KC Concepcion on her parents Sharon and Gabby: “I just want them to feel na worth it naman na nagka-ako.”

SCREENSHOT: TV5 Philippines on YouTube, @reallysharoncuneta on Instagram

SCREENSHOT: TV5 Philippines on YouTube, @reallysharoncuneta on Instagram

Nagpaunlak ng interview si KC Concepcion sa bagong show ng TV5 na Usapang Real Life hosted by Ms. Luchi Cruz-Valdes, kung saan siya ang naging first guest sa pilot episode nito. 

Sa new show ng Kapatid Network na nag-premiere last August 15, sinagot ni KC ang mga kinasangkutan niyang controversies nitong mga nakaraang buwan, kabilang ang ilang issues na may  kinalaman sa ilang mahal niya sa buhay

Kagaya ng kanyang pananahimik umano habang may online word war ang sister na si Frankie Pangilinan laban sa mga bashers at ang paglalabas ng kanyang mommy Sharon Cuneta ng mga saloobin sa social media. 

Napag-usapan din sa show ang mga ginawa n’ya para labanan ang pangungulila during the lockdown, ang napabalitang kagustuhang na niyang maging nanay, at maging ideal father para sa kanyang mga magiging anak. 

Unang sinagot ni KC sa online interview ang tungkol sa kanyang panig matapos nga ma-bash sa social media ang kanyang kapatid sa ina na si Frankie these past weeks. Naging vocal kasi ang younger sister ni KC sa kanyang stand against rape, patikular ang victim-blaming culture, at iba pang human rights violations. 

Ani KC, mahalaga ang proper timing kapag sumasali sa mga online discussion regarding national issues.

“I speak once, I will have to speak a lot so I'm very careful about the timing when I come in,” pahayag n'ya.

Gayunpaman, proud ate daw ang aktres sa katatagan ng loob ng kanyang kapatid sa pagharap sa issue despite her young age. 

“For now, Frankie has able to handle herself,” pagpapatuloy n'ya. “She’s very outspoken. She has her parents to protect her. And you know, I’m proud of her. 

“I'm proud of her opinions, that she has to protect herself. I think that she has many more years to go to learn about life and people and herself. And yet, I'm glad that she was able to handle it and protect herself so that’s an important skill to have in life.”

Kung may pinaka nasaktan man daw sa nasabing issue, ’yon ay ang mommy nilang si Sharon Cuneta. 

Matatandaang makailang-ulit na binuweltahan noon ni Megastar ang Netizen dahil sa masamang banta diumano nito sa kanyang anak. Kaya naman natanong si KC kung ano ang kanyang naramdam para sa kanyang mommy Sharon that time. 

“As a family, we go through many things,” patuloy na paliwanag ni KC. “I’m not a mother yet so I will leave it up to her because she's the one who knows the feeling of a mom.”

She went on: “I'm not a mom yet. But we all as her children go through many kinds of pain. And so the role of a mother is very important on how she protects her children.”

And speaking of a mother, inamin ni KC na at this point of her life ay gusto na din n’ya maging nanay and she has been praying for it.

“I’d love to be a mom already. Actually, that's one of my prayers,” pagsisiwalat ng singer-actress. “May mango tree nga dito niyayakap ko. Apparently, 'yong mango tree na 'yon...magical ang mango tree na 'yon. Kapag may hiniling ka ibibigay sa'yo. Araw-araw ko na yata kung yakapin 'yang mango tree na 'yan kasi gusto ko na din magka-baby, magka-anak. 

"I mean... I don't know if this is okay to say, pero I would love to experience being a mother. I know that it will be my greatest passion of all, to be the best mom that I can be... 

“I'm an ate kasi. 'Yong feeling lang na I can see how other mothers are in my life. I take the good and I want to be like that when it comes to my own children.” 

Natatawang dagdag pa n'ya: “Yayakap na naman ako sa mango tree after nitong interview. Marami na naman akong hihilingin.

(Nasa isang private farm resort/spa si KC habang ka-Zoom interview siya ni Miss Luchi Cruz-Valdes.)

