Kasalang AnDrek (Andrea Torres at Derek Ramsay), career contract na lang ang humahadlang; say ni Derek: “My plans is once my contract is over, that's when I... Alam mo na.”

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram

PHOTOS: @andreaetorres on Instagram

Ramdam daw ng Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na sila na talaga ang para sa isa't isa. 

Sa YouTube show ng showbiz reporter na si Allan Diones—called Tonight With Allan D—na naka-livestream last September 19 kung saan naging guest ang dalawa, binalikan nina Derek at Andrea ang mga moments na tingin nila ay “perfect timing” ng mga bagay-bagay kaya mas naging smooth ang friends-to-lovers journey nila.

Isa na nga rito ang pagiging boto ng Mommy Medy ni Derek kay Andrea habang ganu'n din daw ang mom ng aktres sa nobyo n'ya. 

K’wento pa ng 30-year-old actress, mabilis daw silang nagkahulihan ng loob ng mommy ni Derek. 

"[Nu'ng] first time ko na-meet si Tita, hindi pa nga 'yon planado, e," paglalahad n'ya sa online tsikahan via StreamYard. "Nagkataon lang na nasa mall kami tapos nandu'n din s'ya. So, naka-cap pa ako, naka-rubber shoes. Hindi ako nakapag-retouch [ng make-up]. So, hindi ako prepared. Tapos nu'ng na-meet ko si Tita hindi man lang ako nakapag-retouch. Alam mo 'yon, extra effort."

Happy daw ang aktres na naging napakanatural lang daw ng lahat between her and Derek. Walang best foot forward effort, kumbaga.

"Sa loob loob ko, ang tagal kong single," pagpapatuloy ni Andrea. "Parang gusto ko sa relationship na 'to, gusto ko totoong totoo lang. Kumbaga, kung mag-workout, e di ang saya. Kung hindi mag-workout ay baka hindi talaga. Parang ganu'n. Natuwa lang ako kasi parang napakanatural lang ng lahat."

Everything was so natural kaya hindi nga raw naging mahirap even ang pakikipag-palagayan niya ng loob sa mommy ng aktor. In fact, sa ngayon ay itinuturing na daw n'yang second mom ang mommy ng kanyang boyfriend. 

"Nagkasundo kami. Nakakatuwa lang ngayon kasi nakakausap ko si Tita na tulad ng [pakikipag-usap] ko sa mommy ko. At nasabi ko 'yon sa kanya. Sinasabi ko 'yon sa kanya na, 'I love you like my second mommy. You are like my second mom.' Ginaganu'n ko talaga s'ya kasi feel na feel ko talaga 'yong pagiging second mom n'ya sa'kin kasi nga lahat nasasabi ko sa kanya."

Agree naman dito ang 43-year-old romantic leading man at sinabing boto daw talaga ang mommy n'ya kay Andrea. 

"Actually, my mom is very protective of me," salaysay ni Derek mula sa kabilang linya. "Sinabi n'ya sa akin na this is the first time na she has a good feeling about my girlfriend. 'Yong parang sa first day pa lang hindi na n'ya kailangang kilalanin. 

"Alam na n'yang mabuti at mabait itong si Andrea to the point na pinapagalitan na n'ya ako. Kunwari, may konting tampuhan kami ni Andrea. Naku, on Andrea's side 'yan. Hindi sa akin," natatawang paliwanag ng aktor. 

Bigla na namang may naalala si Andrea at sinabing ganu'n din daw ang mommy n'ya towards Derek.

"Ang galing! Naalala mo, babe? May tampuhan din tayo nu'n tapos mommy ko ang nasasabi sa akin ng, 'Ada, kasalanan mo,'" natatawang pagre-recall ng Kapuso actress. "Sabi ko naman, 'Mom, hindi. Ganito, ganito.' 'Hindi, Ada. Ikaw ang may kasalanan.' Naalala ko nu'n nag-send pa kami ng picture kay mommy [para sabihing],'Bati na kami. Okey na.'"

Lately, muling may lumabas na isyu na nagli-live in na daw ang dalawa matapos nga ipakita ni Derek sa kanilang joint YouTube channel ang kanyang new three-storey house sa Alabang. 

Pinasinungalingan naman ni Andrea ang tsismis at sinabing sa bahay parent ng parents n'ya s'ya umuuwi.

At ngayong naipagawa na ang dream house nila, kung saan ay may inputs din pala si Andrea lalo na sa mga furniture pieces, may ilan na nagsabing masaya sila kung sakaling mag-settle down na ang Kapuso lovebirds.

Isa nga rito ang showbiz writer and host na si Lolit Solis sa nagsabi na sana ay ihatid na ni Derek si Andrea sa altar. 

Kaya naman natanong na rin ni Allan sina Andrea at Derek kung may aabangan na bang wedding bells sa kanila anytime soon.

Si Derek na ang sumagot at sinabing: "I want my family. I want to settle down. i want to wake up every morning with that special person beside me. I really feel that Ada [nickname ni Andrea] is the right one and it was perfect timing when she came to me. 

"Sa buong career ko nakita n'yo naman na lahat ng leading ladies ko sa pelikula, sa career ko, never ko naman naging girlfriend. Walang tsismis or anything kasi trabaho lang 'yon, e. 

"And I really don't want to get into another relationship na isn't showbiz but this is what God gave me and it is impossible not to fall in love with Andrea. And I'm gonna work and do my very best to make this relationship end with a very, very happy ending."

Sa ngayon ay waiting pa daw si Derek na matapos ang contract and all his obligations sa kanyang network. May mga projects din kasi s'yang naka-freeze because of the pandemic.

"I want things to settle down," he continued. "Kasi kilala ko ang sarili ko. If I jump into something like that, 'yon ang magiging priority ko. Gusto ko matapos na lahat ng responsibilities ko sa career ko. And then, settle down. Ang hirap gawin nu'n if I'm still under contract and I don't have free time.

"If I get married in 2021, ang gusto ko is nakatutok ako sa asawa ko. Nakatutok ako sa pamilya ko. At mahihirapan akong gawin 'yon if naka-tied down pa ako. 

"My plans is once my contract is over, that's when I... Alam mo na," natatawang sey ng aktor. 

For Andrea's part, pangarap naman daw n'ya ang maging isang asawa at ina. 

"Ako kasi, family talaga ang nagpapaligaya sa akin, e. Sinabi ko nga dati, mga 28 years old [magse-settle na ako], e. Ang ultimate dream ko talaga is maging mom at maging wife. Bata pa lang ako vocal na ako doon."

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Derek Ramsay’s tips on moving on

Andrea Torres says “yes” to boyfriend Derek Ramsay’s proposal... to put up their vlog

Pika's Pick: Andrea Torres pulls off a birthday surprise for her “answered prayer” Derek Ramsay and post the sweetest birthday message after

Derek Ramsay on his failed relationships: “Maybe there’s something wrong with me.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.