Kasalang Tuy at Noy—Vice Ganda and Ion Perez—trending; say ni Vice kay Ion: “Isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw.”

Belatedly ay ibinahagi ng magkasintahan na sina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang pagpapakasal—or ceremony of commitment—na ginanap sa The Little Vegas Chapel noong October 2021. Lumalabas na tatlong buwan na palang silang mag-asawa. Sa kanilang exchange of vows, maikli pero taos-sa-puso ang mga binitiwang salita ni Ion: “Buong-buo ang loob ko na makasama ka. Wala akong masabi basta, mahal na mahal kita, Tuy. I Love you.”

Photos: Screengrabs from Vice Ganda YouTube Channel

Belatedly ay ibinahagi ng magkasintahan na sina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang pagpapakasal—or ceremony of commitment—na ginanap sa The Little Vegas Chapel noong October 2021. Lumalabas na tatlong buwan na palang silang mag-asawa. Sa kanilang exchange of vows, maikli pero taos-sa-puso ang mga binitiwang salita ni Ion: “Buong-buo ang loob ko na makasama ka. Wala akong masabi basta, mahal na mahal kita, Tuy. I Love you.”

Halos lahat ng mga comments na nababasa namin sa latest vlog entry sa YouTube Channel ng Phenomenal Unkabogable Star na si Vice Ganda—ang kanyang “What Really Happened in Las Vegas” video—ay puro positibo. Masaya at kinikilig para kina Vice at Ion Perez ang kanilang mga taga-subaybay.

Belatedly kasi—at itinaon nila sa Araw ng mga Puso—ay ibinahagi ng magkasintahan ang kanilang pagpapakasal—or ceremony of commitment—na ginanap sa The Little Vegas Chapel noong October 2021.

Sinimulan sa tila pre-nuptial video kung saan ipinakita ang mga susuotin nilang all-white ensembles, ang masaya nilang pagkain ng breakfast; hanggang sa mga shots papuntang chapel habang sakay ng limousine, ang bridal walk ni Vice at ang exchange of vows nilang dalawa. 

Kahit na foreigner ang nagkasal sa dalawa, sa wikang Tagalog nila binigkas ang kani-kanyang wedding vows. 

Sabi ni Ion na tinawag pa rin si Vice na “Tuy,” "Nandito ako pero nandito talaga ’ko. Buong-buo ang loob ko na makasama ka. Wala akong masabi basta, mahal na mahal kita, Tuy. I Love you.”

Sinagot ito ni Vice ng “I Love You. 

At saka sinundan ng kanyang madamdaming vows.

"Noy, mahal na mahal din kita. At ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at kahapon. At makakasama ko pa rin bukas at sa susunod pang mga araw.

“’Yun ang pinagdadasal ko na, sana Lord, sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ang kasama ko at ako pa rin ang kasama mo. Magkasama pa rin tayo kapiling ang mga mahal natin sa buhay.  

“I promise na mag-iipon pa ako ng maraming maraming pagmamahal sa puso ko para makaya ko pang mahalin ang sarili ko at makaya ko pang mahalin ka at pati ’yung mga mahal natin sa buhay. 

“I promise na aalagaan ko ang sarili ko. Kakain ako sa tamang oras para hindi ka na magagalit. Aalagaan ko ang kalusugan ko para maging malakas ako. Para mapanindigan pa natin ’tong sinimulan nating dalawa.  

“I promise na iisipin ko ang katawan ko, ’yung health ko, kasi alam ko na pag may sakit ako, nalulungkot ka. At alam ko na kapag may sakit ako, nanghihina ka. Alam ko kapag may sakit ako, ninenerbiyos ka at namomroblema ka. 

“And I promise to be a better person, every day, I’ll try to be a better person. Everyday, I will try to be a kinder person at lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon ko at isa ka sa pag-aalayan ko ng magagandang bagay na mangyayari sa buhay ko. 

“You will be one of the best reasons for all of my achievements and I promise na isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw.” 

Habang nagsasalita si Vice, kung ilang beses naman na hinahalikan ni Ion ang mga kamay ni Vice na hawak niya. At sa huli ay muling nagpalitan ng mga katagang “I love you” ang dalawa.  

Nang sabihin ng Wedding Presider/Officiant ang “Now, you may kiss,” nagyakapan ang dalawa at may tatlong beses na hinalikan ni Ion si Vice sa noo at saka naglundagan na parang mga bata. 

Ipinakita rin nila pagpirma nila sa kanilang Certificate of Commitment. 

Sa loob ng wala pang isang araw mula nang i-upload ni Vice ang wedding video nila, number one trending ito sa You Tube at humamig na ng mahigit sa 2.6M views.  

Ilan naman  sa mga mababasang comments ng netizens:

“syeeet! nakakakilig... ito yung pagiibigang ‘no bounds, no limits’ ito ang pagmamahalang totoo. walang echos! Happy for the both of you.”

Saad ng isa pa: “I’m not a fan of Vice but I’m so happy for both of them. May your love for one another prosper more. Lots of congratulations to you both.”

Obserba naman ng isa: “Grabe din talaga ang Love ni Ion kay Meme. Thank you for making our Meme Happy and Special.”

Congratulations, Tutuy and Noy.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.