Kelley Day, maayos ang lagay sa Egypt pero hindi pa daw makakauwi sa Pilipinas

PHOTO: @itskelleyday on Instagram

PHOTO: @itskelleyday on Instagram

Maayos daw ang kalagayan ng Pinay beauty queen na si Kelley Day sa kabila ng isyu na nag-positive daw s’ya sa COVID-19 at ilang kandidata ng Miss Eco International sa Egypt. 

Tiniyak ito ng kampo ng film producer at talent manager na si Arnold Vegafria na s’ya ring national director ng Miss Eco Philippines. 

Sa inilabas nilang bagong statement ngayong hapon, April 8, sa social media, sinabi nilang maayos ang kalagayan ng Miss Eco International First Runner-up na naghihintay sa resulta ng kanyang RT-PCT test.

“We are happy to announce that Miss Kelley Day is doing okay healthwise, and is currently awaiting the result of her RT-PCT test, which should yield more conclusive results,” pahayag ng kampo ni Vegafria. 

Hindi pa rin daw makakauwi ang Kapuso actress-turned-beauty queen dahil wala pang byahe ng eroplano pabalik sa Pilipinas dahil ongoing pa ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na probinsya dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. 

“However, she can’t fly back to Manila just yet, since there are no available return flights so far because of the ongoing ECQ lockdown.”

Dagdag pa nila, “In the meantime, she remains safe and secure in her hotel where she is enjoying extended vacation, at the same time getting adequate attention to ensure her total wellness under the auspice and care of the Miss Eco International organizers.” 

Naging sentro ng kontrobersya ang beauty pageant nitong mga nakalipas na araw matapos mag-reklamo si Miss Peru national director Jessica Newton sa kanyang Instagram stories dahil itinuloy daw ng Miss Eco International organization ang contest kahit alam nilang COVID-19 positive na ang ilang kandidata. 

Na-highlight din si Kelley sa isyu dahil inilabas ni Newton ang medical record ng Pinay beauty queen sa IG story nito kahit na confidential ‘yon at naglalaman pa ng Personal Identifiable Information (PII). Nagmukha tuloy na si Kelley ang nag-spread ng virus sa kanyang mga nakasalamuha sa Egypt.  

Ikinagalit naman ng Pinoy pageant fans ang ginawa ng Peruvian national director, ang kapabayaan ng Miss Eco International organizations, at ang “kawalan ng pangil” ng naunang pahayag ng Miss World Philippines organizations.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Binibining Pilipinas 2020 candidate Maureen Montagne declines Miss Eco International 2019 crown and title

Miss World Philippines Organization head Arnold Vegafria expresses disappointment after Maureen Montagne declines the Miss Eco International crown

Kelley Day, dinidipensahan ng mga nanggagalaiting Pinoy pageant fans amidst COVID-19 positive rumors sa Egypt

Pika’s Pick: Kelley Day grabs the National Costume Award at the Miss Eco International pageant in Egypt; says recognition makes her “more proud to be representing the Philippines.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.