“Kargada” expert Lassy Marquez, kinumpara sa Hungarian sausage ang “harapan” ni Marco Gallo at sa footlong hotdog naman ang kay Kit Thompson

“Kargada” expert Lassy Marquez, kinumpara sa Hungarian sausage ang “harapan” ni Marco Gallo at sa footlong hotdog naman ang kay Kit Thompson

Ikinumpara ng komedyanteng si Lassy Marquez ang private part ni Kit Thompson sa isang footlong hotdog na may sukat na 12 inches na “p’wede pang haitiin sa dalawa.”

Naka-face-to-face kasi niya ang “kargada” ng aktor habang tulog ito sa isang eksena na ipinakita sa trailer ng psychcomedy film na Sarap Mong Patayin ni Direk Darryl Yap.

Nagawi doon ang usapan dahil bago sumalang si Lassy sa Zoom mediacon ng nasabing pelikula ay galing siya sa ka-back-to-back presscon nito na para naman sa Darryl Yap movie ding Ang Manananggal na Nahahati ang Puso (AMNP), kung saan kasali din siya. 

Sa AMNP zoomcon, natanong si Lassy kung paano saan niya maikukumpara ang “hinaharap” ng bidang si Marco Gallo na may butt exposure doon. Aniya sa “Hungarian hotdog” daw kaya “nakaka-gutom.”

Kaya pag dating sa medicon ng Sarap Mong Patayin, nahingan siyang i-describe naman ang frontal asset ni Kit.”

“Grabe!,” natatawang panimula ng komedyante. “Okay, makikita mong parang footlong, ha, ha, haha. Yong pwede pang hatiin sa dalawa. Huh, ang laswa! Charot!”

Singit naman ng kasama rin sa pelikulang si Ariella Arida, “Oy, Lassy naalala ko kung paano mo i-describe…”

“Uy, ano ‘yun?  Ano ‘yun?” naiintrigang pangungulit naman ni Kit. 

“Naalala mo Kit, noong pauwi tayo nasa van tayo no’n?” sabi ng beauty queen.

“Sige na, ikuwento mo na na-touch mo! Dali!,” pamimilit ni Lassy kay Ariella.

Hirit naman ni Direk Darryl: “Kung si Ariella, na-touch niya, ikaw nga Lassy, hawak na hawak mo. Hahaha!”

“Hawak na hawak ko sa isip ko lang!,” salag ni Lassy. “Sabi ko, ‘Go-go, Ariella!”

Halatang naiilang naman si Kit na naging tampulan ng biro ang kanyang private part dahil panay ang kislot niya sa kinauupan niya.

“Hindi ko na maalala ang kuwento na ‘yan,” reklamo ni Kit. 

“E, kasi natutulog ka no’n!” pagpapaalala naman ni Lassy.

Iniba na lang ng host ng mediacon na si Giselle Sanchez ang topic dahil napapahiya na raw si Kit.

Pero hindi pa rin tinantanan ng entertainment press si Lassy at pinapakuwento sa kanya kung ano ang pakiramdam niya noong mga oras na hinahalikan niya ang katawan ni Kit pababa. Ito ay base pa rin sa ipinakita sa trailer. Kung nag-init daw ba siya o kinabahan.

“Noong umpisa natatakot talaga ako kasi sa laking tao ni Kit…baka sapakin ako, isang kamao lang talaga ako. Kaya natatakot ako sa simula. Pero ‘yung nangyari sa akin na ma-experience ‘yung gawin ang eksena, parang isang biyaya, haha, haha,” tumawang sagot ng isa sa mga miyembro ng Beks Batallion.

Giit pa ng press, tiyak na kinaiingitan na raw si Lassy ngayon ng kapwa niya beki dahil sa eksenang iyon. Lalo na kapag napanood na ang iba pa niyang eksena with Kit sa Sarap Mong Patayin na mapapanood na sa Oktubre 15 sa Vivamax.  

Natanong din si Lassy kung nag-usap ba sila nang masinsinan ni Kit kung paano nila aatakihin ang maselang eksena bago ito kuhanan?

“Hindi naman sa sobrang pinag-usapan, nagpaalam ako kay Kit na, ‘Kit puwede ko bang gawin ‘to?’ and he said ‘yes.’  Ganu’n lang kasimple. Sobrang simple lang, bahala na kung ano’ng mangyayari basta gagawin na.

“Pero magkakaroon ka ng pakiramdam na, ‘Wow! Kit Thompson ‘to!” may halong pagmamalaki at kilig na dagdag ni Lassy.

May dagdag info naman si Direk Darryl, na halatang nakulangan sa context ng sagot ni Lassy.

“Ganito po ‘yan,” bwelo niya. “Ako dapat ang magtatanong kay Kit kung okay lang bang dilaan ni Lassy ‘yung nipples niya.  Sabi ko, ‘pag tinanong ko si Kit kung okay lang bang dilaan ang nipple niya, siyempre sasabihin sa akin, ‘Sige, Direk, okay lang.’

“Hindi ko alam kung gusto talaga ni Kit kasi baka out of respect or because of I’m his director, mapapa-oo lang si Kit.  

“Kaya kinuha ko si Lassy, sabi ko, ‘Tanungin mo naman si Kit kung okay lang sa kanyang dilaan mo ‘yung utong niya?’

“Sabi naman ni Lassy, ‘Direk, baka sapakin ako.’ Hahaha! Kasi lahat naman ng sinabi ko kay Kit, um-oo, so hindi ko ma-gauge,” patuloy ni Direk Darryl. 

“Kaya [Lassy], tanong mo naman…gusto ko kamo…sabihin mo, ‘Gusto ni Direk lick ko ‘yung nipples mo, e, kaya tanungin muna kita.’”

Demure daw ang pagtatanong ni Lassy according kay Direk Darryl.

“Ganito magtanong si Lassy kay Kit: ‘Kit, sa eksena raw kasi parang kailangan dilaan ko ‘yung nipples mo, okay lang ba sa’yo?’

“Sabi raw ni Kit, ‘Yeah, sure.’ Kung gaano siya kabagal magtanong kay Kit, [ganu’n kabilis siya magsabing], ‘Direk, okay daw!’ Hahaha!

Sinakyan naman ni Kit ang kaberdehan ng usapan dahil nang siya ang tanungin sa kung ano ang naging pakiramdam niya…

“Masarap! Hahaha!,” saad ni Kit sabay bawi na: “Akala ko nga si Ariella, pagtingin ko si Lassy pala. Hahaha!”

But seriously speaking, wala umanong naging hesitation sa part ng aktor dahil alam niya umano ang takbo ng kuwento ng pelikula.

“Kasi nu’ng in-explain sa akin kung ano’ng mangyayari and what the scene’s gonna be, parang alam ko na, na there’s a possibility na…Kasi I knew the project. That it’s gonna be Lassy and Ariella. I knew how the story goes …so, siyempre nire-rape ako, so let’s make this believable.”

Nag-take advantage ba si Lassy?

“Hindi ko sure. Hahaha! Tanong natin siya. Hahaha!” muling sakay ni Kit.

Nang balingan si Lassy at tanungin kung na-tempt ba siya sa “footlong” ng binata ay hindi ang naging sagot ng beking komedyante.

“No! Sa isip nate-tempt ka pero sa gawain, hindi! Hahaha! Pero para akong nanalo. Pumapalakpak ako [sa isip].”

Unang beses gawin ni Lassy ang ganito ka-daring na eksena simula nang maging artista siya. Maging sa mga bekihang pelikulang nagawa na niya kasama ang Beks Batallion at si Vice Ganda ay never na nangyari ang ganito.

Bukod kina Ariella, Lassy, at Kit ay kasama rin sa pelikulang Sarap Mong Patayin sina Bob Jbeili, Tart Carlos, at Marion Aunor. Produced ito ng Viva Films at mapapanood na sa Oktubre 15 sa Vivamax.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.