Kakampink Pokwang at UniTeam supporter Andrew E., aksidenteng nagkita sa Boracay; “Sa bandang huli, respect.”

Ani Pokwang, kahit magkatunggali ang kanilang mga sinuportahan last eleksyon ay mas nangibabaw pa rin daw ang respeto sa kanila ni Andrew E. nang hindi sinasadyang magtapo ang landas nila sa Boracay.  “[S]a bandang huli, respect,” pahayag ng komedyana sa kanyang IG post kalakip ang photo ng bunso n’yang si Malia at photo ng kanilang pamilya kasama ang rapper-comedian with his family.

PHOTOS: @itspokwang27 & @andrewe_dongalo on Instagram

Ani Pokwang, kahit magkatunggali ang kanilang mga sinuportahan last eleksyon ay mas nangibabaw pa rin daw ang respeto sa kanila ni Andrew E. nang hindi sinasadyang magtapo ang landas nila sa Boracay. “[S]a bandang huli, respect,” pahayag ng komedyana sa kanyang IG post kalakip ang photo ng bunso n’yang si Malia at photo ng kanilang pamilya kasama ang rapper-comedian with his family.

Bagama’t magkalabang partido ang sinuportahan nila nitong nagdaang eleksyon, namayani pa rin sa komedyanang si Pokwang at rapper-comedian na si Andrew E. ang respeto sa isa’t isa.

Iyan ay kung pagbabatayan ang recent Instagram post ng aktres sa naging family vacation nila sa Boracay kung saan aksidente nilang nakita si Andrew E. kasama ang pamilya nito na nagbabakasyon din. 

Ani Pokwang, kahit magkatunggali ang kanilang mga sinuportahan last election ay mas nangibabaw pa rin daw ang respeto sa kanila. 

“[S]a bandang huli, respect,” panimula ng komedyana sa kanyang IG post kalakip ang photo ng bunso n’yang si Malia at photo ng kanilang pamilya kasama si Andrew E. with his family. 

“[D]ito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya,” lahad pa ni Pokwang. 

Dagdag pa n’ya, “Thank you mareng @jenny_penaloza nag enjoy si tisay sa dinner nya.” 

Kilalang avid supporter nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan si Pokwang. Maliban sa boluntaryong pagho-host sa ilang campaign rallies ay naging aktibo rin sa Pokwang sa pagha-house to house campaign para kina VP Leni at Senator Kiko.

Si Andrew E naman ang naging pinaka-pambatong stage performer ng UniTeam nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa mga campaign rallies nila.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang, Pia Magalona, Mylene Dizon, Jake and Jacob Ejercito at and DonBelle tandem, masisigasig mag-house-to-house para sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, okay na raw na wag paniwalaang libre ang pangangampanya nila sa kandidato nila; wag lang daw silang tawaging “bayaran.”

Pokwang, balik-teleserye pagkatapos ng tatlong taon: “Um-oo ako, agad-agad! Let’s do this!”

Dahil masayahin, Andrew E., hindi nagpatalo sa sakit at depression ngayong pandemic

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.