Karla Estrada, ramdam na nai-stress si Daniel Padilla ngayong dalawa na sila ng ama nitong nasa pulitika

“Alam ko sa loob n’ya parang, ‘’Di ko kaya ’tong mga magulang ko.’ ’Yong ganu’n. Hahaha! Gusto n’yang um-acting ng ganu’n,” natatawang pag-amin ni Karla Estrada sa posibleng pakiramdam ng panganay niyang si Daniel Padilla.

PHOTOS: @@karlaestrada1121 & @imdanielpadillaofc on Instagram

“Alam ko sa loob n’ya parang, ‘’Di ko kaya ’tong mga magulang ko.’ ’Yong ganu’n. Hahaha! Gusto n’yang um-acting ng ganu’n,” natatawang pag-amin ni Karla Estrada sa posibleng pakiramdam ng panganay niyang si Daniel Padilla.

Inamin ng TV host-actress na si Karla Estrada nai-stress ang anak n’yang si Daniel Padilla ngayong dalawa na sila ng tatay nitong si Rommel Padilla ang pumasok sa pulitika. 

Sinabi n’ya ito sa interview n’ya with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz nang ma-corner s’ya nito sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City recently, at in-upload ’yon ng huli sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ngayong araw, November 15.

Natanong kasi ni Ogie kung hindi ba nahihilo si Daniel sa kanilang dalawa ngayong pareho na silang pulitiko ng kanyang estranged husband at kung paano sila susuportahan ng aktor gayong magkalayo ang kanilang lokasyon kahit pa na pareho silang tumatakbo sa pagka-congressman.

Third nominee kasi si Karla para sa Tacloban-based Tingog Party-list habang kakandidato naman bilang kinatawang first district ng Nueva Ecija si Omeng [nickname ni Rommel].

Ako, talagang napaka-transparent ko sa ganyan, ’no? Na-stress ’yong anak ko. Hahaha!” natatawang pag-amin ni Momshie Karla. 

Na-stress s’ya. Hindi n’ya kinaya,” pagpapatuloy n’ya. “Kasi, ’di ba, si Daniel hangga’t maaari umiiwas sa usaping pulitika? Tapos biglang…hindi man lang kapatid [kundi] parehong magulang n’ya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon [na mag-pulitika]. 

Hindi ko naman p’wede sabihin na tatakbo ako kasi gusto ko. Hindi, lahat ito ay merong pangangailangan mula sa tao na hindi ko mahindian, ’di ba? So, ganu’n din ang tatay n’ya.

Hindi naman daw kasi maikakaila na nasa dugo na ng mga Padilla ang pulitika. 

Pero kasi pag tiningnan mo ang ninuno, ang mga Padilla noong araw pa… In fact, ang first governor is Jose ‘Pepe’ Padilla, [Sr.] from Bulacan. So, meron talagang ang bloodline ng mga Padilla ay mga pulitiko din,” paliwanag pa ng Magandang Buhay co-host.

Pagbibiro pa n’ya, “Ako, din. Karla Ford, ’di ba? Ang ex-president ng America… Baka…baka kamag-anak ko. Baka kaya. Baka kaya meron din akong bloodline ng politician. Hahaha!”

Ang tinutukoy n’ya ay ang pagkakapareho nila ng last name ni late US President Gerald Ford.

Going back to Daniel, wala naman daw s’yang narinig na pagtutol mula dito sa pasya n’yang pasukin ang pulitika. 

Si Daniel hindi masalitang tao pero 100 percent sa magulang ay doon ang kanyang suporta bilang kami ang kanyang mga magulang. Wala s’yang sinasabi ngayon pero hindi din s’ya kumukontra sa amin,” lahad pa ni Karla sa interview. 

“Actually, pag ako nagkukuwento, happy s’ya. Basta ang importante masaya daw ako. Ganu’n din sa ama n’ya. Walang problema si DJ [nickname ni Daniel].

Natatawang tsika pa ng aktres, “Alam ko sa loob n’ya parang, ‘’Di ko kaya ’tong mga magulang ko.’ ’Yong ganu’n. Hahaha! Gusto n’yang um-acting ng ganu’n.

Gayunpaman, ramdam pa rin naman daw n’ya ang suporta ng kanyang anak. 

Pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli, iisa lang ang nanay n’ya, iisa lang ang tatay n’ya. E, saan pa ba ang suporta? E di, sa amin,” aniya. 

Sey pa n’ya, wala naman daw kaso sa kanya kung hindi man s’ya samahan ni Daniel kapag nag-umpisa na ang campaign period next year. 

Kung ako ang masusunod, okey naman ako na kahit hindi s’ya sa shadow ko dito sa pulitika, kahit wala s’ya tabi ko sa pulitikang ito kasi talagang paniwala naman ako na maniwala lang sa akin ang mga tao na marunong akong tumulong okey na ako du’n,” saad ng aktres. 

Ngayon, pag nag-decide si DJ na, ‘O, Ma, samahan kita d’yan sa Tingog…’ Desisyon n’ya ’yon bilang anak,” pagtatapos ni Karla.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.