Kaye, hindi na raw nagtaka sa desisyon ni John Lloyd na talikuran ang showbiz

PHOTOS: Melo Balingit & johnlloydcruztm on Instagram

PHOTOS: Melo Balingit & johnlloydcruztm on Instagram

Sa Cebu na nakatira ngayon ang mahusay na home-grown actress ng ABS-CBN na si Kaye Abad mula nang ikasal ito kay ex-PBB housemate/businessman Paul Jake Castillo noong December 2016. Their first born, Joaquin, is now one year old.

Pero ayon kay Kaye, na-miss daw niya nang husto ang pag-arte kaya naman after three years of absence sa mga teleserye (she was last seen in Two Wives in 2015), kabadong nagbabalik si Kaye sa dramahan via the ABS-CBN afternoon prime, Nang Ngumiti Ang Langit, kung saan gaganap siyang nanay ng bidang batang si Sophia Reola.

Supportado naman daw ng kanyang businessman husband ang desisyon niya. In fact, ito pa nga raw ang laging nagtatanong sa kanya kung hindi ba niya name-miss ang pag-arte. Kaya nang magkaroon ng chance, Kaye grabbed it.

“Kinain ko rin ang sinabi ko no’ng araw na once mag-asawa ako, hindi na ulit ako mag-aartista,” natatawang sabi ni Kaye. “Pero nakaka-miss pala. Siguro dahil ito talaga ang hilig ko.”

Fifteen days lang daw ang hiningi sa kanyang taping days ng ABS-CBN kaya lumuwas muna sila ng anak niya dito sa Manila para tapusin ang commitment at babalik na ulit sa Cebu na itinuturing na niyang hometown ngayon until magkaroon ulit ng offer na magugustuhan niya.

“Ito kasing role ko dito kahit maigsi, markado siya,” esplika ni Kaye. “Hindi naman ako pinalabas na parang batang version of someone or matandang version…”

Nakausap ng pikapika at iba pang members of the press si Kaye sa grand media conference ng Nang Ngumiti ang Langit na ginanap sa ABS-CBN last March 19. And in the same event, hindi na rin pinalagpas ng press ang chance para hingan ng reaksyon si Kaye tungkol sa dating niyang ka-loveteam at saglit na naging kasintahan na si John Lloyd Cruz na on hiatus sa showbiz ngayon at balitang sa Cebu na rin nakatira sa piling ng girlfriend nitong si Ellen Adarna, na incidentally ay kaibigan naman ng asawa ni Kaye na si Paul Jake.

Pero bigo ang mga press na humingi ng update about Lloydie (palayaw ni John Lloyd sa showbiz), dahil maging si Kaye daw ay never pang nagka-chance na maka-encounter ang dating Tabing-Ilog ka-loveteam niya sa Cebu.

“Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami. Kasi, maayos na ang mga buhay namin,” biro pa ni Kaye.

Matagal na raw silang walang communication ni Lloydie. In fact, sa pagkakatanda niya, si Angelica Panganiban pa ang girlfriend ni John Lloyd no’ng huli niya itong makausap. Kumbaga, na-lose track na nila ang isa’t isa at walang nag-i-inititate para ma-open muli ang line of communication between them, which is mukang okay lang kay Kaye kahit hindi na dahil may kanya-kanya naman na silang buhay.

Pero bilang matagal nakasama ni John Lloyd, natanong si Kaye kung ikinagulat ba niya ang desisyon ni JLC (isa pang nickname ni John Lloyd), na talikuran indefinitely ang showbiz in favor of love and quitter life?

“Hindi,” iling ni Kaye. “Hindi ako nagulat. Kasi alam ko, parang nakikita ko, before pa…noon nag-uusap kami, alam ko na siya ’yong tipong pag okey na siya, anong tawag dito? ’Yong [pag] ready na ba siya…pano ko ba explain?

“...Na hindi ito ’yong gagawin niyang pang-kabuhayan—ang show business. Kumbaga, naka-ipon na siya, gagawa siya ng sarili niyang business. Hindi ’yong pag-aartista ’yong gagawin niyang source of income.” 

In Nang Ngumiti ang Langit, Kaye will be joined by seasons actors RK Bagatsing, Cristine Reyes, Enzo Pineda, Pilar Pilapil, Ces Quesada, Matet de Leon, and Keempee de Leon; along with child stars Heart Ramos, Miguel Vergara and Krystal Mejes. The afternoon drama series, directed by M Reyes and Marinette Natividad-de Guzman, premieres on Monday, March 25.

Here’s an excerpt of Kaye’s interview:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matteo urges Pinoys to be more appreciative of soldiers

Celebrity colleagues and fans can't get enough of the Angel-Neil engagement

Regine Velasquez pokes fun at herself with a hilarious tweet

Local LGBTQ+ Films to Binge Before The End of Pride Month!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.