Ken Chan, nangakong hindi mawawala sa buhay ni Rita Daniela dahil “mahal ko siya, e.”

“Kahit na ano’ng tahakin mo, I’m just here. Nandito lang ako. Alam mo yan.”—Ken Chan to Rita Daniela

Photos: @missritadaniela

“Kahit na ano’ng tahakin mo, I’m just here. Nandito lang ako. Alam mo yan.”—Ken Chan to Rita Daniela

Ang #RitKen loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan ang tila pambato ng GMA-7 sa mga offbeat couple roles na hindi naman nakakapagtaka dahil parehong may lalim ang acting ng dalawa. They deliver.

Sa indie film na Asintado (2014) namin personal na napanood si Rita Daniela bilang isang pasaway probinsyana teen at nagalingan kami sa kanya. She earned a FAMAS nomination for best supporting actress for the role na markado kahit hindi ito kahabaan.

Si Ken Chan naman proved he’s an actor to watch out for nang maitawid niya ang role na transgender woman sa teleseryeng Destiny Rose noong 2015.

At muli niyang napatunayan ang versatility niya sa My Special Tatay noong 2018 nang gumanap siya ng ala-Sean Penn role sa I Am Sam na isang tatay na may mild intellectual disability.

Dito rin ipinanganak ang tandem nila ni Rita Daniela. They complimented well, acting-wise at nakitaan ng kakaibang chemistry ng viewers, making that TV series a hit kaya nga na-extend pa.

Agad itong nasundan ng light project naman, ang romcom na One of the Baes (2019-2020) para lang ma-explore ang accidentally-established loveteam nila. Ang again, they did well.

This 2021, isang balik-mabigatang acting ang tandem via Ang Dalawang Ikaw (ADI), where Ken plays a character na may Dissociative Identity Disorder (DID) or multiple personality disorder Mala-James McAvoy naman sa Split. 

In ADI’s case, dalawang ang alternating personality sa pagkatao ni Ken, one good, one bad na hindi magkakilala (may mga cases kasi na magkakilala ang multiple personas). Rita naman plays as the agonized wife who suffers the consequences of living and loving with a person with DID. 

Base sa ipinakitang trailer ng GMA-7 sa press kamakailan, impressive ang delivery ni Ken at Rita sa mga hiningi sa kanila ng characters, especially Ken, who has the more challenging role.

Kitang-kita din doon kung gaano na kalalim ang friendship at comfort level ng RitKen. It takes real connection off-cam na nata-translate nila on-cam.

Pero hanggang ngayon, mailap ang dalawa—lalo na si Rita—kapag ang topic naman ay ang pagta-translate ng nakikita sa screen sa real-life scenario.

In short, ma-disappoint may ang fans, hindi pa rin sila.

However, sa virtual mediacon ng ADI, may binitiwang pangako si Ken kay Rita.

“Ako, ang mapa-promise ko kay Rita na kahit na ano’ng mangyari, hindi ako mawawala sa buhay mo,” direktang paga-address ni Ken kay Rita.

“Kahit na ano’ng tahakin mo, I’m just here. Nandito lang ako. Alam mo yan. Meron nga tayong ano, diba...?”

“Your mouth...” caution ni Rita sa ka-loveteam kaya’t naputol ang sasabihin pa sana ni Ken.

“Iba po ’yong relationship namin ni Rita...” patuloy ni Ken. “Nasabi ko ’yong hindi ako mawawala sa buhay niya kasi mahal ko siya. Napamahal na sa akin si Rita. Alam mo ’yong sa family? Mahal mo ’yong pamilya mo. Hindi mo siya kayang iwan. Ganu’n ’yong nararamdaman ko kay Rita. Hindi mo s’ya kayang iwan dahil mahal mo siya. Ganu’n po ka-simple ’yon, I think, kung bakit hindi ako mawawala sa buhay niya.

“Kahit hindi maging kami in the future, hindi ako mawawala sa buhay niya kasi mahal ko siya.” 

