Kelvin Miranda, “nanginig” nang malamang magbibida sa rom-com series with Mikee Quintos; Mikee, game na raw magpakilig: “Single naman po ako. Wala namang magagalit."

PHOTOS: @iamkelvinmiranda & @mikee on Instagram

PHOTOS: @iamkelvinmiranda & @mikee on Instagram

Napasigaw at napapalakpak sa saya ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda nang ipaalam sa kanila via Zoom na sila ang bibida sa "The Lost Recipe," na bagong romantic comedy series ng GMA-7.

Last October 5 nang i-reveal sa Facebook page at Twitter account ng GMA Artist Center at GMA Public Affairs ang fresh na tambalan ng young Kapuso stars. 

K'wento ni Mikee sa online interview with Lhar Santiago na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, October 8, na-surprise daw s'ya sa announcement na s’ya ang magiging lead lady ng upcoming Kapuso rom-com series.

"I remember dapat may screen test pa po ulit last week, nu'ng Thurday, I think. Pero hindi ata natuloy so akala ko na-move lang 'yon. Hindi ko naman alam na. Haaaaaaa! Ito na yon!" pasigaw na pahayag ng 22-year-old singer-actress.

Kinarir naman daw ni Kelvin ang screen test kaya naman nanginig daw s'ya sa tuwa pagkasabing bibida s'ya sa nasabing primetime series. 

"Nag-ready talaga ako," paliwanag ng young actor. "Nagbasa ako ng script. Nakailang kape na ako. Sa sobrang preparation ko talagang wala po akong alam na napili na po talaga kami. Ngayon nakakatuwa na nakakanginig sa sobrang saya."

Pag-amin pa ni Mikee, na gumanap na rin sa ilang teleserye ng GMA gaya ng Encantadia, Onanay at The Gift, pinagdasal n'ya daw talaga na mabigyan s'ya ng rom-com project at masaya s'ya na ito na ang katurapan nu'n.

"'Yon po talaga ang pinagdadasal ko ever since and I'm happy na it's with Kelvin din," paglalahad ng Kapuso actress. "I'm excited to work with him and the whole team. First time ko pong makaka-work 'tong team na 'to. Direk Monti, eto naaaa!"

Si Kelvin naman, na napanood na noon sa afternoon drama na Madrasta at Netflix movie na Dead Kids, ay bumubuo na daw ng strategy kung anong atake ang gagawin n'ya sa kanyang magiging character. 

"Kailangan po muna na palamanan ng panonood ng ganitong klaseng project," paliwanag n'ya kay Lhar. "Sisimulan ko na ngayon manood ng mga K-dramas para malaman ko kung paano 'yong paraan kung paano nila ginagawa 'yong mga eksena."

Sey naman ni Direk Monti Parungao na hahawak sa project, hindi lang ito basta rom-com. Exciting at colorful din daw dahil nga mga cook ang characters ng mga bida. 

Gayunman, nakikita na daw nila ang chemistry sa pagitan ng dalawang Kapuso actors lalo na si Mikee na game daw sa mga nakakakilig na eksena. 

"Single naman po ako. Wala namang magagalit," natatawang pahayag ni Mike sa interview.

"Ikaw?" hamon pa n'ya kay Kelvin kung game din ba ito. 

"Ay tumahimik," mabilis n'yang komento nang medyo natagalan bago makasagot ang binata.

Reply naman ni Kelvin: "Okay lang naman sa akin kasi single din naman ako. Ayon, ready naman po."

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Mikee Quintos, inspired sa pagiging grounded ni Alden Richards

LOOK: Alden Richards pays courtesy visit to Mayor Isko Moreno!

Erich Gonzales set to lead new Kapamilya serye ‘La Vida Lena’

Viva to produce localized version of The Masked Singer on TV5

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.