Kelvin Miranda, 'di maka-move sa huling role kaya nagpa-kalbo

PHOTO: @TheLostRecipeGTV on Facebook & @iamkelvinmiranda on Instagram

PHOTO: @TheLostRecipeGTV on Facebook & @iamkelvinmiranda on Instagram

Nagsa-struggle daw para maka-alpas sa kanyang character as Chef Harvey Napoleon sa The Lost Recipe ang aktor na si Kelvin Miranda kaya nag-decide s’yang magpakalbo.
 
Ibinahagi ito mismo ng aktor kahapon, April 29, nang mag-guest s’ya sa morning talk show na Mars Pa More hosted by Iya Villania and Camille Prats.

Pina-kumpleto kasi sa kanya sa show ang statement na “Aaminin ko nang secretly…ay nagsa-struggle ako with ___ right now.”

Dito sinabi ng award-winning actor na magpa-hanggang ngayon ay nasa sistema n’ya pa rin si Chef Harvey na kanyang karakter sa drama show na nagtapos noong Marso. 

Sa transition ko po ng character ko [ako nagsa-struggle] para maka-out ako du’n as Harvey,” pag-amin ng 22-year-old Kapuso star.

“Actually, hanggang ngayon nananagip pa rin ako ng puro competition. Cook-off competition ‘yong nasa utak ko. Puro pagluluto. As in, nandu’n pa rin ako,” pagpapatuloy n’ya.

Tila na-amaze naman si Mars Camille sa ginawang pag-amin na ‘yon ni Kelvin.

Paliwanag ng aktor, “Ako pa rin naman si Kelvin pero nag-struggle ako kasi parang lahat ng naramdaman n’ya [ni Harvey] nararamdaman ko, e. So parang hanggang ngayon nasa akin pa rin lahat ‘yon.

“Ang dali kasing pumasok sa character pero ang hirap alisin ‘yong sarili mo.

Komento naman ni Mars Iya sa kanyang sitwasyon ngayon, “I think na-enjoy mo masyado ang pagiging Harvey.”

Nagbagong buhay na po ako kaya ako nagpakalbo,” natatawang tugon ni Kelvin.

Speaking of “nagpakalbo,” una na itong inamin ng aktor nang matanong s’ya tungkol dito ng ka-love team n’ya sa The Lost Recipe na si Mikee Quintos. Sumalang kasi silang dalawa kamakailan sa online show na This Is Showbiz hosted by Butch Francisco and Anna Pingol.

PANOORIN ang kabuuan ng This Is Showbiz featuring Kelvin Miranda and Mikee Quintos ng The Lost Recipe dito:

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.