Since she wants to settle and have a family of her own, natanong si KC kung ano ang kanyang ideal father para sa kanyang future children. 

Dito, hindi na nagpaka-choosy pa ang aktres at sinabing basta 'yong masasandalan daw n'ya sa lahat ng oras. 

“I don't know,” tugon ng celebrity-vlogger. “Whoever God gives, you know. We can't choose everything in life. We can't have it all, you know. But if you have enough faith in God and you have enough faith that you know you've been a good person, no matter what package that is... 

Kasi may mga na-date po ako na perfect package. Meron po akong mga nakilala na perfect on paper pero hindi n'yo po masandalan. Alam n'yo 'yon? I really want someone na masasandalan ko, who can really focus on my future family. Kasi I would love to, alam n'yo 'yon, take a new role in life. So hopefully...”

At dahil mag-isa lang s'ya nang magkaroon ng lockdown due to COVID-19 pandemic, inamin ni KC na nakaramdam s'ya lungkot at pangungulila. Kaya pala naging abala s'ya sa pakikipag-chat and video calls sa kanyang mga kaibigan and fans at maging ang pagbibigay ng donation sa mga affected families. 'Yon daw ang naging paraan n'ya para labanan ang lungkot.

“In a way, nangailangan din ako ng tulong, sa emotional naman,” pag-amin ng dalaga. “'Yong parang kailangan ko ng kausap, kailangan ko ng kasama, kailangan ko may masandalan. And wala ako no'n. So, naka-feel ako ng sense of lack and sense of helplessness. Kung sila, physical na food ang p'wede mong ibigay, e di ibibigay ko na. E, kaya naman.

At dito na nga ibinahagi ni KC ang ugat diumano ng nararamdaman n'yang loneliness. 

Ang mama ko kasi, she's a wonderful, wonderful woman,” paglalahad n'ya. “My gosh, I'm her number fan. When I watch her sa concert sobrang manghang-mangha pa rin ako. She has her own family. My papa also has his own family. They are both married. They both have children with their husbands and their wives. 

“And I think, something na usapang real life, for me, ako lang kasi 'yong nag-iisang anak nila na silang dalawa,” pagpapatuloy pa ng aktres. "So, meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin. Gusto ko may gagawin ako na ikaka-proud nila."

At this point, naging madamdamin si KC at hindi na napigilang mapahula habang nagkukuwento.  

"Ah... Naiiyak ako. Gusto ko lang na maging proud sila sa akin. And mahirap kasi ’yong... Wow! Naiyak ako...Mahirap kasi 'yong may family ang mommy ko, may family ang papa ko. Mga kapatid ko hindi magkakapatid. So 'yong sister ko, hindi n'ya sister 'yong isa ko pang sister. Parang nag-iisa lang ako sa box na 'yon. So para gusto ko lang na proud sila. 'Yon lang. Sobrang simple ang ng hangad ko sa buhay. 

“It's a different family set up. Kasi ’yong concept ko ng family is different ng concept of family ng mga kapatid ko. So may complications 'yong mga ganu'n. 

Pero ngayon kasi kaya ko ng pag-usapan ang ganito kasi [nasa] 30s na ako. Open na ako about that. I just want na hindi sila mag-regret na nagka-ako. 'Yon. Kasi ang bata pa nila noon, e, when they had me, e. Hindi ko alam kung ready sila no'ng time na 'yon. Baka hindi. 

“I just want them to feel na worth it naman na nagka-ako,” pagtatapos ni KC.

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Kung hindi naghiwalay, plano palang bigyan noon ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng maraming kapatid si KC

KC Concepcion’s fans are shipping her to Fil-Am celebrity chef, Jordan Andino

Pagkukumpara sa kanila ng ate niyang si KC Concepcion at pag-uugnay pa rin sa nanay niyang si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kini-kibit-balikat na lang ni Frankie Pangilinan

KC Concepcion reveals previous diagnosis of polycystic ovary syndrome that halted her from accepting TV offers

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.