KathNiel, nanakit ng damdamin

KathNiel, nanakit ng damdamin

Nabulabog ang buong SM Megamall sa kagabi (August 28), nang dumagsa ang mga KathNiel (uniname ng magka-loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) fans para saksihan ang pagdalo ng on-and-off-screen lovers sa tinaguriang world premiere ng pelikula nilang The Hows Of Us, na una sa apat na huling pelikulang idi-direk ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema bago siya mag-early retirement.

 

Mag-a-alas-otso na nang dumating sina Kathryn at Daniel sa Megamall at mahigit kalahating oras bago sila nadala sa Cinema 1 sa third floor ng mall, kung saan isinagawa ang screening. Ito ay dahil na rin sa kapal ng mga taong nais makitang saglit sa personal ang KathNiel.

 

Sa maikling programa sa labas ng sinehan bago simulan ang screening, mahigpit na nagpasalamat ang magka-loveteam sa mainit pa ring suporta sa kanila ng kanilang mga fans. At bago pumasok ng sinehan ay sinabi ni Daniel na: “Tara na po tayong manood at masaktan.”    

 

Ang The Hows of Us—na pang-anim na pelikula ng Kathniel since 2013—showed a more mature side of the loveteam as it tackled several layers of pain inclusive in an intimate relationship.   

 

Matapos ang screening, nag-iiyakang lumabas ang mga tao at halos iisa ang reaksyon, na tama ngang masakit ang pelikula pero sagana pa rin sa kilig moments na tatak-KathNiel.

 

Inaasahang mahihigitan pa ng The Hows of Us ang success sa takilya ng 2017 KathNiel hit na Can’t Help Falling in Love.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.