Happy and thankful ang TV host-actress na si Karla Estrada dahil nagbunga ang pag-leave n’ya sa kinabibilangang morning show na Magandang Buhay, at ang effort n’ya sa pangangampaya nitong nagdaang eleksyon.
Kabilang kasi sa mga nanalong party-list ang sinusuportahan n’yang Leyte-based Tingog Sinirangan o mas kilala bilang Tingog Party-list kung saan nga s’ya ang naging third nominee nito.
Nitong May 26 lang ay pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) sa Philippine International Convention Center ang mga nagwaging party-list at kabilang sa Top 3 noon ang Tingog Party-list nina Karla.
Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa tagumpay na ito.
“Mapagpalang gabi po sa inyong lahat. Muli, gusto ko pong magpasalamat sa inyo dahil wala po akong mapagsidlan ng saya sa nakamit na tagumpay ng aming partylist, ang TINGOG,” pahayag ni Karla sa kaniyang Instagram post last Mayo 27 kalakip ang series of photos na kinunan during the proclamation.
However, nanalo man ang kanilang party-list ay hindi naman s’ya makakaupo bilang congresswoman dahil dalawang seats lang ang na-secure ng botong nakalap nila.
“Bagama’t hindi umabot sa akin ang pangatlong seat, kaya hindi po ako maaaring tawagin na congresswoman… nakakahiya po!” sabi pa n’ya.
“Ngunit ganoon pa man, nasa top 3 po ang Tingog sa mahigit 50 na nanalong party-list!”
At dahil ika-third nominee ang mommy ni Daniel Padilla, ang first and second nominee ng Tingog Party-list na sina Yedda Romualdez at Jude Acidre ang mabibigyan ng puwesto sa House of the Representatives.
“Ang Tingog ay may 2 seats po… sa pangunguna ni Congresswoman Yedda Romualdez at sinundan ni Congressman Jude Acidre,” pagbabahagi n’ya.
Kahit na hindi pinalad na mapabilang sa papasok na 19th Philippine Congress, nangako naman s’ya na magpapatuloy s’ya sa kanyang public service.
“Ako po ay mananatili na kasama ng Tingog bilang isa mga boses po ninyo katulad ng aking ipinangako,” pagtitiyak n’ya.
“Ang tagumpay ng Tingog ay tagumpay din po ninyong lahat! Salamat sa tiwala at pagmamahal n’yo po sa amin. Mabuhay kayong lahat mga Ka-Tingog! We love you!” pagtatapos ni Karla.
Nagpaabot naman sa kanya ng suporta ang kanyang mga fans and celebrity friends gaya nina ABS-CBN news anchor Karen Davila, Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, at Candy Pangilinan.
Matatandaang umani ng batikos noon si Karla dahil sa pagtakbo n’ya bilang third nominee ng Tingog Party-list, kung saan ang first nominee nilang si Congresswoman Yedda Romualdez ay isa sa mga bomoto na huwag ng bigyan pa ng panibagong prangkisa ang home network nila ng anak niyang si Daniel, ang ABS-CBN.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber