Karla Estrada, mamamaalam na sa Magandang Buhay?

Matatandaan na nabatikos noon ang aktres na si Karla Estrada nang tumakbo s’ya sa pagka-congresswoman bilang third nominee sa ilalim ng Leyte-based partylist na Tingog.  Ang first nominee kasi ng party-list na si Cong. Yedda Romualdez ay isa sa mga kongresistang bomoto na huwag ng bigyan pa ng panibagong prangkisa ang home network niyang ABS-CBN.

PHOTO: @karlaestrada1121 on Instagram

Matatandaan na nabatikos noon ang aktres na si Karla Estrada nang tumakbo s’ya sa pagka-congresswoman bilang third nominee sa ilalim ng Leyte-based partylist na Tingog. Ang first nominee kasi ng party-list na si Cong. Yedda Romualdez ay isa sa mga kongresistang bomoto na huwag ng bigyan pa ng panibagong prangkisa ang home network niyang ABS-CBN.

Umani ng samu’t saring komento ang recent Instagram post ng TV host-actress na si Karla Estrada.

Sa ipinost n’ya kasing litrato sa IG kahapon, June 23, ay kasama n’ya sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na mga co-host n’ya sa morning show na Magandang Buhay.

Pinusuan ng mga fans at viewers ng show ang naging reunion photo nilang tatlo matapos mawala sa show si Karla nitong mga nakaraang buwan nang sinubukan nitong sumabak sa pulitika.

Habang wala si Karla, humalili sa kanya si Asia’s Songbird Regine Velasquez bilang guest co-host, na sinundan naman ngayon ni Queen of Soap Opera Judy Ann Santos.

May mga na-excite dahil para sa kanila, ito na ang hudyat ng pagbabalik ng idolo nilang si Karla sa Kapamilya talk show.

Pero naging palaisipan naman sa iba ang inilagay na caption doon ng mommy ni Daniel Padilla.

“Happy to see you my Momshies!!! Ang Pamamaalam… ABANGAN!” she wrote. “Good Vibes with all momshies.”

Pakiramdam tuloy ng ilan, tuluyan nang magpapaalam si Karla sa show at nag-shoot na lang ito para sa farewell episode n’ya. 

Matatandaan na nabatikos noon ang aktres nang tumakbo s’ya sa pagka-congresswoman bilang third nominee sa ilalim ng Leyte-based partylist na Tingog. 

Ang first nominee kasi ng party-list na si Cong. Yedda Romualdez ay isa sa mga kongresistang bomoto na huwag ng bigyan pa ng panibagong prangkisa ang home network niyang ABS-CBN.

Isa pa sa naging issue na ibinato sa aktres ay ang pagsuporta n’ya sa kandidato ng UniTeam na sina President-elect Bongbong Marcos, at outgoing Davao City mayor and Vice President-elect Sara Duterte. 

Ang dalawa kasi n’yang kasama sa show na sina Jolina at Melai ay mga Kakampinks o tagasuporta naman nila outgoing Vice President Leni Robredo at outgoing Senator Kiko Pangilinan. 

Nanalo man ang partylist nina Karla nitong nagdaang eleksyon, hindi naman s’ya makakaupo bilang congresswoman dahil dalawang seats lang ang na-secure ng botong nakalap nila.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Karla Estrada posts photo with Daniel and Rommel Padilla; pens touching message

Karla Estrada and non-showbiz beau Jam Ignacio celebrate 1st anniversary in the sweetest “lockdown” way possible; and Karla’s friends couldn’t contain their “kilig” for her

Pika's Pick: Karla Estrada celebrates 3M followers Instagram milestone by posting a hilarious throwback video

Netizens slam Karla Estrada for saying women should be responsible for what they wear in social media photos

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.