KC Concepcion, naiyak matapos ang first dinner date nila ng daddy niyang si Gabby Concepcion after lockdown

PHOTOS: @concepciongabby (L) & @itskcconcepcion (R) on Instagram

PHOTOS: @concepciongabby (L) & @itskcconcepcion (R) on Instagram

Nagkita, for the first time after several months of lockdown, ang mag-amang Gabby at KC Concepcion, last November 17.

Sa Instagram Story ni KC on the said day, sinabi n’yang meron s’yang ka-date. 

And it turned out na ang Daddy Gabby pala n’ya ang sinasabi n’yang ka-date matapos nilang hindi magkita ng ilang buwan dahil nga sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa COVID-19 pandemic. 

Belated celebration din daw nila ito para sa birthday ni Gabby who turned 56 last November 5. 

“Look, it's my papa!” sey pa ng singer-actress sa kanyang IG Story. “Oh my gosh! I haven't seen you since, like, before lockdown! I love you!”

 “I know,” tugon naman ni Gabby sa kanya. “And here we are walking down the street. I love you too. Now we're just here together walking down the street of Makati.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by elgie (@elgiezua)

Sa 24 Oras naman kagabi, November 19, ikinuwento ni Gabby na naiyak daw ang kanyang panganay na anak nang kailangan na nilang mahiwalay para umuwi. 

Kumain kami sa restaurant,” paglalahad ng aktor sa interview n’ya with Lhar Santiago. “Tapos naawa ako sa kanya. Pauwi na kami ayaw n’ya akong bitawan. Ayaw n’ya akong pauwiin.

Nagkita kami, I think, mga past seven [PM] hanggang alas dose kami nagkasama. Umiyak dahil ayaw n’ya akong iwanan. Naawa naman ako.

Sabi pa ni Gabby, p’wede naman daw sila uli silang magkita sa susunod. 

Sabi ko, we could see each other anytime. I’m just a text away.”

Samantala, excited na ang Kapuso actor na makatrabaho sa upcoming soap opera na First Yaya ang aktres na si Sanya Lopez na sa Zoom pa lang daw n’ya nakilala. 

Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya,” pahayag ni Gabby. “Malaki ang fan base n’ya. At gusto ko makarating sa kanyang mga fans na I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo and it will be a surprise. 

Hindi ko pa s’ya nakikilala in person,” pag-amin pa n’ya. “Okay naman s’ya sa Zoom. Maganda naman ang energy na nakikita ko so I’m excited.”

Sa ngayon ay naghahanda na daw si Gabby para sa kanilang 15-day lock-in taping na matatapos bago mag-Pasko. 

And speaking of Pasko, may Christmas plan na din daw ang aktor. 

“First time ko lang mase-celebrate ang Christmas dito… First time namin mae-experience dito lang sa bahay since 2008. So iba rin s’ya. [It’s] something new din,” pagtatapos ni Gabby.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

KC Concepcion on her parents Sharon and Gabby: “I just want them to feel na worth it naman na nagka-ako.”

Gabby Concepcion promises “to always be here for” daughter KC

Pika's Pick: KC Concepcion pays tribute to her Papa Gabby Concepcion and Dad Kiko Pangilinan in separate touching posts

Sanya Lopez replaces Marian Rivera in “First Yaya”; thankful for first primetime starring role 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.