Binasag ng top Kapamilya loveteam na KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) ang kanilang pananahimik regarding the current situation of ABS-CBN. Kapwa sila nagpahayag ng ng pagsuporta at pakiki-simatya sa mga kapwa-artista nilang naba-bash ngayon online dahil sa paghahayag ng kanilang mga saloobin.
Last week kasi, matapos magpaalam sa ere ang istasyon, nagpost lamang si Danile ng ABS-CBN logo sa Instragram and wrote "Tila isang masamang panaginip.." as his caption; habang animated clip naman ang post Kathryn that came with this message: "Isang mahigpit na yakap sa lahat ng kapamilya natin."
Ngayong araw, May 13, isang mahinahon ngunit malungkot na Daniel Padilla ang nagsalita sa publiko through a video posted on his Instagram.
"Nakakalungkot ho ang nangyayari ngayon," panimula ng 25-year-old ABS-CBN prized star. "Nakakalungot...na dapat nagkakaisa tayo at may hinaharap tayong pademya."
Aniya, sa pagkaka-shutdown ng Kapamilya network, lalong nahati ang sambayanan at nada-divert sa iba ang dapat na pina-priority sa panahon ngayon.
"Nalilihis ang usapan at nagkakawatak-watak pa tayong mga Pilipino dahil sa pagkaiba ng opinyon.”
Pagpapatuloy n'ya, "Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag. Karapatan natin ang magsalita. Pero kasama ng karapatan na 'yan e responsibilidad. Responsibilidad na siguraduhin na ang sinasabi natin ay tama. At higit sa lahat ay makatao at para sa tao."
Nagpahayag din ng pagkadismaya ang The Hows of Us lead actor sa batikos na tinatanggap ngayon ng mga kapwa-artista n'ya mula sa ilang netizens, bashers, and trolls matapos magpahayag ang mga ito sa sinapit ng kanilang home network.
"Nakakadismaya hong makita na ang ibang kasamahan namin sa industriya na piniling magsalita ay iniinsulto," wika ni Daniel. "Wala naman ho silang ibang layunin kundi muling magbukas ang ABS-CBN. Ang gusto lang naman ho nila e mapawi ang takot na nararamdaman ng mga empleyado na maaaring mawalan ng trabaho."
Tanong n'ya sa mga bashers: "Ano ho bang nasama? Ano ho bang masama sa manindigan sa sariling kabuhayan at sa kabuhayan ng marami?
"Sa lahat ng pumupuna sa mga nagsasalita alam ko ho na magkakaiba tayo ng opinyon. Alam ko na kung ano man ang halaga sa amin ng ABS-CBN e maaaring hindi 'yon ang halaga nito sa inyo. Pero sana ho 'wag tayong makalimot. Huwag ho tayong makalimot sa pinagdadaanan ng iba."
Kaalinsabay ni Daniel, naglabas din ng video message ang ka-loveteam at real-life girlfriend niyang si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram. Sa kaa-upload lamang na video, ini-reveal ng aktres na na-trauma s'ya noong araw matapos mabatikos—sampu ng kanyang pamilya— sa social media nang mag-post s'ya tungkol sa politika. Kaya natagalan umano s'yang nagkaroon ng lakas ng loob upang magsalita ngayon tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN.
"Alam ko po na marami sa inyo ang may alam na matagal ko pong piniling manahimik," pahayag ni Kathryn. "Bakit? Kagaya po ng iba sa inyo, natakot po ako. Kasi nung huling beses po na ginamit ko 'yong platform ko sa usaping-politika, hindi naging maganda 'yong nangyari.
"Naging traumatic po 'yong experience ko no’n. Kagaya po ng mga nararanasan ngayon ng mga artistang nagsasalita."
However, iba diumano ang pinanggagalingan ng aktres ngayon kaya n'ya minabuting magpahayag din ng saloobin.
"Nandito po ako kasi, pakiramdam ko kailangan," tuloy n'ya. "Pakiramdam ko, kahit wala mang kasiguruhang marinig 'to, at least may ginawa ako. Pakiramdam ko kailangan kong maging boses ng iba."
Ito umano ang mga taong nababahala sa kanilang sasapitin kung mananatiling sarado ang ABS-CBN. Kabilang din umano dito ang mga pamilya sa iba't ibang panig ng bansa na tanging ABS-CBN lang sng nasasagap na network na kanilang kinukunan ng impormasyon at entertainment sa panahon ng pandemya.
"Nandito po kami kasi responsibilidad naming makaramdam para maging boses ng mga taong hindi mapakinggan," ani Kathryn. "Kung hindi kami magsasalita, sinong magsasalita para sa kanila?"
Hiling ng naman ng aktor na si Daniel Padilla, huwag sana silang pagkaitan ng karapatang ipahayag ang kanilang saloobin.
Pinasalamatan din ng Daniel ang mga kasamahan sa industry na kasama nilang nananawagan na mabigyan ng second chance ang ABS-CBN.
"Sa mga kasamahan ko sa industry, sa mga kapwa ko artista, mga empleyado, mga sumuporta, nais ko pong magpasalamat sa inyo. Maraming salamat at kasama n'yo ako sa panawagang ito."
Hindi rin pinalagpas ng well-loved Kapamilya love team na makapagbigay mensahe sa National Telecommunications Commission na s'yang nag-issue ng cease and desist order sa ABS-CBN last week, dahilan upang mamaalam ito sa ere.
"Sa NTC, mga kapatid, sana ho 'yong mga ginagawa n'yong desisyon ay hindi para sa interes ng ilan," ani Daniel. "Ang desisyon na ginagawa n'yo ay para sa ikabubuti nang mas marami."
"Nananawagan po ako sa mga kinauukulan, na sana, bigyan na natin ng atensyon 'yong mas kailangan, 'yon pong mas nakakabuti para sa nakakarami," sey naman ni Kathryn.
Sa huli, binalingan ng dalawa ang publiko sa kani-kanilang video.
"Huwag ho nating kalimutan ang pagiging makatao," pahayag ni Daniel. "Buksan ho natin ang puso natin sa pinagdadaanan ng iba. Buksan natin ang mata natin sa katotohanan. Mas mainam pa ang maging bulag sa nagbubulag-bulagan."
Nanawagan naman si Kathryn ng dasal upang maging maayos ang lahat.
"Samahan n'yo po kaming magdasal na sana maging okay na ang lahat, na sana matapos na ang lahat ng ito. At sana maayos lahat sa tamang proseso at magpag-usapan nang maayos.”
Panoorin ang kabuuan ng pahayag ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dito: