Ken Chan, masayang katambal si Bianca Umali; RitKen tandem nila ni Rita Daniela, buwag na nga ba?

Masaya daw sila ni Rita Daniela, ayion kay Ken Chan, kahit na hindi na sila ang magka-loveteam. Aniya, patuloy nilang sinusuportahan ang isa’t isa kahit na hindi na sila ang magkatambal.  “We’re very happy para sa isa’t isa. Happy ako na nakagawa s’ya ng mga projects kahit wala ako and ganu’n din s’ya sa akin.”

PHOTOS: @akosikenchan on Instagram

Masaya daw sila ni Rita Daniela, ayion kay Ken Chan, kahit na hindi na sila ang magka-loveteam. Aniya, patuloy nilang sinusuportahan ang isa’t isa kahit na hindi na sila ang magkatambal. “We’re very happy para sa isa’t isa. Happy ako na nakagawa s’ya ng mga projects kahit wala ako and ganu’n din s’ya sa akin.”

Feeling blessed and thankful ang aktor na si Ken Chan ngayong bibida s’ya sa second season ng Mano Po Legacy series entitled 
“Her Big Boss.” kung saan katambal n’ya si Bianca Umali.

Masaya daw si Ken na mapabilang sa stellar cast ng serye at maging ka-love team ni Bianca na tiyak ay na makapagbibigay ng panibagong flavor sa mga manonood. 

Kaya naman sa virtual media conference ng kanilang upcoming primetime series ay natanong ng press ang versatile actor kung nangangahulugan ba ito na buwag na ang RitKen tandem nila ng singer-actress na si Rita Daniela.

Kung matatandaan kasi, tinangkilik ng mga manonood ang naging tambalan nila ni Rita sa mga teleseryeng My Special Tatay (2018), One of the Baes (2019), at Ang Dalawang Ikaw (2021). Nagkasama rin sila sa MMFF 2021 movie entry na Huling Ulan sa Tag-Araw at co-hosts sa singing competition na The Clash.

Pagtatapat ng aktor, noon pa naman daw ay sinabihan na sila ng management na baka ang kakatapos lang nilang afternoon drama na Ang Dalawang Ikaw ang magiging huling project nila together. 

Bago pa namin gawin ni Rita Daniela ’yong Ang Dalawang Ikaw sinabihan na kami ng GMA Network na baka ’yon na ’yong huling teleserye o project na pagsasamahan namin,” sagot ni Ken sa press.

“And aware naman kami doon bago pa namin gawin ’yong last teleserye namin na Ang Dalawang Ikaw and na-inform kami ni Rita ahead of time.”

Kaya naman hindi na daw sila na-surprise ng mapunta s’ya sa Mano Po Legacy na iba ang kanyang ka-love team. 

“So, prepared kami. Hindi kami nabigla, hindi kami nagulat sa mga nangyari kasi talagang alam na namin kung ano ’yong magiging takbo ng career namin ni Rita dahil na-explain na sa amin,” pagbabahagi pa n’ya.

Masaya naman daw sila at patuloy na sinusuportahan ang isa’t isa kahit na hindi na sila ang magkatambal. 

“We’re very happy para sa isa’t isa. Happy ako na nakagawa s’ya ng mga projects kahit wala ako and ganu’n din s’ya sa akin,” ani Ken. 

“She’s very happy and she’s proud of me especially nu’ng nalaman n’ya na kami ni Bianca ang magkakasama sa Mano Po [Legacy]: “Her Big Boss.” Talagang happy s’ya sa amin at talagang [naka-]full support si Rita dito sa proyekto na ’to para din sa lahat ng cast.”

Dagdag pa n’ya, aware daw sila pareho ng aktres na darating din ang panahon na maipa-partner sila sa iba. And for Ken, mas okey daw iyon para mas makaikot sila sa industriya at mas mapalawak ang kanilang acting experience. 

Nakakatuwa lang. Alam din namin sa isa’t isa, napag-usapan namin ni Rita ’yon, e. Alam namin na darating at darating sa point na mangyayari talaga ’to,” pagre-recall n’ya. 

“And I think it’s healthier para sa isang aktor na makasalamuha at makatrabaho ng iba pa, ng hindi lang sa isang love team para hindi nalilimitahan ang ginagawa naming trabaho, ang ginagawa naming istorya. So, mas makakapag-explore pa kami ng mas malawak sa loob ng industriya natin,” pagtatapos ni Ken.

Maliban sa bagong ka-love team n’ya na si Bianca, makakasama ni Ken sina Kelvin Miranda, Teejay Marquez, Sarah Edwards, Pokwang, couple Marina Benipayo and Ricardo Cepeda, and more sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na mapapanood na simula March 14 sa GMA Telebabad.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.