Kapuso actress Arny Ross gives birth to first baby, Jordan Franco

Franklin Banogon pagkapanganak ng misis n'yang si Arny Ross: “Totoong biyaya ang magka-anak. Totoong hindi biro ang magpamilya. Lalo na pag nakita mo to, sasabihin mong gagawin mo talaga lahat para sa pamilya mo.”

PHOTOS: @iamarnyross & @franklinbanogon on Instagram

Franklin Banogon pagkapanganak ng misis n'yang si Arny Ross: “Totoong biyaya ang magka-anak. Totoong hindi biro ang magpamilya. Lalo na pag nakita mo to, sasabihin mong gagawin mo talaga lahat para sa pamilya mo.”

Matapos ang ilang buwang paghihintay at heto’t ganap na mommy na ang Kapuso actress and entrepreneur na si Arny Ross dahil isinilang na n’ya ang Baby No. 1 nila ng non-showbiz husband n’yang si Franklin Banogon.

Sa kanyang Instagram post today, August 4, ipinakilala ng aktres sa publiko si Baby Jordan Franco. 

“May gusto po mag Goodmorning! Welcome to the world Baby ‘Jordan Franco’ May pa birthday decor agad ang OB mo sayo, hehe thank you so much Ate Doc @ajrigualada,” panimulang lahad ni Arny kalakip ang series of photos nila kasama ang newest bundle of joy ng kanilang pamilya. 

Nagpasalamat din s’ya na maayos ang pagpo-produce n’ya ng breast milk bilang ito daw ang unang regalo n’ya sa kanyang baby. 

“Breastmilk ko anak ang 1st gift ko sayo ha, thank you Lord palakas n ng palakas ang Milk ko,” aniya. 

Game na din umano s’ya sa puyatan challenge dahil nag-e-enjoy daw s’yang bantayan si Baby Jordan Franco. 

“Ok lang d kmi matulog anak, mabusog ka lang magdamag, sarap ng ganitong puyat, sarap mo bantayan, napakasarap mong titigan at panggigilan!” saad pa ng aktres 

“We love you Daddy @franklinbanogon , thank you so much for taking care of Mommy sabi ni Baby #BabyJordanFranco #FrankNy #NewbornBaby,” pagtatapos ni Arny. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Arny Ross (@iamarnyross)

Naiyak naman daw ang mister n’yang si Franklin nang makita ang photos ng baby nila pagkapanganak n’ya. 

“Makakalimutan mo na lahat ng hirap. Lahat ng sakit, sakripisyo pag nakita mo na yung anak mo! Grabe, iyak ako ng iyak! Naguumapaw yung saya!” saad nito sa kanyang IG post kalakip ang photos na kinunan habang nanganganak si Arny. 

“Naghhinty ako sa labas ng OR nang inabot skin yung camera na puro pictures ng anak ko, hagulgol na ako! Sabay congrats ng mga tao sa paligid ko,” dagdag pa n’ya.

Todo daw ang kanyang pasasalamat sa kanyang misis dahil hindi biro ang magluwal ng sanggol. 

“Pagkatpos, hinanap ko na yung asawa ko. Nsa recovery room. To check kung ok sya. Grabe, alam mo yung gusto mo siyang yakapin, halikan, para pasalamatan. Para malaman niya gaano mo naapreciate yung ginawa niya. Ang lala! Ang lala ng sakripisyo ng mga ina,” saad pa n’ya. 

“Totoong biyaya ang magka-anak. Totoong hindi biro ang magpamilya. Lalo na pag nakita mo to, sasabihin mong gagawin mo talaga lahat para sa pamilya mo.”

Nagpasalamat din s’ya sa D’yos ngayong nagsimula na ang bagong chapter sa buhay nila ni Arny. 

“Thank you Lord, sa lakas na binigay niyo sa asawa ko. Sa bagong buhay ng anak ko. Na mayayakap ko sila. Na makakapag simula kme ng pamilya,” sey pa ni Franklin. 

“Mahal na mahal ko kayong dalawa!” pagtatapos n’ya. 

Congratulations, Arny and Franklin!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bubble Gang's Arny Ross is now engaged with her non-showbiz boyfriend

Pika's Pick: Bubble Gang’s Arny Ross receives an almost-finished new home as birthday gift from fiance Franklin Banogon

Pika’s Pick: Bubble Gang’s Arny Ross and non-showbiz husband Franklin Banogon are expecting their Baby No. 1!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.