Kevin Santos, nahihiyang tawaging captain ang sarili kahit ganap na piloto na

Ganap na pilot na si Kevin dahil last July 16, he finally earned his commercial pilot license. Ikalawang kurso na ito na natapos niya. Nito lang March ay nagtapos din s’ya bilang Cum Laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

PHOTOS: @pilot_kevinreal on Instagram

Ganap na pilot na si Kevin dahil last July 16, he finally earned his commercial pilot license. Ikalawang kurso na ito na natapos niya. Nito lang March ay nagtapos din s’ya bilang Cum Laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

Very positive ang aktor na si Kevin Santos na kaya n’yang pagsabayin ang pagiging artista at ang bago n’yang real-life role ngayon bilang isang piloto. 

Ganap na pilot na kasi si Kevin dahil last July 16, he finally earned his commercial pilot license. Yes, isa s’yang ganap na kapitan.

Nakakabilib ang aktor dahil ikalawang kurso na ito na natapos niya. Nito lang March ay nagtapos din s’ya bilang Cum Laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

Tsika n’ya sa virtual media conference para sa teleserye nilang Legal Wives kamakailan, nahihiya pa daw s’ya na tawaging captain ang sarili dahil hindi pa daw s’ya sanay. 

Marami kasing ano…kasi nasanay tayo na pag sinabing captain doon lang sa mga airlines. Pero dito kasi, nasa general aviation ako which is private, kapitan na ako, actually, doon,” palaiwsnag ni Kevin sa press. 

Pero ayaw ko pa din i-consider ang sarili ko as captain kasi hindi ako sanay. Nahihiya ako,” natatawang sabi n’ya. “Wala lang, parang hindi ko pa na overcome.”

At dahil lisensyado na, p’wede na daw s’yang magpalipad ng parehong private at commercial plane. 

P’wede na, actually. Meron na lang akong hinihintay dahil magpapalipad na rin ako for commercial kasi kakakuha ko pa lang ng license ko,” pagbabahagi ng StarStruck Season 2 graduate sa press. 

Excited na nga daw s’ya na matapos ang pandemya dahil for sure ay maraming tao ang babyahe. Marami kasi ang natengga sa kani-kanilang bahay dahil sa lockdown at travel restrictions dala ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman kaya magka-conflict si Kevin sa schedule ng taping n’ya at kanyang flight?

Hindi talaga mangyayari ‘yon kasi alam naman natin pag may taping tayo talagang kailangang ilaan mo ‘yong buong araw mo. And also sa flight din, kailangan mong ilaan ‘yong isang buong araw mo,” sagot ng actor-turned-pilot. 

“So, sa flying naman kasi, hawak mo rin naman ‘yong oras mo. So kung gusto mong hindi lumipad okey lang din. Walang problema,” dagdag pa n’ya. 

Anyway, may patikim si Kevin sa kanyang role sa upcoming Kapuso primetime series. Gaganap s’yang kaibigan ng karakter ni Dennis Trillo.

“The usual ako, makulit,” paglalarawan ng Kapuso star sa kanyang papel. “Kami naman ni Dennis parang ang dami na naming pinagsamahang shows like ‘yong My Husband’s Lover [at] ‘yong mga unang-una pa na Darna

“So, komportable naman kami sa isat isa. Pag sa eksena parang naglalaro nalang kami, at the same time, s’yempre ‘yong mga batuhan namin ng linya hindi basta -basta. [Hindi] dapat laruin. Kailangan seryoso pa rin

Pero si Direk Zig [Dulay] naman kasi binibigay sa amin…open s’ya sa mga gusto naming gawin [sa eksena],” pagtatapos ni Kevin.

Mapapanood ang Legal Wives sa GMA Telebabad simula July 26.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maricar de Mesa, nag-feeling OFW at nagka-anxiety sa mahabang lock-in taping

Lalaking mamahalin ni Bianca Umali, kailangan daw approved sa Lola niya

Andrea Torres, na-appreciate na ngayon ang outcome ng pagpapa-sexy niya onscreen

Legal Wives actor Abdul Raman, nananawagan ng tulong pinansyal at nagbebenta ng gamit para sa na-stroke niyang ina

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.