Kat Alano, may cryptic posts tungkol sa nakamit niya umanong hustisya; Alessandra de Rossi, nagpahayag ng suporta sa kanya

“After 17 years... Finally a glimpse of justice,” panimulang pahayag ni Kat Alano sa una n’yang tweet.  “People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”

PHOTOS: @thekatalano & Alessandra De Rossi on Facebook; INSET: @vhongx44 on Instagram

“After 17 years... Finally a glimpse of justice,” panimulang pahayag ni Kat Alano sa una n’yang tweet. “People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”

Naglabas ng mga cryptic posts si Kat Alano tungkol sa hustisya na kanya umanong nakamit makalipas ang halos dalawang dekada. 

Kahapon, September 19, sunod-sunod na nag-post on Twitter ang VJ, model and host dahil sa wakas ay nakamit na n’ya umano ang inaasam na hustisya makalipas ang mahabang panahon. 

“After 17 years... Finally, a glimpse of justice,” panimulang pahayag ni Kat sa una n’yang tweet.

“People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”

Sa kasunod n’yang tweet, tila may sinasagot na statement si Kat na gumagamit daw sa pangalan ng D’yos para itanggi ang umano’y kasalanan nito. 

“Keep using God’s name to proclaim innocence. God saw you rape us. #rhymeswithwrong,” matapang na lahad n’ya. 

At sa panghuli, nagpasalamat s’ya sa D’yos dahil makalipas ang 17 years ay nakaramdam na umano s’ya ng kapanatagan. 

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally, after 17 years,” aniya.

Nag-comment naman dito ang kaibigan n’yang aktres na si Alessandra de Rossi ng isang Bible verse na akma sa naging sitwasyon ni Kat. 

“‘Exodus 14:13-14 The LORD will fight for you, and you have only to be silent.’ I love you [three red heart emojis],” maikling komento ni Alex.

Ini-retweet ito ni Kat at nilakipan ng kanyang tugon: “I love you!! Amen. [three red heart emojis]”

Dumagsa rin ang suporta sa kanya ng kanyang Twitter followers. 

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Kat sa kanyang mga tweets, ipinagpapalagay ng netizens na kaugnay ang mga ito sa magkasunod na warrant of arrest na inilabas ng korte para sa comedian-dancer and TV host Vhong Navarro sa kasong acts of lasciviousness at kasong rape na isinampa noon pang 2014 ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Matatandaan na buong tapang na inamin ni Kat sa radio show ni Mo Twister noong 2014 na ginahasa umano s’ya ng isang kilalang celebrity. Bagama’t wala s’yang pinapangalanan, ipinagpalagay na ng netizens na si Vhong Navarro ang kanyang tinutukoy dahil na rin sa ginagamit n’yang hashtag na #rhymeswithwrong sa kanyang mga social media posts.

Bukod pa rito, ang muling pagsasalita n’ya ngayon sa social media ay ikinukonekta ng netizens sa magkasunod na warrant of arrest na inilabas ng korte para sa comedian-dancer and TV host na si Vhong Navarro sa kasong acts of lasciviousness at kasong rape na isinampa noon pang 2014 ng dating modelo na si Deniece Cornejo. Ito marahil ang tinutukoy n’yang hustiya na hinihintay n’ya. 

Matatandaang nagsampa ng kaso noon si Deniece laban kay Vhong dahil sa umano’y tangka nitong panggagahasa sa kanya. Kaugnay ito sa kontrobersyal na insidenteng naganap umano sa condo unit n’ya. 

That same night ay nagtamo rin ng matitinding pasa sa mukha si Vhong dahil sa panggugulpi naman ng mga kaibigan ni Deniece led by businessman Cedric Lee.

Iginiit naman ni Vhong na binugbog at kinikilan s’ya ng kampo nina Deniece at Cedric. Kalaunan ay kinatigan ng korte si Vhong habang na-convict naman ang dalawa. 

Ibinasura rin noon ng Prosecutor’s Office at Department of Justice (DOJ) ang apela ni Deniece na muling buksan ang two counts of rape na isinampa n’ya laban kay Vhong dahil wala umano itong probable cause. 

However, nito lang July ng kasalukuyang taon ay binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng DOJ at ipinag-uutos ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor.

Nakapagpiyansa na ng P36,000 si Vhong para sa kasong acts of lasciviousness kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI). Pero dahil non-bailable ang isa pang kaso n’ya, ang rape, mananatili muna s’ya sa kustodiya ng NBI.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vhong Navarro, pinakakasuhan ng Court of Appeals ng salang rape and acts of lasciviousness; Deniece Cornejo, nakahalungkat ng lumang tula na nagpa-alala ng sandaling pagkaka-kulong niya noon

Pika's Pick: Jhong Hilario, Danilo Barrios, and other Streetboys members stand by their colleague Vhong Navarro; advocate call for #JusticeforVhong

Pika's Pick: NBI releases mug shot of Vhong Navarro

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.