At that point ay napa-inom ng tubig si Rita sa split-screen ng Zoom. 

“Diyos ko, ano ba yan?” giit ni Rita. “Bat biglang may pa-mahal kita? Nanggigil ako ha...” 

For her part, mas nag-elaborate naman si Rita kung bakit tila may pag-iwas effort sila ni Ken na maging sila. Aniya, it took them so much hard work to get to where they are now—careerwise. At iyon muna daw ang mas gusto nilang pagtuunan ng pansin.

“Siguro... ano ba? Pa’no ko sasabihin? Unang-una palang din naman kasi we’re very clear na kasi pinangarap namin ito...kung nasaan kami ngayon ni Ken, e. So, hindi namin sasayangin ’yong pagkakataon lalo na ’yong tiwala na binibigay sa amin ng network and ng management,” seryosong esplika ng singer-actress. 

“Sisirain ba namin ’yon dahil lang... just because we want to be together in real life? And mas mahalaga sa amin ’yong pangarap namin...’yong paghihirap na pinagdaanan namin para makarating kami dito. 

“Sobrang clear ’yon na mas gusto namin maging excellent as an actress, as an actor kesa unahin namin ’yong dahil ba love team kami kailangan maging kami rin in real life? 

“Parang ano, gusto namin mas makita nila ’yong relationship namin as ’yong co-actors, ’yong alam mo ’yon? ’Yong ma-appreciate nila ’yong trabahong ginagawa namin. 

“Di ba mas parang masayang panoorin na halimbawa, first time po nila kaming napanood...akala nila kami in real life and then malalaman nila hindi naman talaga. So, para sa amin parang reward ’yon na, ay ibig sabihin effective ’yong ginagawa namin.’

Aminado si Rita na napag-uusapan nila ni Ken ang tungkol sa bagay na ’yon. Pero mas nagiging matimbang umano ang pagpili nila sa friendship kesa sa isang romantic relationship sa ngayon  sa takot na kung hindi mag-workout ay baka lalong mawala ang lahat.

“And ’yong promise kasi ganito lang yan, kapag naging boyfriend ko si Ken Chan, l’ll lose him as my friend—as my best friend,” muling page-elaborate ni Rita. “So, kapag hindi nag- workout ’yong relationship namin, malo-lose ko s’ya... malo-lose ko ’yong best friend ko... malo-lose ko ’yong boyfriend ko. So, ano’ng mas pipiliin ko?

‘Actually, kahit kaming dalawa ni Ken, hindi pa namin masasagot ngayon kasi sa totoo lang...napag-uusapan siya pero hindi talaga siya namin iniisip o pinu-push kasi parehas kaming takot na mawala ’yong isa’t isa. Siguro, ’yon ’yong masasabi ko. Ayaw naming magkaproblema kami.

“Marami naman moment na pinapa-feel niya ’yon sa akin—na mahal niya ako. Nararamdaman ko naman ’yon. Ang kasabihan natin, actions speak louder than words. So, ewan ko kay Ken Chan kung ano… hahaha! Dapat ikaw sumasagot nito, ikaw lalaki, e! Nanggigil ako!”

Patuloy ni Rita: “In fairness naman to Ken Chan kahit hindi naman s’ya tanungin ng question like this sinasabi naman niya ’yon sa akin so that alone is  enough...parang okey na ’yon diba?

Why complicate nga naman.

Nag-agree si Ken sa sinabi ni Rita. Ang mahalaga naman daw, kahit nasa “safe zone” sila, ay naipararamdam nila kung gaano ka-espesyal ang isa’t isa.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ken Chan, natupad ang childhood dream na magka-gasolinahan

Para kay Ken Chan, masarap daw “kumain” si Rita Daniela

Bida ng Puto na si McCoy de Leon, aminadong nangapa sa pagko-comedy

Heart Evangelista, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid and more share the best advices their fathers gave them

Pokwang, naging emotional sa alaala ng pa-birthday na mami at softdrink ng kanyang tatay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.