Karen Davila, relate kay Bea Alonzo kaya may pakiusap sa mga bashers nito: “Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave… Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.”

Nauunawaan ng award-winning TV news presenter ang naging pasya ng aktres dahil s’ya rin mismo ay nakaranas na lumipat ng TV station—mula sa GMA-7 to ABS-CBN—way back 2001. Ani Karen Davila: “Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho. Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo. “All will work out in God’s time.”

Photos: @iamkarendavila | @beaalonzo

Nauunawaan ng award-winning TV news presenter ang naging pasya ng aktres dahil s’ya rin mismo ay nakaranas na lumipat ng TV station—mula sa GMA-7 to ABS-CBN—way back 2001. Ani Karen Davila: “Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho. Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo. “All will work out in God’s time.”

Sinaway ng ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila ang mga bashers ng dating Kapamilya actress na si Bea Alonzo matapos itong maging opisyal na Kapuso nitong July 1

Umani kasi ng samu’t saring online reactions ang pagpirma ni Bea ng kontrata sa GMA-7 na naganap sa Edsa Shangri-La Manila sa Mandaluyong. 

Marami ang mga natuwa sa panibagong blessing sa buhay ni Bea at mainit s’yang tinanggap sa bago n’yang tahanan. Pero marami ring hindi ikinatuwa ang desisyong ito ng aktres. 

Kaya naman Karen took to Twitter that same day para pakalmahin ang mga loyal fans ng ABS-CBN na naging home network ni Bea for the last 20 years in showbiz. 

“Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave. Hindi po natin alam ang buong kuwento,” pakiusap ni Karen sa mga loyal fans ng Kapamilya network na namba-bash sa aktres. 

Nauunawaan ng award-winning TV news presenter ang naging pasya ng aktres dahil s’ya rin mismo ay nakaranas na lumipat ng TV station—mula sa GMA-7 to ABS-CBN—way back 2001.

Aniya: “Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho. Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo. 

“All will work out in God’s time,” pagatatapos ni Karen. 

Ipinag-ngingitngit kasi ng mga Kapamilya fans ang paglipat daw ni Bea gayong may naumpisahan na itong teleserye, ang Kahit Minsan Lang, under Star Creatives kung saan kasama n'ya ang mga transferees ding sina Richard Gutierrez at si Rafael Rosell (na kapwa matagal naging talents ng GMA-7 noon).

Anila, nagdahilan lang daw ang aktres na ayaw munang sumabak sa lock-in taping dahil sa pandemya at sa takot sa COVID-19 virus pero may negotiations na daw pala with the Kapuso network. 

However, sinabi na ni Bea sa kanyang vlog at virtual press conference after her contract singing na wala na s'yang kontrata sa ABS-CBN at matagal n'yang pinag-isipan ang move na ito. 

Mutual decision naman daw sa pagitan nila at ng production na wag nang ituloy ang nasimulan at na-postpone na project.

Maayos din daw s'yang nagpaalam sa dati n'yang boss sa ABS-CBN at ibinigay naman daw ng mga ito ang basbas nila. 

“When the deal [with GMA-7] was 99 percent final... It was first time that I met them via Zoom, my new bosses. The next day, I called my former boss sa ABS[-CBN], Sir Carlo [Katigbak] and I asked his blessing,” lahad ni Bea sa virtual press conference. 

“S'yempre, it was a very emotional call, ’no? Hindi mo maiiaalis, 'di ba? Twenty years of my life I spent there. I mean, being with them. Well, you know what, he wished me well and he wished me good luck... I am happy I had his blessing before being here [in GMA-7]. So, all is well," pagtatapos n’ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Karen Davila, nilinaw na wala silang iringan ni Korina Sanchez

Bea Alonzo, pinangalanan ang mga Kapuso stars na gusto niyang makatrabaho

Ngayong Kapuso na, Bea Alonzo, biniro daw si John Lloyd Cruz na isali siya sa sitcom nito

Pika's Pick: Bea Alonzo is now officially a Kapuso

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.