Kat Alano sa kanyang bashers: “Akala niyo madali to? Wala akong media company. Wala akong team. Wala akong bayad. Truth lang ang meron ako.”

In-address ni Kat ang mga paratang na nagpapapansin daw s’ya ngayon at kung bakit hindi daw s’ya nagsasalita noon. “Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko,” litanya n'ya.

PHOTOS: @thekatalano on Facebook

In-address ni Kat ang mga paratang na nagpapapansin daw s’ya ngayon at kung bakit hindi daw s’ya nagsasalita noon. “Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko,” litanya n'ya.

Hindi pinalagpas ng VJ-TV host and model na si Kat Alano ang mga natanggap n’yang pamba-bash mula sa mga taga-suporta ng actor-dancer na si Vhong Navarro.

Sunod-sunod kasi ang pagtu-tweet ni Kat nitong mga nakalipas na araw tungkol sa hustiya na malapit na umano n’yang makamit.

After 17 long years daw kasi ay makakamtan na n’ya ang inaasam na hustiya bilang isang rape victim.

Although wala s’yang binabanggit na pangalan sa kanyang mga Twitter posts, ipinagpalagay na ng netizens na kaugnay ito sa pagkaka-detain ngayon ni Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa 2014 rape case na isinampa ng dating modelong si Deniece Cornejo.

At bagama’t bumuhos ang suporta sa kanya mula sa kanyang online followers, kabilang na ang aktres at kaibigan n’yang si Alessandra de Rossi, hindi naman nawala ang mga tumuligsa sa kanya.

May isang basher na nag-akusang nakikisakay lang umano s’ya sa issue ngayon nina Vhong at Deniece para magpasikat. 

“[T]aga gatong din to hahaha need limelight girl?” nang-iinsultong tanong ng basher ni Kat sa kanya.

Ni-retweet n’ya naman ito at sinagot ng, “Eto bigyan kita ng limelight.”

Inakusahan rin s’ya ng isa pa na nagsisinungaling umano kahit pa may ibang buhay na mapapahamak.

“How much does your faith lies within the God to sell another person's life for your own sake of gain? Ridiculous. Just give up,” saad ng isa pa n’yang basher.

Sagot naman dito ni Kat, ang ganitong uri ng pag-iisip umano ang dahilan kaya’t maraming biktima ang mas pinipiling manahimik na lang kesa maghangad ng hustisya. Imbes kasi na tulungan at unawain ay mas tinutuligsa pa daw silang mga biktima.

“You see how people think here? This is why people don’t speak up, why people don’t try and fight. Because of ignorance like this,” aniya.

Isa pang pangahas na basher ang nagsabing dapat ay mag-move on at magpasalamat na lang s’ya dahil nabuhay pa s’ya.

“Kung Ikaw lang din dapat sinalvage ka na lang sa dami2x ng narape na sa Pilipinas man o Mundo pasalamat ka binuhay ka pa nya kung talagang nirape ka, ano ba nawala sau? Anlaki ng problema mo Kala mo naman nabuntis ka o nawala sa mundo para di ka mag move on,” banat nito kay Kat. 

Simpleng tugon n’ya dito: “Wow. Naawa ako na ganito ang mindset mo. Guys tingnan mo naman how people think. Pasalamat daw ano na binuhay pa ako???”

Sa isa n’yang tweet, nagpasalamat ang VJ-TV host sa mga natatanggap n’yang suporta sa kabila ng mga pambabatikos na ibinabato sa kanya.

“Wow, some of these people bashing me... Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami. But big thanks to those supporting and explaining rape culture to those who are still unaware. I see you, I know some of you are victims too. Thank you,” lahad ni Kat. 

In-address n’ya rin ang mga paratang na nagpapapansin daw s’ya ngayon at kung bakit hindi daw s’ya nagsampa ng reklamo noon. 

“Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko,” litanya ni Kat. 

“Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!”

Dismayado din umano n’ya sa mga kapwa n’ya babae pa ang tumutuligsa sa kanya. 

“And ang nakakalungkot pa, BABAE pa talaga ang lumalaban para sa kanya. Hindi niyo naiisip ang mga kapwa niyong babae? Akala niyo madali to?” tanong n’ya.

“Wala akong media company. Wala akong team. Wala akong bayad. Truth lang ang meron ako. Alam ko galit kayo, pero magisip din kayo,” pagtatapos ni Kat.

Matatandaan na inamin ni Kat sa radio program ni Mo Twister noong 2014 na ni-rape s’ya ng isang kilalang celebrity.

Although hindi n’ya ito pinangalanan, hinulaan ng netizens na ang tinutukoy n’ya ay ang actor-dancer and TV host na si Vhong Navarro base sa hashtag na ginagamit n’ya sa kanyang social media posts na #rhymeswithwrong.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Deniece Cornejo, sumusumpang mananatiling ehemplo ng paglaban para sa mga kababaihang naaabuso

Dahil non-bailable ang nabuhay na 2014 rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, mananatili sa NBI custody ang dancer-actor

Mensahe ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista kay Deniece Cornejo: “Hindi ko ma-comprehend kung paano mo nakakayanan na merong nagsa-suffer sa kasinungalingan mo.”

Pika's Pick: Jhong Hilario, Danilo Barrios, and other Streetboys members stand by their colleague Vhong Navarro; advocate call for #JusticeforVhong

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.