Kelley Day, dinidipensahan ng mga nanggagalaiting Pinoy pageant fans amidst COVID-19 positive rumors sa Egypt

PHOTO: @itskelleyday on Instagram

PHOTO: @itskelleyday on Instagram

Ipinagtanggol ng mga Pinoy pageant fans ang pambato ng bansa sa Miss Eco International pageant na si Kelley Day matapos pumutok ang isyu na nag-positive diumano sa COVID-19 ang ilang kandidata sa katatapos lang na patimpalak sa Egypt.

Kasunod ito sa naging bwelta ni Miss Peru national director Jessica Newton sa kanyang naging Instagram stories laban sa pamunuan ng pageant. Itinuloy daw kasi nila ang patimpalak kahit na alam daw nilang may ilang kandidata na ang nagpositibo sa COVID.

Direkta din n’yang pinangalanan si Kelley na isa sa mga tinutukoy n’yang kandidatang COVID positive at bilang patunay ay ipinost pa n’ya ang test result ng Pinay beauty queen sa IG story kahit confidential ‘yon. Hindi rin malinaw kung verified ba ang result na nakuha n’ya at kung paano s’ya nagkaroon ng access dito. 

Nanggagalaiti naman ang mga Pinoy fans sa ginawa ni Newton dahil tila ang naging interpretasyon ng ibang lahi ay si Kelley ang nag-spread ng virus sa kanyang mga nakasalamuha during the pageant. Tanging ang test result lang kasi ng Pinay beauty queen ang isinapubliko ng Peruvian pageant director.

Sigaw nila sa social media, harassment daw ang ginawa ni Newton dahil mukhang walang pahintulot mula kay Kelley ang pagpo-post n’ya ng confidential information online. 

SCREENSHOT: @titasofpageantry on Instagram
SCREENSHOT: @titasofpageantry on Instagram
SCREENSHOT: @titasofpageantry on Instagram
SCREENSHOT: @titasofpageantry on Instagram

Kalaunan ay idinelete ‘yon ni Newton sa kanyang IG story.

Pambabatikos din ang inabot ng Miss World Philippines organization under Arnold Vegafria. Sa inilabas daw kasi nilang official statement, sinabi nilang “topmost priority” nila si Kelley pero ang ikinagagalit ng mga fans ay hindi man lang daw sila humingi ng accountability mula sa Miss Eco International organization. 

Marami ang humiling na i-drop na ni Vegafria ang franchise ng Miss Eco International dahil sa naging kapabayaan nito na naglagay ngayon sa health and safety ng mga kandidata sa panganib.

SCREENSHOT: @msworldphil on Instagram
SCREENSHOT: @msworldphil on Instagram
SCREENSHOT: @msworldphil on Instagram

Tila “walang pangil” din daw ang statement ng kampo ni Vegafria kumpara sa ginawa ng ilang national directors mula sa Japan, Thailand, at Peru na nag-drop na daw ng franchise at hindi na magpapadala pa ng kanilang kinatawan sa Egypt sa susunod na edition ng beauty pageant.

SCREENSHOT: @jessicanewtonoficial on Instagram

Sa naging pahayag naman ng Miss Eco International organization kahapon, April 6, sinabi nilang masyadong pinalaki ang issue at akusasyon sa kanila. Inaasikaso din daw nila ang mga kandidatang nasa Egypt pa rin magpa-hanggang ngayon.

“All accusations made publicly against us may have taken out of proportion. We are trying our best to coordinate with everyone. Including the ladies who are still here in Egypt.

”And we have fulfilled our duties as we promised. And we're taking a good care of all our infected queens.”

Nagpasalamat din sila sa mga national directors at kandidata sa kanilang pang-unawa.

“We thank all our national directors and candidates for their support and understanding,” pagtatapos ng Miss Eco International organization.

 

Miss Eco International Organization will ensure the safety of all our candidates. All accusations made publicly...

Posted by Miss Eco International on Tuesday, April 6, 2021

As of this writing ay wala pa ring statement na inilalabas si Kelley tungkol sa kanyang lagay ngayon sa Egypt kung saan s’ya nanalong Miss Eco International first runner-up noong April 4.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Binibining Pilipinas 2020 candidate Maureen Montagne declines Miss Eco International 2019 crown and title

Miss World Philippines Organization head Arnold Vegafria expresses disappointment after Maureen Montagne declines the Miss Eco International crown

Beauty queen-turned-actress na si Thia Thomalla, pinupuntiryang makuha ang Miss World crown?

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.