Ken Chan at Rita Daniela, overwhelmed sa pinakitang kabaitan sa kanila ni Coco Martin sa pagkikita nila sa airport; kabaligtaran ng naranasan nila kay Alex Gonzaga?

Sa airport daw (NAIA) nila na-meet ang ABS-CBN primetime king. Kaya nagkatawanan ang lahat pagbanggit nila ng “airport” dahil may napabalitang hindi sila magandang karanasan sa isa pang airport kamakailan na sangkot naman ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga na taga-ABS-CBN din technically.

Photos: Anna Pingol & Instagram

Sa airport daw (NAIA) nila na-meet ang ABS-CBN primetime king. Kaya nagkatawanan ang lahat pagbanggit nila ng “airport” dahil may napabalitang hindi sila magandang karanasan sa isa pang airport kamakailan na sangkot naman ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga na taga-ABS-CBN din technically.

Bago pa man ang formal launch ng mga bagong brand ambassadors ng BeautéDerm Corporation from the GMA-7 Artist Center ay napasama na sa mga pa-mall shows at store openings ng kumpanya ang limang GMA stars na sina Pauline Mendoza, Camille Prats, Sanya Lopez, at ang RitKen loveteam nina Ken Chan at Rita Daniela.

At sa mga mall shows na ito ng BeautéDerm ang nagsisilbing neutral ground para mapagsama-sama in one event ang mga ABS-CBN stars (na BeauteDem brand ambassadors din) gaya nina Carlo Aquino, Ejay Falcon, at Atayde sibling Ria and Arjo to name a few at ang mga GMA-7 stars. 

In fact, sa isa sa mga mall shows na ’yon nanggaling ang viral video kung saan kinunan sina Arjo Atayde at Ken Chan na nagkakilala kunwari pero naka-in character sila as Elai at Boyet na mga respective TV roles nila—Arjo sa The General’s Daughter at Ken sa My Special Tatay—na nasa kanya-kanyang spectrum ng autism. 

Kaya naman ng masolo ng ilang press—kabilang ang pikapika.ph— ang RitKen after ng BeauteDerm launch, ay isa ang tungkol sa mga Kapamilkya stars ang naitanong sa kanila.

Bukod daw kay Arjo, sino pa ang maituturing nilang mababait na stars mula sa Channel 2.

“Si Kuya Coco!” halos pasigaw na sabi ni Ken, na ang tinuturing ay ang FPJ’s Ang Probinyano star na si Coco Martin.

“Sobra!” agree ni Rita na katabi lang ni Ken.

Sa airport daw (NAIA) nila na-meet ang ABS-CBN primetime king. Kaya nagkatawanan ang lahat pagbanggit nila ng “airport” dahil may napabalitang hindi sila magandang karanasan sa isa pang airport kamakailan na sangkot naman ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga na taga-ABS-CBN din technically.

In fairness, mas nauna ang good experience nila kay Coco kesa sa napabalitang “isnaban” blues.

“So, nakakatuwa kasi si Sir Coco, siya ’yong unang lumapit sa amin, in fairness,” patuloy na k’wento ni Rita.

Kami ni Rita, nakita na namin si Kuya Coco...‘Lalapitan ba natin?’ Nahihiya kami!” salo ni Ken. “Nahihiya kaming lapitan si Kuya Coco kasi baka pagod siya, galing sa taping...”

“Ang sabi pa nga ni Kuya Coco, ni Sir Coco, ‘Uy, pasensya na kayo, hindi ko kayo agad nakita.,’ sabat ni Rita.

“‘Uy, idol ko kayo...’” dagdag ni Ken. “Niyapak kami tapos siya pa ang mismong nagsabi sa amin na idol niya kami...”

Si Rita ulit: “Sabi ko, ‘Sir, pa-picute po kami.’ Tapos, sabi niya, ‘Hindi ako nga dapat magpa-picture sa inyo kasi idol ko kayo.’”

Sobrang nakakatuwa!” excited pa ring k’wento ni Ken. “Ang tawag niya sa amin, Audrey and Boyet.”

Ang Audrey and Boyet ay ang respective characters nila sa nauna nilang pinagtambalan na My Special Tatay, na kahit paano siguro ay nasisilip-silip ni Coco.

Nakaka-overwhelmed kasi ’yong team po niya pa ’yong nag-post ng picture namin together,” amazed pa ring dagdag ni Rita. “Sila talaga ’yong nauna. So, nakaka-overwhelm po ’yong gano’n...Masarap makita na...”

May nagbanggit na balance naman pala ang mga experiences nila sa airport with the ABS-CBN stars—isang maganda at isang pangit, na obviously, ang mine-mean na bad experience ay ’yong napabalitang pangko-cold treatment sa kanila ni Alex Gonzaga sa Davao airport.

“Hala...” ang tanging nasambit ni Rita, sabay tingin kay Ken.

Patay malisya naman si Ken na kunwari ay walang narinig.

Nito lamang September kumalat ang balitang inisnab diumano ni Alex Gonzaga ang RitKen nang lumapit ang dalawa para magpa-picture dahil idol nila ang pagiging vlogger nito. Ang movie writer/manager na Lolit Solis ang accidentally nag-break ng news nang mag-commentary siya sa isang post niya sa Instagram about the alleged incident.

Sa comment thread of Lolit’s post ay idinenay ni  Alex na may ganoong insidente. In fact, kinamayan pa raw niya ang RitKen.

At bagama’t nilinaw din noong mga panahong iyon ng RitKen ang tungkol sa isyu ay mababakas sa mga vague na statements na pinakawalan nila that time na may naganap ngang cold treatment, kung hindi man isnaban.

On an interview, Ken said: “Actually, noong time po kasi na ‘yon, ang daming tao kasi e. Hindi namin alam kung nalilito ba siya sa paligid niya, sa mga nangyayari? 

Kahit hindi naman artista, may mga times talaga tayo na down tayo or pagod, wala sa mood. Siguro noong gabi na ‘yon na nakaharap namin si Alex, na-misinterpret siguro kasi ang dami namin doon sa lounge.”

Sa for Rita, nagka-usap daw sila ni Alex about the issue at hindi niya idinitalye ang napag-usapan nila. Ganu’n pa man, she didn’t judge Alex daw. 

“Hindi naman, we don’t judge someone naman dahil lang sa isang action ng isang tao,” say ni Rita sa mga interviews that time.

Back to present, tinanong ang RitKen kung na-trauma ba sila sa “second airport incident?”

“Hindi. Wala,” mabilis na sagot ni Ken. “Wala namang dapat maging gano’n...ang tinuro kasi sa akin—ako ang tinuro sa akin ni Kuya Germs— ang tinuro sa amin, na kahit na ibang network, batiin. Kasi iisa lang ang industriya natin at makaka-trabaho mo ’yang mga ’yan.’”

Ang tinutukoy ni Ken ay ang discoverer at first manager niyang si German Moreno.

“So, walang dahilan para hindi pansinin o magkanya-kanya tayo,” patuloy na esplika ni Ken. “Maganda nga laging makapag-usap-usap...sabi nga namin ni Rita, sana magkaroon ng isang event na magsasama ’yong network, ’yong ABS [CBN] saka GMA-7, lahat ng artista party lang...Philippine [showbiz] industry...na sana wala ng rivalry, wala ng gano’n.”

Well, sana nga.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.