Katrina Llegado, tuloy ang laban sa na-postpone na Reina Hispanoamericana sa Bolivia

PHOTOS: @katllegado on Instagram

PHOTOS: @katllegado on Instagram

Matapos maudlot patungong Bolivia noong nakaraang taon, tuloy na tuloy na ang laban ng pambato ng Pilipinas na si Katrina Llegado sa beauty pageant na Reina Hispanoamericana. 

Matatandaang na-postpone ang nasabing international beauty pageant, na natakada noong November 9, 2019, dahil sa post-election violence sa nasabing bansa. 

Nasa byahe na noon si Katrina nang i-anunsyo ng Miss World Philippines Organization na syang may hawak ng pageant franchise na hindi na muna idadaos ang beauty competition. 

Sa halip, dumiretso na lamang ang Pinay beauty queen sa kanyang pamilya sa Canada habang naghihintay ng abiso mula sa Miss World Philippines Organization at sa pamunuan ng Promociones Gloria ng Bolivia. 

At nito ngang Sabado, January 4, 2020, inanunsyo ng Aces & Queens, ang pagaent training camp ni Katrina, sa kanilang Instagram post na tuloy na ngayong taon ang laban ng dalaga. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aces & Queens (@aces_and_queens) on

Naka-schedule na ang pageant at ang coronation night na gaganapin sa February 8. 

Si Katrina Llegado ang ikatlong kinatawan ng Pilipinas para sa Reina Hispanoamericana.

Taong 2017 nang masungkit ni Wynwin Marquez ang Reina Hispanoamericana crown. Sya ang pinakaunang pambato ng Pilipinas sa nasabing patimpalak, na naging kauna-unahang Pinay at non-Latina na nakapag-uwi ng korona mula sa Bolivia. 

Nawa'y maiuwi mo rin sa Pilipinas ang korona, Katrina!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.