Kasong libel na isinampa ni Catriona Gray laban sa Bulgar entertainment editor at writer, umusad na

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram & Jansen Romero via mb.com.ph

PHOTOS: @catriona_gray on Instagram & Jansen Romero via mb.com.ph

Naglabas na ng resolusyon ang Quezon City Prosecutor’s Office hinggil sa kasong libel na isinampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray laban sa entertainment editor na si Janice Navida at entertainment writer na si Melba Llanera ng pahayagang Bulgar.

Kaugnay ito sa inilathala ng nasabing pahayagan noong nakaraang taon na mga hubad na larawan ng babae at sinabing ‘yon umano ay ang Filipino-Australian beauty queen. 

Unang lumabas ang mga ‘yon sa Facebook page ng Bulgar last July 18, 2020 na may caption na, “After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA! OMG!!! Basahain ang detalye sa INSIDER ni Melba Llanera bukas, Linggo. Bili na ng BULGAR para lagi kang updated!"

Nang sumunod na araw, July 19, ay inilathala naman ‘yon sa Bulgar tabloid na may kaparehong headline. 

Sa resolusyon ng Quezon City Prosecutor’s Office na may petsang March 11, 2021, kapwa nakasuhan sina Navida at Llanera ng libel under Article 355 of the Revised Penal Code. Nakasuhan din si Navidad ng cyber libel under Section 4(c)(4) of R.A. 101075.

Pirmado ito nina Assistant City Prosecutor Jerome Christopher Feria, Senior Assistant City Prosecutor Arleen Tagaban at Deputy City Prosecutor Irene Resurrecion-Medrano.

Ayon naman sa IG post kahapon, June 10, ni Atty. Joji Alonso na legal counsel member ni Catriona, ikinalugod daw ng beauty queen ang balitang ito.
 
“As a staunch advocate of women’s rights and responsible journalism, Ms. Gray welcomes this favorable news. She remains firm against abusive media practices and would not waiver in championing causes that would bring about justice and accountability,” Atty. Joji wrote. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Atty Joji Alonso (@attyjoji)

Matatandaan na noong July 21 noong nakaraang taon ay dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) si Catriona para magsampa ng reklamo sa mga taong nagpakalat ng mga fake nude photos at tahasang nagsabing siya umano ang mga nasa larawan.

Nag-demand din noon ng P10 million na danyos ang Filipino pride and beauty icon sa tabloid dahil sa "immeasurable damage" diumano sa kanyang pangalan at reputasyon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Beauty queens Catriona Gray and Nicole Cordoves are set to host Binibining Pilipinas 2021 Grand Coronation Night in July

The Butcher | Is Catriona Gray the new Susan Calo-Medina?

Catriona Gray reminds followers that beauty is defined by one’s self

Catriona Gray looks back at her Miss Universe crowning moment, expresses love to her supportive parents

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.