling underwear; 'wag daw salaula

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.