Kung s’ya daw ang masusunod ay gustong-gusto ni Kaye Abad na magbalik-showbiz at maka-arte na uli sa harap ng camera.
Iyan ang sinabi n’ya nang mag-guest s’ya kagabi, April 21, sa Kapuso online show na Just In hosted by Paolo Contis na naging co-star n’ya decades ago sa ABS-CBN show na Ang TV at Tabing-Ilog.
Noong 2019 pa huling napanood ang aktres sa Kapamilya series na Nang Ngumiti ang Langit. Ngayon ay naka-base na s’ya sa Cebu with her businessman and former actor husband na si Paul Jake Castillo at ng three-year-old son nilang si Joaquin.
Sa kanilang online tsikahan ay natanong ni Paolo ang aktres kung may pagsisisi ba s’ya na pumasok s’ya sa showbiz during her teenage years.
“Wala kasi I started not so young not like you,” tugon ni Kaye kay Paolo. “I started [in showbiz when I was] 13 already so wala ako masyadong na-miss. Nakapaglaro pa rin naman ako with my friends sa village, ‘yong mga ligo-ligo sa ulan. No regrets at all.”
Naging balanse din naman daw ang showbiz career noon ni Kaye sa kanyang personal life kaya wala naman daw s’yang regret sa pag-aartista.
“Pati ‘yong career path [ko] gradual,” lahad n’ya. “Hindi ‘yong super sikat. Hindi naman ‘yong walang trabaho. So swabe s’yang tumakbo. Hindi katulad nu’ng iba na nag-start pa lang sikat agad tapos bumagsak, nag-struggle. Wala akong regret sa tinakbo ng career ko at sa showbiz [life ko].
Natanong din ng Kapuso actor kung naiisip ba ni Kaye na bumalik sa pag-arte.
“Gusto ko,” tugon ng aktres. “Gustong gusto kong bumalik pero ang hirap.”
Ngayon daw kasi ay nagbago na ang priority n’ya at ‘yon ay ang kanyang pamilya.
“Right now, bago ako mabuntis… Hindi, hindi. I think, buntis na ako nu’n. I just found out na I was pregnant and then nag-text ang handler ko. May offer sila na soap opera. Maganda ang role… Maganda lahat. [Kaso] hindi p’wede [kasi] buntis na ako,” paliwanag n’ya.
“Priority ko talaga ngayon is family muna, makabuo ng family ‘cause kung magtatrabaho ako ng full time, let’s say I would stay there [in Manila] ng mga three months the most... Hindi naman ako
mabubuntis sa Maynila nang wala ang asawa ko,” dagdag n’ya.
“Hindi natin masasabi,” natatawang pagbibiro ni Paolo na ikinatawa na rin ni Kaye.
Sakay naman ni Kaye sa biro ni Paolo, “Baka sa iba?”
“Hindi natin masabi,” muling sagot ng aktor.
“Hindi talaga p’wede,” diin pa ni Kaye. “So sabi ko, kung para sa akin talaga ‘tong showbiz makakapaghintay naman sila.”
Sa ngayon ay hindi daw s’ya payag na mag-artista ang kanyang anak.
“Ngayon ayoko,” pahayag ng pregnant celebrity mom. “Siguro kapag medyo [nagkaisip] na sila, kung gusto talaga nila ha. But hindi ko sila ipipilit. Kung gusto talaga nila, sige, kapag mga tipong 13 o 14 [years old] na. Pag ganu’n na siguro.”
Pagre-recall pa n’ya, maging s’ya daw noon ay hindi rin nagustuhan ang pag-aartista nu’ng nagsisimula pa lang s’ya.
“Dati kasi ayoko talaga [mag-artista] dahil ‘yong oras ng trabaho,” pag-amin ni Kaye. “Pero ngayon nagbago naman na so I guess kung gusto talaga n’ya hindi ko s’ya pipigilan.
“Tsaka sayang din ‘yong kikitain n’ya, ‘di ba? Pantulong din [‘yon] sa mga pagkain sa bahay, pambayad sa kuryente,” natatawang sabi n’ya kay Paolo.
Pagpapatuloy n’ya, hindi naman daw kasi talaga madali ang pag-aartista.
“Kasi aminin na natin ang show business nakakabaliw s’ya. So mahirap,” sey ni Kaye.
“Lagi ko sinasabi sa mga gustong mag-artista, it’s not all about fame. It’s not all about earning money,” lahad pa ng aktres. “Kasi pag nagtatanong [ako], ‘Bakit mo gusto mag-artista?’ [Sinasagot sa akin],‘Kasi gusto ko pong makatulong sa pamilya ko.’ Hindi lang ‘yon ganu’n, ‘di ba? Laging ganu’n [kasi ‘yong iniisip ng iba].
“Sabi ko talaga, kung hindi mo gustong umarte, wala kang patience, you will not survive. Hindi ka magtatagal kasi mahirap mag-artista. Kasi akala nila masarap ‘yong fame. Akala nila ‘yong pag-arte madali lang. Hindi s’ya madali.”
Napapalakpak naman si Paolo sa mga sinabi ni Kaye. Naiinis daw kasi ang aktor sa mga gustong mag-artista na ang tanging dahilan ay gustong makatulong sa pamilya. Though wala naman masama doon pero dapat matutuhan nila ang tamang pag-arte.
“Kung gusto n’yo mag-artista, make sure you love to act. You study. Pag-aralan mo ‘yong pag-arte,” pag-sang-ayon ni Paolo sa mga sinabi ni Kaye.
“Hindi madali ‘yong ginagawa namin. Kung gusto n’yo makatulong sa pamilya n’yo, magtrabaho kayo. May ibang ways. Kasi feeling ng mga tao easy money ang showbiz, e.”
Sagot naman sa kanya ni Kaye, “Totoo kasi ako, nag-start ako sa Ang TV. Magkano ang kinikita ko? Eight hundred [pesos] every Saturday. So ako pa magbayad sa gas. Ako pa magbayad sa damit ko. Ako pa mag… Wala. Minsan wala kang kikitain. Hindi madali [ang pag-aartista].”
YOU MAY ALSO LIKE:
Claudine Barretto, inilarawan kung gaano ka-protective at ka-supportive ang kanyang Ate Gretchen
Showbiz returnee na si Cristina Gonzales, may payo sa younger generation of actors
Pika’s Pick: Rhian Ramos marks 15th year as Kapuso by signing contract anew with the GMA Network
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber