Kasal nina Benj Manalo at Lovely Abella, minadali daw para makabuo na agad ng baby

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram

PHOTOS: @lovelyabella_ on Instagram

Ginawa daw mabilisan ng celebrity couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella ang kanilang naging kasal dahil gusto na daw nilang makabuo ng baby. 

Ito ang ikinuwento ng Kapuso comedienne nang maka-online tsikahan s’ya nina Camille Prats at Iya Villania sa morning show na Mars Pa More kahapon, March 1.

Natanong kasi si Lovely kung ano ba ang mga pagbabagong nangyari sa buhay nila ng asawa n’yang si Benj matapos silang magpakasal last January.  

Malaki ang pinagbago kahit na dati nagsasama na kami for six years, e,” lahad ni Lovely sa show. “Totoo pala ‘yon, no? After mong ikasal parang in love na in love ka sa kanya. Alam mo ‘yon? Iba talaga ‘yong kilig ko sa kanya. Iba ‘yong in love ko sa kanya.

Pagdating naman sa decision making ay ipinauubaya na daw ito ni Lovely sa kanyang asawa. 

“At this time, hinahayaan ko na ‘yong pagdedesisyon… Ibinibigay ko na ‘yon sa kanya,” aniya. “Kumbaga, ako nag-a-agree lang. Kasi before ang nangyayari laging ako ‘yong nagde-decide, e. So this time, pinauubaya ko na ‘yon sa aking mister.”

Sey pa n’ya, talagang pinag-usapan daw talaga nila ni Benj ang mga magiging adjustment nila sa isa’t isa before they sealed the deal at wala na daw sa option nila ngayon ang hiwalayan.

Kahit na before pa lang na bago kami mag-decide na magpakasal, talagang pinag-usapan namin na magiging ganito na… wala na talagang hiwalayan,” pagbabahagi pa ng Bubble Gang actress.

“So bago talaga kami nagpakasal, ‘yon ‘yong inunawa namin sa isa’t isa na kailangan namin intindihan ‘yong init ng ulo ko minsan. Kailangan n’ya intindihin ang init ng ulo at wala na ‘yong, ‘Ayoko na. Hiwalay na tayo.’ Wala ng ganu’n this time.”

At dahil kagagaling lang nila Benj at Lovely sa Boracay few weeks ago kung saan sila nag-honeymoon, natanong din s’ya kung nasa plano na ba nila ng mister n'ya ang pagkakaroon ng anak. 

Dito inamin ng aktres na talagang sabik na sila magkaroon ng baby at gusto na nila makabuo kaya daw nila minadali ang kanilang pagpapakasal.

Matatandaan kasi na after mag-propose ni Benj kay Lovely at sa daughter nitong si Crisha noong December 31, 2020 ay agad silang ikinasal noong January 23.

“As in, sana Lord, now na. Agad-agad,” paghayag ni Lovely na gusto na magka-Baby No. 2. 

Kasi talagang nagta-try na kami [magka-baby] before, itong mga pa-December. Pero sabi namin baka ayaw pa ni Lord kasi wala pang basbas [that time], sabi kong ganu’n. 

Kaya nag-decide kaming mabilisan po ‘yong wedding namin kasi parang gusto na talaga namin [magka-anak]. So [we’re] praying, hoping na soon talaga,” pagtatapos ni Lovely.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Benj Manalo and Lovely Abella are now officially husband and wife!

Lovely Abella, nagka-anxiety attack nang maging asymptomatic COVID-19 positive; takot makahawa at pandirihan

Lovely Abella, nag-level up ang pagka-praning nang makitaan ng COVID-19 symptoms ang kanilang kasambahay

Benj Manalo, muling nag-propose kay Lovely Abella; this time, maging sa daughter ni Lovely na si Crisha

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.