Kelvin Miranda, ready nang magpa-sexy?

Naging maganda ang taong 2021 para kay Kelvin Miranda kahit pa may ongoing pandemic. Nakagawa kasi s’ya ng dalawang teleseryes, ang The Lost Recipe with Mikee Quintos at Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette katambal ang Kapamilya-turned-Kapuso actress na si Beauty Gonzalez. Maliban pa dito sa two big projects na ito ay nakapag-release pa s’ya ng single na “Slow Dance” last October.

PHOTOS: @iamkelvinmiranda on Instagram

Naging maganda ang taong 2021 para kay Kelvin Miranda kahit pa may ongoing pandemic. Nakagawa kasi s’ya ng dalawang teleseryes, ang The Lost Recipe with Mikee Quintos at Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette katambal ang Kapamilya-turned-Kapuso actress na si Beauty Gonzalez. Maliban pa dito sa two big projects na ito ay nakapag-release pa s’ya ng single na “Slow Dance” last October.

Napahalakhak na lang si Kelvin Miranda nang matanong s’ya kung game na ba s’yang magpa-sexy para mas i-level up pa ang kanyang career.

Muling pumirma ng kontrata ang aktor sa GMA Artist Center, ang talent ng arm ng Kapuso network at sa kanyang solo digital media conference, naikuwento n’ya na medyo seryoso s’ya ngayon sa pagwo-workout, specifically, sa pagki-kickboxing. 

Kaya naman na-curious ang entertainment press kung ito daw ba ay bilang paghahanda sa pagsabak niya sa pagpapa-sexy, particularly, para sa mga underwear photoshoots lalo pa’t endorser din s’ya ng isang popular clothing brand. 

Dahil dito ay hindi napigilang matawa ng Kapuso leading man. 

Siguro soon,” natatawang sagot n’ya. “Pero sa ngayon po kasi wala pa sa ganu’n [ang isip ko].”

Pero bukas daw s’ya sa possibility kaya naghahanda daw s’ya ngayon sakaling kumatok ang ganu’ng opportunity. 

Hindi po natin alam kung bibigyan tayo ng opportunity. Pero kung anuman ang...may time to prepare. Nagpe-prepare ako ngayon. Ginagawa ko ’yong mga ganitong bagay kasi sinasabi ng universe sa akin, ‘Mag-prepare ka na kasi baka may mga ganitong offer sa’yo. Para ready ka to accept,’” paliwanag n’ya.

Kung iisipin, naging maganda ang taong 2021 kay Kelvin kahit pa may ongoing pandemic. Nakagawa kasi s’ya ng dalawang teleseryes, ang The Lost Recipe with Mikee Quintos at Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette katambal ang Kapamilya-turned-Kapuso actress na si Beauty Gonzalez.

Maliban pa dito sa two big projects na ito ay nakapag-release pa s’ya ng single na “Slow Dance” last October. 

Because of this ay natanong pa ang aktor kung ano ang itinuturing n’yang highlight ng kanyang showbiz career for this year. 

Sa akin po, lahat po is tini-treasure ko sa buhay ko. Kasi kung hindi ko po kayang i-treasure ’yon, feeling ko hindi ako magiging successful as a human, hindi lang as a celebrity,” lahad n’ya. 

Kasi natutunan ko nu’ng pandemic na pahalagahan ang mga maliliit na bagay kesa mga malalaking bagay. Wala na sa aking maliit na bagay o mas malaking bagay. Lagi na lang sa akin is lahat nagma-matter. ’Yon ’yong naging realizations ko. 

Para sa career ko, feeling ko, e, ’yong mga natanggap kong blessing is sobrang treasureable naman po kasi lahat,” dagdag pa n’ya. 

At dahil naging generous ang taon na ito for him ay nakapagpundar na daw s’ya ng kotse na itinuturing n’yang essential para sa nature of work n’ya bilang aktor. 

‘Yon po siguro ’yong kotse kasi pangunahing kailangan po ’yon para sa trabaho, e,” pagtatapos ni Kelvin.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.